Giovanni povPasakay na ako sa backride ng tricycle, ng hilahin ako pababa, muntikan pa akong masubsub pero may nakapulupot sa aking bewang at agad akong niyakap. Don ay napapikit sa magkakasunod na putok ng baril, patakbo akong hinila papaupo sa may sasakyan at don ay umiyak dahil sa lakas ng putok ng baril. Maya Maya ay nawala ito tanging sigaw at iyak ang narinig ko sa paligid ng tumingala ay tumama sa kanyang muka ang paningin ko, unti unti siyang nagbaba ng tingin at nag-aalala ang muka nito.
"You okay?",paghawak niya sa pisnge ko
"S-si rey? Yung a-anak ko?",
"He's safe",tumayo kami at sinilip ko sa loob ng sasakyan si rey na nakaupo at parang walang nangyare
"Bulletproof ang sasakyan ko",biglang salita niya, nakita ko ang mga bakas ng putok ng baril, at don napansin na halos lahat ng tama ay nasa sasakyan niya. Tanging si rey lang ang nasa loob at?? Hindi kaya?Agad akong napalingon ng lumakad ito at pumunta sa likuran, ang driver ng sasakyan ko ay may tama meron ding mga nadamay sa pamamaril. Naiyak ako dahil pakiramdam ko ako ang gusto nilang patayin. Kami ng anak ko.
Mabilis na nag responde ang mga tanod ng barangay at nagtawag agad ng ambulansya. Nagtawag na rin sa pulis para alamin ang nangyare, sa kabila nito ay hindi na ako nagmatigas na magpahatid sa taong ito sa skwelahan ng anak ko, at sa pinag tratrabahuhan ko.
"Ako ng bahala mag sundo kay rey ano bang oras ang labas niya?", Tanong niya.
Nang masabi ko ay pumasok na ako sa trabaho, at sumalubong sa akin si manager. Na nakataas ang kilay na nakasulyap sa likod. Kaya nilingon ko yon.
"Naiwan mo sa sasakyan",lahad niya ng bag ko, kaya kinuha ko
"Salamat",Tumalikod ito at lumabas na ng pinto, tumingin ako kay manager at taas kilay niya akong tiningnan bago ngumisi.
"Talaga nga naman oh!? Sawa ka na bang mag trabaho kaya namingwit ka ng mayaman? Hindi ko akalain na pumatol ang poging yon sa isang kagaya mong bayaran?",napakuyom ako sa sinabi niya, at hindi umimik
"HAHAHA! Nag hihirap ka na talaga anni sa pagbuhay ng anak mo? Kaya iaasa mo sa iba.","M-manager sobra naman p-",
"Gusto mong mawalan ng trabaho Melissa??",nanlalaking mata na asik nito, kaya sinenyasan ko na okay lang si Melissa.
"Nako! Giovanni talagang expert ka sa pang-aakit ng lalaki. Talagang gamit na gamit mo ang itsura at katawan mo! Jusko! Nakakahiya na mag karoon ng empleyado na kagaya mo rito! Tamang tama lang pala na sa kusina at pag seserve ang ibinigay king schedule sayo bagay na bagay sayo isang basura para sa barya",pang iinsulto nito.Namuo ang luha sa mata ko at hinigpitan ang kapit sa bag, ng umalis ito ay nilapitan ako ni Melissa.
"Tama na yan! Hayaan mo na lang! Inggit sayo yan at gwapo ang tatay ng anak mo",bulong niya, napatingin ako sa kanya. Bakit ba lahat sinasabi siya ang tatay ni rey??!!
"Oh? Wag mo ng itanggi! Kaya pala pinagtatabuyan mo kahapon kase siya pala tatay ni rey! Jusko! Ah! Hindi mo sinabi na ganon pala ka hot ang ex mo? Letse ka!","H-hindi ko siya ex!",
"Jusko naman Giovanni! Wag mo ng itanggi kilala kita! Saka bumabalik na ang tatay ni rey pagbigyan mo malay mo masundan si rey", ngumiwi ako sa kanya at inikutan ito ng mata, habang nagsusuot ng apron at ng net sa ulo dahil sabay kaming nakatoka sa kusina ni Melissa
"Oo nga naman! Ang gwapo ng tatay ni rey anni? Pwede mo ba akong ipakilala kung ayaw mong balikan?", singit ng katrabaho ko pa
"Che! Manahimik ka nga jan! Wag kang epal!",
"Bakit? Ayaw naman ata ni anni, eh! Akin na lang",
Hindi ako umimik sa pagtatalo nung dalawa, naalala ko tuloy yung unang kita ko sa kanya.Aaminin kong gwapo siya, at talaga namang ang lakas ng dating niya tagos buto ang naramdaman kong kuryente ng banggitin niya ang pangalan ko, kahit ngayon iba ang tibok ng puso ko kapag binabanggit niya ng buo ang pangalan ko. Pero isa siyang pulis at ang totoong pakay niya ay ang halungkatin ang nangyare kay hasly.
Kapag nangyare yon maaari kaming mas malagay sa alanganin ni rey, at isa pa hindi ko siya kayang pagkatapos ng lahat ng naranasan ko noon sa kamay ng mga pulis, lumitaw bigla sa isip ko ang mga nakitang sandamakmak na baril at armas sa isang kwarto na napasukan ko para tingnan.
FLASHBACK
"Dito ka lang",bilin ko kay rey, na tumango, hawak hawak nito ang isang robot na ibinigay ng maid kay rey.
Lumabas ako ng kwarto at tumingin sa baba, napahanga talaga ako sa sobrang laki at lawak nito, pakiramdam ko araw bago ako makababa sa hagdan na sobrang taas at haba papunta sa baba. Hindi ba napapagod ang mga maid na mag balik balik dito? Kaliwat kanan kase ang balik ng mga maid, at sobrang linis ng sahig makintab at talagang makikita mo ang sarili mo don, napatingin ako sa mga pictures na nakalagay sa may ding ding, at nakita ang napaka gwapo at cute na batang lalaki kasama ang isang may edad ngunit magandang lalaki, at ang isang napaka gandang babae.
Habang naglalakad ay naagaw ng isang pinto ang atensyon ko, kakaiba kase ito sa mga pinto na nakita ko dito sa hallway, dahil kulay itim at nasa dulo, ng buksan ko ay napanganga ako dahil napakaganda ng kwarto, sobrang laki mas malaki kesa sa kwarto namin na binigay ng maid sa amin ni rey. Hinawakan ko ang isang painting at natigilan ng umikot yon ng konti, kaya iniikot ko nabigla ako sa nakita at napaurong.
Maraming armas at ibat ibang klase ng baril ang nandon, may maliit at may malalaki,napaurong ako at pag urong ko ay napahiga ako sa malambot na kama. Pagtayo ko ay napatingin ako sa ilalim at parang may lalagyan din don, at paghila ko ay nanlaki lalo ang mata ng makita ang napakaraming bomba. At ibat ibang klase ng baril, meron ding mga matatalim na bagay.
"A-anong klase kang tao? Pulis ka ba talaga?",bulong ko, agad kong binalik yon sa ilalim ng kama, at ang painting ay inayos kagaya ng dati, napatingin ako sa may pinto na marahil ay CR at lumapit don, may tao sa loob dahil rinig ko ang waswas ng tubig, ilang saglit pa ay dali dali akong umalis sa kwarto at sinara ng walang ingay ang pinto. At agad na pumunta kay rey para umalis.
END OF FLASHBACK
YOU ARE READING
THDOL. DETECTIVE SERIES #3; Be With You Always
AcakMatagal na panahon na ng mamatay ang kaibigan ni Giovanni na si hasly, dahilan para manatili sa kanya ang kapapanganak na sanggol na anak ng kanyang kaibigan. Hanggang ngayon hindi niya sinasabi kung sino ang pumatay at humahabol sa kanila ng bata...