Chapter 9

9 1 0
                                    

Giovanni pov

Kinabukasan ay nagising ako kagaya ng oras ng aking pagising. Naghilamos muna ako at nagmumug bago itinali ang buhok, at nag handa ng lulutuin, balak kong lutuan si rey ng paborito niyang  scramble egg, at ginisang kamatis at mainit na kanin, nakokonsensya ako sa nasabi ko kagabi, hindi ko naman alam kung sino ang taong yon kung pamilyado ba o hindi. Ni hindi ko nga alam ang pangalan niya.

Inuna ko ang pag prito ng scramble egg, bago ang paggisa ng kamatis. Habang inaantay ang pagkulo ng sinaing, ay hinihiwa ko ang scramble egg para hatiin na umagahan namin, at baon ni rey, nilagay ko na yon sa lalagyan kasama ng nasa kabila na ginisang kamatis, pero hindi ko muna tinakpan dahil mainit pa at mag papawis. Nang makitang kumukulo na ang sinaing ay inayos ko ito at hinintay hanggang sa mahibasan ng tubig, hininaan ko rin ang apoy para hindi matutong ang ilalim.

Binuksan ko ang bintana na nasa gilid, ng aming kainan, napangiwi ako ng madumi ang makipot na distansya non sa kabilang bahay. Napahikab ako at nagtaas ng kamay para iinat ito.

"Ang puti naman ng kili-kili mo",

"Salamat.", tumalikod ako at nanlaki ang matang, lumingon, don ay nakita ko siyang nakalagay ang siko sa bintana, habang nakatingin sa akin at humihigop ng kape.
"A-anong ginagawa m-mo diyan?",gulat na tanong ko

"Hmmm. I rent this condo.",nakangiwi niya, napahalagpak ako ng tawa sa sinabi niya.
"What?", kunot noong tanong niya

"Hahahaha c-condo na ba yan sayo? K-kawawa ka naman",pang-aasar ko
"Mabuti at nakayanan mong matulog sa ganyang maliit na bahay?",ngisi ko at nilagay ang siko sa bintana

"Yeah. Wake up in the morning and one of the delicious meals that i see now is....",nawala ang ngiti ko sa mabagal niyang giit, habang kagat labi na tumingin sa mata ko, kunot noo kong sinundan ang tingin niya at agad na napahawak sa dibdib.

Nang maalala kong nakasando nga pala ako at wala akong suot na bra.

"Bastos!!!",sigaw ko, habang hawak hawak ang dalawang Maria ko. Tinaliman ko siya ng tingin ng mapatawa ito at kagat labing uminom ng kape.

"I'm sorry,  mali ka ng pagkakaintindi. I'm referring to the scramble egg",turo niya sa lamesa, napatingin ako don at tinaasan siya ng kilay

"Sorry din ah! Kase sa maria ko ikaw nakatitig!!",asik ko sabay sara ng pinto

*Blag

"Bwiset! Humarap ako ng husto sa kanya tapos wala pala akong bra!!",nasampal ko ang sarili sa sobrang inis, hawak hawak ang sando, na manipis pa rin naman.

Laylay ang balikat akong ginising si rey, dahil nakita nung taong yun ang dalawang maria ko! Pati din ang dalawang maliit at cute na nipples ko! Nakita niya!! Nakakainis! At hindi man lang nagsabi.



Omel pov

Pagkatapos kong magkape, ay napahawak ako sa balikat dahil sa masakit ang balikat, ang tigas nung higaan hindi ko alam na ganito pala dito, nang makitang paalis na sila Giovanni ay agad akong tumayo sa upuan at lumabas. Agad namang tumakbo si rey sa akin.

"Papa!!!!",sigaw niya, napatingin ako kay Giovanni na masama ang tingin sa akin, ngumisi ako ng maalala ang nakita kanina.

Manipis ang damit niya at nakasando pa, hindi ko naman kasalanan yon kusang tumingin ang bundok niya sa mata ko.

"Papa? Saan po kayo natulog?",

"Dito",turo ko sa katabing bahay nila, tuloy ay masaya itong tumalon talon at nagpakarga sa akin. Kinarga ko ito hanggang sa makalabas ng looban.
"Ihahatid ko kayo, parang kahapon lang",saad ko

THDOL. DETECTIVE SERIES #3; Be With You AlwaysWhere stories live. Discover now