Chapter 20

9 1 0
                                    


Giovanni pov

Nang matapos ang tanghalian ay don naman nagpaalam ang babae. Sunny ang pangalan niya pero hindi ko siya masyadong nakausap dahil si omel ang kausap nito at mukang masaya sila at halatang malapit sa isa't isa.

"Mama? Sino po yung babae?",

"Si ate sunny daw anak",

"Kaano-ano po siya ni papa?", Napahinto ako sa tanong ni rey

"Hindi ko alam eh, baka kaibigan ni papa javi mo",maraming tanong si rey na sinagot ko naman ilang saglit pa ay naglaro na ito kasama ang ilang kasambahay na nakipag laro sa kanya.
"Javi?",tawag ko sa kanya na ngayon ay nag sisimsim ng kape at tumingin sa akin
"May galit ba sa akin kanina yung kaibigan mo?",

"Hahahaha Giovanni ganon lang yon pero she's nice",ngumiwi ako

"Nice? Kaya pa kanina habang kumakain",

"Wala siyang problema sayo. Sa akin meron sadyang ganon yon lalo na at mahilig mang-asar",naupo ako sa harap niyang upuan, at inabutan naman ako ng kape ng maid kaya kinuha ko ito, at ngumiti

"Gaano na kayo katagal magkaibigan?",

"Since we're young",

"Ganon katagal?",

"Hmmm. Hindi lang siya pati si mercy at solely at syempre....si queen",ngumiti ito at uminom ng kape

"Queen?",

"Hmmm. Nasabi ko na sayo nung nakaraan hindi ba?",nasabi niya sa akin ang totoo niyang pagkatao nung nakaraan, nagulat ako dahil bakit naging isa siyang pulis gayong marami siyang dapat pagsisihan sa loob ng kulungan, ngunit nalinawan ako ng magkwento ang mga maid dito sa akin. Kanina habang nagkwekwentuhan sila nung babae sa sala habang umiinom.

"Kaya ba halos marami kang armas dito sa bahay niyo?", natatawang tanong ko

"Oo, saka hilig na rin naming magkakaibigan yon ang mangolekta at magipon ng baril",

"Rehistrado ba ang mga yon? Ang alam ko illegal kapag walang mga papel",

"Meron, lahat meron",

"Nasaan yung iba mong kaibigan? Bakit siya lang yung pumunta?",

"May kanya kanya kaming case na hawak at busy silang lahat eh",nabasa ko ang lungkot sa mata nito

"Ngayon lang siguro kayo nagkahiwalay kaya ka ganyan, tinalo mo pa ang walang kaibigan sa lungkot",natawa ito sa akin

"Naninibago lang ako, parati kase kaming magkakasama at hindi kami nagkakalayo ng ganito at madalang na din kami magusap at magkita",marami siyang kwinento tungkol sa mga kaibigan niya, at mukang masaya ito kaya naman nakinig na lang ako ngunit ang parati niyang binabanggit ay yung queen
"Nakakahanga siya sa totoo lang dahil yung kaming kaibigan niya ni hindi siya nagawang pangitiin pero si erlyn? Tss.. sa kakulitan niya bumigay si queen sa kanya",natatawang giit niya

"Seryoso kahit man lang sa ulan ayaw niya?",

"Oo, ayaw niya at yon ay dahil para sa kanya ay malas",

"Huh? Bakit naman?", curious na tanong ko

"Dahil kapag umuulan parating may nangyayare na masama sa kanya",

"Baka naman coincidence lang",

"Baka. Ewan yun din ang nakikita namin eh!",kibit balikat na sagot niya kaya natawa kami. Habang nag-uusap kami ay nag ring ang selpon niya at kinausap niya ito sa banda sa may pool. Bumuntong hininga ako habang nakatanaw kay javi sa gilid ng pool at nakangiting nagsasalita.

THDOL. DETECTIVE SERIES #3; Be With You AlwaysWhere stories live. Discover now