Chapter 18

8 1 0
                                    


Giovanni pov

Pumasok kami sa loob at sumakay sa elevator, kami na lang dalawa at wala akong ideya kung saan nag punta ang mga kasamahan namin. Pero hindi na ako nagtanong, tiwala akong mababawi namin si rey. Pagbukas ng elevator ay ang maingay na tugtog agad ang bumungad sa amin kasabay ng madilim at umiiba ibang ilaw ay ang mga taong tuwang tuwa na sumasayaw. At sumasabay sa kanta. Tumigil ako ng maramdaman ang paghawak ni javi sa palad ko at nilapit ako sa kanya.

Luminga linga ako at tumingin sa stage nakaramdam agad ako ng awa sa mga babaeng halos iluwa ang kanilang sarili, habang ang iba ay umiiyak pa habang sumasayaw at pinag pyepyestahan ng lalaki sa baba na ngayon ay mga lasing.

"Don't look at them",bulong ni javi.

"A-ano ba kasing ginagawa natin dito?",

"Wag ka na lang tumingin sa kanila", ulit niya at hinawakan ako sa bewang, pumwesto kami sa may counter at don ay kumuha siya ng alak. Napansin ko ang nasa damit nitong nakakabit at ang baril na nasa gilid ng kanyang bewang.

"Hi. Miss? Ngayon lang kita nakita rito bago ka ba dito? Magsolo ka lang ba?",palapit ng palapit ang muka nito kaya sumiksik ako kay javi

"N-no. I'm with someone",tingin ko kay javi na sumisimsim ng alak at nilingon ang lalaki ng blangkong muka.

"Owww? With...your boyfriend? Or? Client? Magkano ba bili niya sayo? Dodoblehin ko",

"Abah! Bastos ka a-",hinawakan ni javi ang braso ko ng sasampalin ako nito, kaya wala akong nagawa ng hilahin niya ako patalikod sa kanya at siya ang humarap sa lalaki.

"Wooww? Hindi ko alam na masyadong harsh ang girlfriend mo dude! I'm sorr—",nakita ko agad ang pagkaputla ng lalaki ng hilahin ni javi ang kwelyohan nito, kaya tumingin ako sa bewang nu Javi at wala ron ang baril niya. Nanlaki ang mata ko ng makitang nakatutuk ito sa baba ng lalaki.

"J-javi",awat ko at baka mapatay niya ang lalaki.

Nakita ko ang paglapit ni javi ng kanyang bibig sa tenga ng lalaki at hindi ko narinig ang mga sinabi nito dahil sa lakas ng sigawan at kanta ng club. Patapon niyang binitawan ang kwelyo ng lalaki na ngayon ay parang nahingawan sa kalasingan at hihingal hingal habang namumutla na umalis sa harapan namin.

"Bakit mo tinutukan ng baril? Pano kung naiputok mo yon sa kanya?",matalim ang mata niya at agad na huminahon ng mapaurong ako. Maya maya ay humawak siya sa tenga.

"Okay good. Wait for that bastard",

"J-javi",

"Confirm,sir nandito nga yung bata nasa ika-limang floor sir",boses sa mini mic na nasa aking tenga mula sa aking tauhan.

"Sir, nasa position na kami",pinalibutan namin ang buong building, meron sa baba at meron sa entrance meron din sa exit at bawat floor ay pinalibot ko sa kanila para patayin at hulihin ang mga tauhan nila joco.

"Good.wait for that bastard",tukoy ko kay joco

"J-javi", tumingin ako kay Giovanni na mukang natakot kanina sa akin, kaya naman marahan ko siyang hinila papalapit sa akin at ng hindi na siya mabastos.

"Sir, Nandito na ang sasakyan nila. Meron siyang sampong tauhan na kasama at dalawang babae",

"Okay be ready",bulong ko

"N-nandito n-na sila",nanginginig ang kamay ni Giovanni na kumapit sa akin, kaya naman nilingon ko ang elevator at don ay sila joco na palabas kasama ang sampo niyang tauhan at may dalawang babae na kasama kagaya ng sinabi ng tauhan ko. Tumingin ako sa mga gawi kung saan naka pwesto ang mga tauhan ko at nag-aantay din ito ng senyas ko.

THDOL. DETECTIVE SERIES #3; Be With You AlwaysWhere stories live. Discover now