Winston povFLASHBACK
"Ayos na ba ang mga droga?", tanong ko
"Nailagay na sa lalagyan at nacheck ko na ang drugs boss, paniguradong magugustuhan nila ang produkto natin",giit ng tauhan ko sa laboratory
"Mabuti, siguraduhin niyong maiideliver yan sa tamang oras. Ayokong pagantayin ang mga clients natin lalo pa at sila ang may pinaka malalaking binibili sa produkto natin",
"Boss, pano yung mga produkto na nakuha natin mula sa grupo nila queen? Ibabalik ba natin?",bigla niyang tanong kaya natawa ako
"Bakit natin ibabalik? Eh! Atin na yan simula ng makuha natin? At....hindi naman nila alam na sa atin napunta ang halos billiong pera nila HAHAHAHAHA",pag tawa ko, nung nakaraan kase ay nakuha ng mga tauhan ko ng hindi inaasahan ang billiong billion na halaga ng pera at droga mula sa grupo nila queen. Nakakahanga dahil isa sa mga bigatin at talaga namang may pinaka malakas na pwersa ng sindikato ang grupo, pero hindi ako takot dahil gaya nila? Kinakatakutan din ako.
Pagkatapos ng pagbisita ko sa laboratoryo ko ay umuwi ako sumalubong sa akin si joco, ayaw naman nitong tawagin sa totoong pangalan niya kaya ako ang nagbigay sa kanya ng magiging pangalan niya Isaiah ang tunay niyang pangalan at ngayon mas kilala siya bilang joco na kapatid ni Winston.
"Kuya! Saan ka galing?",
"Sa laboratoryo, kamusta ang transaction?",
"Successful naman kuya. Saka nga pala? Nakita ko yung sankaterbang pera sa bodega natin? Saan galing yon?",takang tanong niya. Naikwento ko sa kanya kung bakit napasakamay ko ang pera at don ay kagaya ko ay tuwang tuwa dahil ang bigating grupo ay naisahan lang ng isang kagaya namin. KINABUKASAN ay nagising ako sa katok ng kapatid ko sa aking kwarto.
"Kuya!!",
"Bakit na naman? Ang aga pa para mang istorbo joco!",asik ko
"Boss. May mga armadong naghahanap sa inyo",tumakbo ang tauhan ko na hingal na hingal, taka akong tumingin kay joco
"Hindi ko rin sila kilala pero apat silang nauuna sa paglakad kanina papasok ng mansyon. Mukang yon ang mga leaderd ng grupo, marami silang kasamang tauhan yung iba nasa labas pa", paliwanag nito
"Baka naman. Bagong client? Paghandaan sila ng makakain at kausapin tungkol sa kung anong presyo ang gusto nilang bilhin ang produkto natin",natutuwa kong utos kay joco na agad na sumunod sa akin.
Pumasok ako sa loob ng aking kwarto at nag ayos saka bumaba, kasunod ang tauhan ko. Napatigil ako ng makitang papalapit si joco at kunot na kunot ang muka.
"Oh? Bakit?",
"Eh! Kuya kung tuluyan na natin sila? Ang bastos eh!",
"Bakit?",takang Tanong ko
"Joco, maraming bastos basta kagaya natin", natatawang saad ko, at lumakad papunta kung nasaan ang hindi inaasahang bisita
YOU ARE READING
THDOL. DETECTIVE SERIES #3; Be With You Always
AcakMatagal na panahon na ng mamatay ang kaibigan ni Giovanni na si hasly, dahilan para manatili sa kanya ang kapapanganak na sanggol na anak ng kanyang kaibigan. Hanggang ngayon hindi niya sinasabi kung sino ang pumatay at humahabol sa kanila ng bata...