Chapter 24

7 1 0
                                    


Giovanni pov

"B-bakit ngayon k-ka lang?", tanong ko sa kanya

"Hey! Good evening, pasensya na dumalaw ako kay queen at sinulit ko ang oras na kasama siya kaya ginabi ako",masayang kwento niya

"T-talaga?",

"Hmmm, here",kinuha ko ang inabot niya

"Ano ito?",

"Ah! Pinagluto niya ako kanina kaya nagbaon ako, kay sunny at solely yung dalawa",kinuha niya yung dalawa at naglakad patungo sa kusina at nilagay sa ref, nilapag ko ang lalagyan at binuksan ito, naamoy ko kaagad ang masarap na amoy.

"Sumabay ka na kumain dito",akit ko sa kanya

"Hindi na. Nag dinner na ako ron bago ako umalis, nasan si rey?",

"Ah! Nasa t-taas", sagot ko, at naupo sinundan ko siya ng tingin papunta sa baba ng hagdan at sinalubong si rey

"Papa!!!!",sigaw ni rey at tumakbo pababa

"Madapa ka", natatawang giit ni javi, kinarga nito si rey paupo sa mesa at sinandukan
"Here",

"Papa ano yan? Ang bango",inamoy ni rey ang nasa lalagyan na dala ni javi, habang nagsasandok ako ng kanin ay si javi naman ang nagsasandok kay rey at ang nilagay niyang ulam kay rey ay ang dala dala niyang pagkain.

"Masarap ba?",

"Opo! Papa! Ang sarap",saad ni rey at labo labong nagsubo,

"Oh dahan dahan mabilaukan ka",natatawang paalala ni javi dito

Bumuntong hininga ako at hindi umimik bago nagsandok ng ulam, tumingin si javi sa akin at inusog niya yung dala dala niya

"Tikman mo",nguso niya, tiningnan ko yon at kinuha para tikman, tumingin muna ako kay javi at saka yon isinubo.

Napaubo ako dahil masarap nga, tama lang ang lasa sa dila ko at halatang kabisado ang pag luto nito.

"M-masarap",

"Si queen nagluto niyan, magaling talaga ang isang yon magluto",kwento niya, ngumiti ako at kumain.

Nakikinig lang ako habang si rey at tanong ng tanong kung sino si queen, at si javi naman ay sumasagot sa paraan niya ng sagot halatang kilalang kilala na niya ang pagkatao ng babaeng yon, ngayon gusto ko siyang makilala parang ang interesting ng dating ng babaeng yon sa akin.

Nang matapos kumain ay nagakyat na ako para ihatid si rey sa kwarto at asikasuhin para sa pagtulog, inayos ko rin ang mga nakakalat na laruan ni rey sa lalagyan, maya maya ay pinatulog ko na si rey at nang makatulog ito ay dahan dahan akong lumabas ng hindi gumagawa ng ingay.

"Giovanni?", napatakip ako ng bibig sa boses sa likod, at nakahinga ng maluwang ng makitang si javi yon

"J-javi ikaw pala",hinarap ko ito, nagulat ako ng yakapin niya ako at hinaplos ang buhok
"B-bakit?",

"Sinabi nung Maid at ng mga tauhan ko na nag-aantay ka sa akin na dumating kanina. I'm sorry",

"A-ayos lang a-ano ka ba?", ngiti ko tinitigan niya ako

"Are you sure?",

"Hmmm saka naiintindihan ko naman eh, alam kong gustong gusto mong makasama ang kaibigan mo", tumango ito, namatawi ang katahimikan sa pagitan namin, maya maya ay nagkatinginan kami.

Ilang segundo lang yon pero pakiramdam ko ang tagal tagal, halos hindi ako makahinga dahil sa bilis ng pag hinga ko ng halos isang dangkal na lang ang pagitan ng mga muka namin, unti unti ay mas lumalapit na mas nakakapag patindi ng tibok ng puso ko ng maglapat ang labi naming pareho.
Sinusundan ko ang bawat galaw ng labi ni javi hanggang sa mapayapos na ako ng buo sa kanya, dahilan para mas ihapit niya ang aking katawan sa kanya at mas hinigpitan ito.

THDOL. DETECTIVE SERIES #3; Be With You AlwaysWhere stories live. Discover now