Chapter 44

8 1 0
                                    


Giovanni pov

"Asus! Ang sabihin mo nainlove ka!",

"Oo na! Sino ba naman kase hindi maiinlove sa lalaking yon? Ang pogi kaya",pahina ng pahina na boses na saad ko dahilan para umarko ang labi ni Melissa

"Ayun! Edi lumabas rin ang pagiging malandi, noh?",

"Oh! Bakit masama ba?",

"Abah! Talaga talaga!",

"Suss eh! Ikaw kamusta love life mo?",

"Wag ka na lang magtanong, anni! Jusko gusto kong kalimutan ang isang yon",

"Huh? Bakit naman?", bumuntong hininga siya

"Nalaman ko kaseng may anak siya sa pagkabinata niya, eh! Imagine!? Sa tagal namin ngayon lang siya umamin",

"Oh? Anong problema edi tanggapin mo yung anak niya",

"Kaya ko yon! Pero yung babaeng nanay ng anak niya... .nalaman ko na may nangyare sa kanila nung magkita ulit sila kaya yon, nakipag hiwalay ako",

"Suko ka na agad?",

"Siya yung nagsabi na hindi mag wowork pa ang relasyon namin! Kaya okay na! Bayae!, Saka biieee! May chika ako sayo",

"Oh?",ngiwi ko

"May nameet ako kahapon sa resto na isang arabo! Behhh! Ang pogi",kinikilig niyang kwento

"Arabo? As in bombay?",nawala ngiti nito

"Bombay agad? Porke arabo",

"Hindi ba kapag arabo? Bombay, yung naniningil ng utang",

"Tanga!",asik niya
"Hindi naman lahat! Hindi ba pwedeng nagawi lang dito sa pilipinas para mamasyal?",

"Terorista ganun?",

"Wag naman terorista! Traveller ganun!",

"Eh, parehas lang yun!",

"Parang dayuhan na rebelde sa bundok ang salitang terorista beh! Tigilan mo ko!",asik niya kaya natawa ako

"Hahahaha oh? Anong ganap naman dun sa arabo?",

"Ahhahahaha! So? Eto na nga! Tinanong niya ako kung pwede ba raw akong ligawan",

"A-ano sagot mo?",

"Oo! Syempre ang pogi beh! Hindi ko palalagpasin yon!",

"Oh? Tapos?",

"Tapos inalok niya ako na magpakasal!",

"Ano??",gulat na tanong ko sabay tayo, tumaas naman ang kilay nito habang nakatingala sa akin

"O.A beh?",

"Kasal agad?",

"Eh! Ikaw nga, eh! Muntikan lang mamatay meron agad papa itong si rey!",asik niya

"Shhhh!",senyas ko sa kanya

"Ayyy ewan ko sayo anni ah!",

"Kahapon mo lang naman kase nakilala tapos nanligaw din sayo kahapon tapos...alok agad ng kasal? Hindi ba modus yan?", tumingin siya sa akin

"Modus agad beh? Hindi ba pwedeng nabaliw lang sa ganda ko?",asik niya

"Eh! Ang bilis ng ganap, eh!",ani ko

"Sakit mo sa tabs ah!",nanlalaki niyang mata sa akin

"Sorry...sorry... .nagulat ako eh! Malay ko bang mahilig ka sa arabo",nguso ko

"Oh! Siya siya sorry accepted?, Pero may favor ako anni",

"Ano naman yon?",

"Parang ayaw mo yata ah? Sige wag na. Wag na lang",pinalo ko ito

THDOL. DETECTIVE SERIES #3; Be With You AlwaysWhere stories live. Discover now