Chapter 16

10 1 0
                                    

Omel pov

Ilang saglit pa ay nakatulog ulit si Giovanni. Habang ako ay nagbayad ng bills ni Giovanni at para na rin sa gamot nito. Dumating ang mag-asawa na nagdala kay Giovanni dito at agad ko silang pinasalamatan dahil naagapan nila si Giovanni.

"Wala yon. Saka salamat na rin dahil hindi nadamay ang asawa ko sa nangyare kagabi",

"Pwede ka bang makausap saglit?",seryosong tanong ng babae. Kaya tumango ako.

"Ikaw si meiann? Right?", tanong ko ng makalabas.

"Oo, ako nga. Kasama ko siya ng mangyare sa kanila yon kagabi. Nasa banyo ako kaya hindi ako nadamay",giit niya at naupo sa waiting area ng hospital sa hallway.

"Did you see their faces?",

"No. Nasa banyo ako at hindi lumabas dahil sa takot, pero sigurado akong tauhan yon ng tatay ng anak ni ma'am hasly", kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Kilala mo si hasly gunda....",

"Mildred?", dugtong niya, at tumango
"Oo. Kilala ko siya. At alam ko ang nangyare sa kaniya pagkatapos niyang itakbo ang dinadala niyang sanggol na nasa sinapupunan niya kay joco",

"Joco? Is he the real father?",

"Hindi. Yung panganay niyang kapatid ang ama ni rey",

"Kilala mo ba?",

"Madalang siya pumunta sa club, palaging si joco ang nandon. Ang alam ko yung tatay ni rey ay merong deperensya sa kalahating muka at ayaw niyang makita yun ng iba maliban sa kapatid niyang si joco",kwento niya

"Club? Saang club?",

"Matagal ng wala ang club na negosyo nilang magkapatid. Dahil ipinasara na yon ng malaman na ang mga babaeng dinadala ron para magtrabaho para sa kanila ay recruit ng pwersahan",nakatitig ito sa paahan.
"At isa ako ron sa mga babaeng yon",dagdag niya

"M-maraming nagsasabi na bayaran si Giovanni?",mahinang Tanong ko
"May alam ka ba don?", tumingin siya sa akin na namumuo ang luha sa mata

"Oo. Pero Hindi yon kagaya ng sa akin",

"What do you mean?",

"Napunta ako sa ganong trabaho dahil nagpaloko ako sa sinabi ni joco na bibigyan niya ako ng magandang buhay sumama lang ako sa kanya at gawin lahat ng iuutos niya sa akin,hindi ko alam na ganon ang mangyayare na isa ako sa mga babaeng mabibiktima niya",tumulo ang luha sa pisnge nito kaya naman mabilis niyang pinunasan ito ng kamay.

"How about Giovanni? She is one of the victims?",

"Yes. Pero hindi kay joco",

"Kanino?",

"Sa mga pulis na nilapitan niya pagkatapos ng nangyare kay hasly",nawala ang kunot ang noo kk sa sinabi niya at hindi makapag react.
"Akala niya tutulungan siya nung mga pulis na nilapitan niya pero isa pala itong miyembro at asset ng magkapatid. Kaya nakuha ni joco si anni at ang bata",

"What happened next?",

"Dinala ni joco si anni sa club, ako pa nga ang nag assist sa kanya ron",

"You stay there?",

"Yes, wala akong kakayahan na tumakas dahil bantay sarado ng mga tauhan niya ang buong club at natatakot akong baka patayin nila ako",nagpakawala siya ng buntong hininga.
"Binubugbug nila si anni kapag ayaw niyang gawin ang iniuutos ni joco na sumayaw sa stage ng nakahubad",unti unti akong nakaramdam ng awa kay Giovanni
"Kaya kinumbinsi ko siyang gawin yon kase baka patayin siya nila joco at mapunta na sa kanila ng tuluyan ang sanggol na baka lumaking kagaya nila na mga halang ang bituka at walang awa",

THDOL. DETECTIVE SERIES #3; Be With You AlwaysWhere stories live. Discover now