Chapter 13

10 1 0
                                    

Omel pov

Nang makarating sa school ay kasama ko si Giovanni sa pag hatid kay rey sa room. At ako ay lilinga linga wala namang kakaiba o kahinahinalang tao na nakikita sa paligid, kaya tinuon ko ang atensyon kala Giovanni at rey.

"Kiss",ngumuso ito kaya, yumuko ngunit napahinto ng yumuko rin si Giovanni, tuloy ay nagkatinginan kami ni Giovanni, bago maramdaman ang paghalik ni rey sa pisnge ko.Tumayo ako at napatingin sa mga magulang naka sulyap sa amin. Nagpaalam ako kay rey at saka kami lumayo ni Giovanni.

"M-magiging ayos lang k-kaya siya ron?.Pano kung bigla siyang kunin don?",

"Nandito tayo kaya walang gagalaw sa kanya",

"Pero pan—",

*Ring~ring~ring

Kinuha ko ang cellphone ng mag ring ito, napangiti ako ng makitang si sunny yon.

"Sunny?",

"Bakit wala ka sa bahay mo?",mukang inis ang boses niya

"Why? Pumunta ka ba diyan?",

"Yeah. Pero pauwi na rin ako",

"Bakit kase hindi ka nagsabi, sana pala diyan ako natulog",

"Eh? Saan ka ba natulog?",

"Tskk. Wag na nga! Wag mo ng alamin. Lilipat rin kami don",

"Tskk kailan? Hayyss! Sige tumawag ka kapag nandon ka na, may aareglohin lang ako",

*Toot~toot~toot

"Hayyyyss, kahit kailan talaga",inis na bulong ko bago siniksik sa bulsa ang cellphone.

"S-sino yon? Girlfriend m-mo?",biglang tanong ni Giovanni.

"Kaibigan",

"Talaga?",

"Hmmmm. Matalik kong kaibigan",

Dumaan ang oras ay labasan na nila rey, nakakaramdam ako ng gutom dahil walang maayos na almusal kanina, hindi ako sanay ng tinapay lang ang kinakain kapag umaga pero, yun lang ang nabili ko kanina.Nang matapos ay nagdesisyon kaming kumain sa labas. Dahilan para magtatalon sa sobrang tuwa si rey.

"Table for three",giit ko sa waitress

"This way,sir",nagpwesto kami sa may lamesa na malapit sa glass window.

"Ang mamahal naman ng pagkain dito",reklamo ni Giovanni.

"Magorder ka lang ako magbabayad",

"Papa, gusto ko po nito",turo ni rey
"Tapos ito. Tapos ito pa, papa",

"Rey! Hindi mo mauubos lahat yan",saway ni Giovanni, ngumuso naman si rey Kaya natawa ako at tumango.

"Sige, kanya lahat yon itake out na lang kung hindi mauubos",giit ko sa waitress, bago nag order ng drinks at ng pagkain si Giovanni ay drinks lang at sasaluhan na lang si rey.

Habang nagngunguya ay napatingin ako sa labas, at tumingala kumunot ang noo ko dahil may makintab mula ron, hindi nanggagaling sa bintana yun ay nang gagaling sa laser ng baril. Tumingin ako kay rey na may kulay pula sa noo, at kay Giovanni na nasa dibdib. Mabilis kong hinila si Giovanni at rey, paupo. Dahilan para mabubo ang mga pagkain ay drinks, kasabay ng pagkabasag ng salamin ng kinakainan namin.

"P-papa", umiiyak na agad si rey, kaya kinarga ko ito at hinawakan si Giovanni, nagsimula ang sigawan sa paligid at ang iyak ng mga costumer at ang tao sa area.Lumabas kami ron at nagtago sa isang sasakyan na agad na tumunog dahil sa pagkabasag ng bintana at salamin nito.

THDOL. DETECTIVE SERIES #3; Be With You AlwaysWhere stories live. Discover now