Chapter 11

11 1 0
                                    


Giovanni pov

"Wake up",may umuga sa akin kaya naman dahan dahan kong iminulat ang mata, nagtama ang paningin namin saka ako naupo at natayo.
"Time to eat",ginaya niya ako sa mesa at don ko nakita ang maraming pagkain.
"Hindi ko kase alam ang kinakain niyo tuwing dinner kaya naman nag padeliver na lang ako dito",

"Mama! Ang sarap ng chicken!",

"Baka naman hindi ka marunong magluto",ngiwi ko

"Marunong ako ah, hindi ko alam kung nakain ba kayo ng madalas kong kinakain kapag dinner",

"Ano ba kinakain mo kapag dinner?",

"Ah! Less rice ako at mas mahilig akong kumain ng meat and vegetables",

"Mas mahilig kami ni rey sa kanin, at puro de lata kagaya ng sardinas",

"Sardinas?",tanong niya, kumunot ang noo ko sa kanya

"Oo, sandinas yung nasa lata ba. Nabibili yon sa tindahan diyan",

"Hindi pa ako nakakakain non",ngumiwi kami ni rey
"What? Hindi ako mahilig sa ganon",

"Sardinas papa! Hindi ka pa nakakakain? Isda yon papa!", tawa ni rey kaya natawa ako

"Isda?",

"Oo, isda ang laman pero nasa de lata",

"Okay. Dun kayo mahilig? Puro isda?",

"Hmmm. Yun lang ang available sa pera ko eh",nanatili akong tahimik habang kumakain si rey at tuwang tuwa na nakaupo sa kanya, at sinusubuan niya ito ng kanin at steak ang ulam.

Tinitigan ko si rey, hindi siya naging ganito kasaya nong kami lang, talagang nahanap niya sa taong ito ang pagiging ama. Pero alam kong masasaktan si rey kapag nalaman niyang hindi niya tatay ang inaakala niyang ama.

"Ano nga palang pangalan mo? Hindi ko alam ang itatawag sayo", biglang tanong ko, tumingin siya sa akin

"Javi omel hilary",

"Ano apelyedo mo?",

"Hilary. Hahahaha javi omel ang pangalan ko, hilary naman ang apelyedo ko",pag lilinaw niya, tumango ako

"Okay,  edi? Javi? Kailan mo pa naconsider na anak mo ang anak ko? At bakit?",agad na tanong ko

"Actually hindi naman sana, ang kaso ang hirap hanapin ng bahay niyo kaya nagtatanong na ako hindi ko naman akalain na mapagkakamalan nila akong tatay daw ng anak mo, akala ng mga tao dito ako raw yung ex mo",tama siya, ang alam ng lahat dito sa lugar namin ay anak ko si rey sa ex ko, para kapag may naghanap sa Amin ni rey hindi nila malalaman na anak si rey ni hasly.

"G-ganon ba? Kaya ba career na career mo?",

"Ito lang din ang paraan para hindu mo ko pagbawalan na sumama sa inyo lalo pa at gustong gusto akong kasama ng anak mo",dagdaf niya, grabe ang paraan niya talagang alam niya na hindi ko kayang makitang nasasaktan si rey.
"Eh? Ikaw? Kailan ka makikipagtulungan sa akin?", napahinto ako sa pag subo ng kinakain at tumingin sa kanya, agad kong nilapag ang kutsara bago magsalita.

"Bukas?...hindi. sa isang araw? Hindi rin.... Sa susunod na araw? Hindi rin. At sa isang lingo? Hindi rin at sa susunod pang linggo? Hindi rin. Kahit umabot ng buwan o taon? Hindi... Ayaw ko ng balikan yon. Ayaw ko ng maalala yon",saka nag tuloy sa kinakain.

"Ikaw. Kung yan ang gusto mo pero ito ang sinasabi ko sayo hindi matatahimik ang kaibigan mo hanggat wala siyang hustisya",hindi ako umimik sa sinabi niya, at nagtuloy sa kinakain. Nang matapos kami kumain ay nagsipilyo na si rey kasama nitong si javi, at ako naman ang nagligpit ng mga kinainan namin. Napanganga ako dahil walang Plato o baso dito. Ang Plato na nadito ay ang plato namin sa bahay na kinuha niya.

THDOL. DETECTIVE SERIES #3; Be With You AlwaysWhere stories live. Discover now