Omel povTahimik kaming pumasok sa isang safe house ni Winston, at agad na nagkaroon ng putukan ng baril. Kasama ang mga tauhan ay niloob namin ang gitnang parte.
*Bang
Pagbaril ko sa mga taong humaharang sa daan namin, habang ang tauhan sa likod ang nakabantay sa kaliwa at sa kanan. Tumingin ako sa taas at napatago sa gilid ng sumilip si Winston don at nagpakawala ng mga putok.
"Kakaiba ka talaga!! Hilary!! Talagang nagawa mong hanapin kung nasaan ang mag ina mo!! Kahanga hanga!!",
"Hay*p ka!! Winston ibalik mo si Giovanni at si rey!!",
"Manigas ka diyan dahil papatay ko muna ito bago ibigay sayo!", kumuyom ang kamay ko sa sinabi nito at umakyat habang nagpapaputok, nakita ko ang pag alis nito kaya tumakbo ako papasunod habang pinakikiramdaman ang paligid. Nakatutok sa bawat direction na dinadaanan ko.
*Bang
*Bang
*Bang
*Ratatatatatatatrattatattata*
Tumago ako sa gilid at saka nagpakawala ng mga putok sa gawi nito.
"PAPA!!!",boses ni rey
"Subukan mong magpaputok hilary! Sabog ang bungo ng isang ito!!",sigaw nito
"J-javi", tumingin ako ron at nanlaki ang mata ng makita ang itsura ni Giovanni, hindi ko na ito makilala dahil namamaga ang dalawang pisnge at ang kanang mata nito habang may pasa at sugat at puro dugo, putok na rin ang itaas na labi.
Dumudugo ang ilong at ang tumutulong dugo sa bibig nito ang mas nag painit sa ulo ko.
"Pasensya ka na hilary kung napag initan ko. HAHAHAHAH hayaan mo kaming makaalis at walang mapapahamak sa dalawa!",dahan dahan silang umaatras papaliko, kaya wala akong ginawang kilos. Tumingin ako kay rey na pilit na iniaabot ako kahit na sobrang layo
"PAPA!!!!",
Sumunod ako sa kanila pero natigilan ng makitang nakatutok ang baril nila sa kin, napatungo kami sa rooftop ng bahay nito at may pababang helicopter don. Merong tao si Winston na nakatutok sa aking leeg ang baril, nanatili kay Giovanni at rey ang paningin ko habang pasakay sila sa helicopter.
"Wag kang susunod!! Ibaba mo ang baril mo!",utos nito
Sinamaan ko ito ng tingin at sinunod, dahil hawak nila si Giovanni at rey paniguradong tototohanin ni Winston ang sinabi, kapag kumilos ako.
"Boss om-",
"Wag kayong magpapaputok!! Kung ayaw niyong ligtas na maibalik ang dalawang ito!",sigaw ng kasama ni Winston sa helicopter, na paakyat.
Sinundan ko ng tingin ang paalis na helicopter, at nanatiling kay Giovanni ang paningin. Pumikit ito at umiyak, agad akong nagulanta ng itulak siya ni Winston habang pataas ang helicopter, kaya agad kong inalis ang braso ng lalaki at paikot itong binali, saka mabilis na sinipa sa likod ng tuhod bago sikuhin sa panga.
Dahilan ng pagbagsak nito sa sahig at mawalan ng malay. Tumakbo ako pagawi kay Giovanni na malapit na bumagsak, masyadong mataas na ang helicopter ng itulak siya kaya kahit papano ay naabutan ko ang pagsambot sa kanya. Tuloy at ako ang napahiga at nadaganan niya.
"J-javi!! Huhuhu",nanginginig ang boses at katawan nito dahil sa biglang pag tulak sa kanya. Nanlaki ang mata ko ng makita si Winston na nakatutok ang baril kaya naman tumingin ako kay Giovanni at agad na iniiwas ito at ako ang pumaibabaw.
YOU ARE READING
THDOL. DETECTIVE SERIES #3; Be With You Always
CasualeMatagal na panahon na ng mamatay ang kaibigan ni Giovanni na si hasly, dahilan para manatili sa kanya ang kapapanganak na sanggol na anak ng kanyang kaibigan. Hanggang ngayon hindi niya sinasabi kung sino ang pumatay at humahabol sa kanila ng bata...