Chapter 15

8 1 0
                                    

Omel pov

"Aalis ka na?", tanong ko kay sunny, na ngayon ay nahimasmasan na.

"Oo, baka hinahanap na ako ron eh",

"Tss. Sige, salamat at binisita mo ko dito, next time ulit ah",natawa ito at tumango

"Oo. Basta sunod naman lutuan mo ko ng masarap na pulutan",

"Hahahaha oo naman, sige, anong klaseng pulutan ba?",

"Yung dati. Yung niluluto ni solely",ngumiwi ako

"Edi si solely ang palutuin mo!",

"Hahahahah biro lang, kahit ano basta yung masarap yung mas gaganahan akong uminom",

"Oo na! At bring th—",

"No way! Kaya nga ako pumunta rito para walang sakit sa ulo. Tapos gusto mo isama ko?",asik niya, kaya mas natawa ako kanina pa siya nag kwekwento tungkol sa Alexander na yon, at masasabi kong parehas kami ng sitwasyon.
"Sige na aalis na ako",sumakay siya sa motor at sinuot ang helmet, napakaastig talaga nilang tingnan tatlo kapag naka motor.

'kamusta na kaya si queen at si mercy?',

*Broommm~broommmm

Pagbusina ni sunny dahilan para mapatakip akong tenga.

"Wag kang maingay! Sige na umalis ka na",pagtataboy ko, nag dirty finger naman siya sa akin kaya natawa ako
"Sige na, goodbye, ingat ka", sumenyas ito at, pinaandar ang motor paalis.

Buntong hininga akong pumasok sa loob ng bahay, at umakyat patungo sa kwarto. Parang mas bumigat ang nararamdaman ko ngayon, kaya binilisan ko ang pag ligo at nang matapos ay nagbihis at nagderetso sa kama at tinitigan ang cellphone, naalala ko wala nga pala akong number ni Giovanni, at kung tatawagan ko man paniguradong hindi niya sasagutin yon.
Pinatuyo ko ang buhok bago nahilata sa kama, pero hindi ako mapakali at hindi magawang makatulog. Kinaumagahan ay pagod akong bumaba sa baba, para mag agahan, ng lapitan ako ng tauhan ko.

"What are you doing here?", tanong ko dito

"Umamin na yung hawak natin, sir. Kilala niya raw yung sniper sa building",natawa ako dahil paano ko nagawang tawagin na sniper ang taong yon? Ang dumi niya nag trabaho.

"Sino yon?",

"Isa sa best sniper ng grupo nila",

"Best ano?",ngiwi ko

"Best sniper, sir",

"Hahahaha ikaw ba tatanungin ko? Best sniper ba yun para sayo?", natatawang tanong ko, mukang nakuha niya ang ibig kong sabihin.

"Kung ikukumpara sa sniper natin sir?.. siguro hindi, ni hindi siya malinis mag trabaho at may naiwan siyang mga bakas. Katunayan niyan sir omel, nandito kami para ibigay sa inyo ang pagkakakilanlan ng sniper at kung saan siya makikita",nilapag niya ang folder at kinuha ko yon, dating ex convict sa maraming kaso.

"Tsk! Tsk! Kumuha sila ng papatay sa isang kagaya ko na hindi man lang marunong ng maayos at malinis na trabaho?",ngiwi ko, at humawak sa baba
"Kung si queen ang boss ng isang ito paniguradong",turo ko sa tauhan ko

"Paniguradong wala na siya sa mundo", natatawang sagot niya, natawa ako dito kabisado pa din talaga nila

"Oh, sige! Gusto ko siyang makilala. Dalhin niyo siya sa akin ng buhay",

"Sige, sir. Ano nga palang gagawin namin dun sa lalaking hawak natin ngayon?",

"Ilapit ninyo kay general luchavez, siya ng bahala sa taong yan. Sabihin niyo lang ako ang nagsabi",

THDOL. DETECTIVE SERIES #3; Be With You AlwaysWhere stories live. Discover now