Chapter 37

5 1 0
                                    


Omel pov

Umurong kami ng grupo habang sabay sabay na nagpapaputok sa mga kalaban.

Sa bandang ulo at balikat minsan sa dibdib ang kadalasang pinupuntirya ko sa kanila, sinisiguro kong patay ito para hindi na makabangon at makalaban pa.

Sumunod ako sa dinaanan nila Winston kanina at napunta ako kung nasaan ang eroplanong sasakyan nila.

Mahigpit Kong kinapitan ang baril saka nag paputok sa gawi ni winston na hindi pa nakakalapit sa eroplano na ngayon ay nagbaba na ng hagdan para sa pag akyat nila Winston, nakita ko si rey na umiiyak habang kapit kapit ni Winston.

*Bang

*Bang

*Bang

Nagpaulan pa ako ng bala sa gawi nila dahilan para magkahiwalay hiwalay sila at natira si Winston na patuloy na umaabante dala dala si rey kasama ang dalawang tauhan.Hinarangan ako ng isang tauhan nito habang pinapaputukan ako ngunit wala na itong bala, gulat itong tumingin sa akin ng sipain ko ito bago hinawakan ang buhok at tinuhod ang kanyang panga na naging dahilan ng pag putok ng kanyang labi.

Bumuga din ito ng dugo. Nagpaputok sa gawi ko ang ilang kasamahan nito kaya naman ipinangharang ko ito dahilan para ito ang tamaan at hindi ako, tumingin ako sa baril ko na nasa semento kaya naman mabilis kong itinapon ang katawan ng lalaki saka tumakbo at nagpadulas papahiga saka dinampot ang baril at gumulong papadapa bago sila paputukan, sa mismong ulo, tumayo ako at sumunod ang tatlong lalaki.

Akmang susuntukin ako nito ay sinalag ko ang braso nito saka sinipa ang isang nasa likod bago tumagilid at yumuko ng hahampasin ako ng kahoy ng isang lalaki tuloy ay ang kasamahan niya ang nahampas.

Humawak ako sa balikat ng lalaki at tumakbo papaakyat sa pader, ginamit kong pwersa ang katawan ng lalaki at patalikod na pumaharap saka ko ito minuka at sinipa naman sa leeg ang isa. Mabilis akong tumalikod at sinipa ito patalon sa muka ang isa na naging dahilan ng pagdugo ng ilong nito.

Hirap na itong mga tumayo dahil bukod sa pag sipa ay binali ko rin ang kanilang mga tuhod. Agad kong sinipa ang baril papataas saka ito sinambot.

*Bang

*Bang

*Bang

Tatlong bala ng baril para sa tatlong tao na humarang sa akin.

Hingal akong lumingon sa gawi nila Winston at papasara na ang pinto ng eroplano dahil papataas na ito, agad akong kumaripas ng takbo at agad agad na tinalon ang pinto na papataas, tuloy ay nakabitin ako ngunit mabilis rin akong nakaakyat, tumutok ang baril sa noo ko ng tauhan ni Winston.

"Baba ang baril",utos nito, kaya dahan dahan kong ibinaba ang baril saka tumingin dito.

"Wala bang time out?",ngisi ko, at hinugot ang mini knife sa sapatos, tinapik ko ang kamay nito dahilan para sa gilid pumutok ang bala mula sa baril nito, saka hinila at sinaksak sa tiyan bago agawin ang baril at pinukpok ito sa ulo, dahilan para mawalan ito ng malay.

Itinutok ko ang baril sa gilid ngunit lalaking naka suot ng pang piloto ang nandon at nakataas ang kamay habang namumutla.

"T-teka h-hindi po a-ako kasali",

"Bilisan mo, umalis ka rito baka madamay ka. Merong mga pulis diyan ingat lang baka matamaan ka ng ligaw na bala",saad ko tumango ito at bumaba, nakababa na pala ulit ang hagdan ng eroplano. Napatago ako sa upuan ng eroplano ng may nagpaputok sa gawi ko.

"WINSTON!!!!!!!!",sigaw ko at hinigpitan ang hawak sa mini knife na ginamit ko sa isang tauhan ni Winston.

Itinapon ko sa isang kasama ni Winston na tauhan ang mini knife na naging dahilan para tumarak ito sa dibdib nito, ngumisi ako ng bumagsak ito kaya naglakad ako para hanapin si Winston at si rey sa dulo. Ngunit sigaw ni rey ang narinig ko na nagmumula sa parte kung nasa saan ang daan papunta sa private seat ng eroplano.

"Huhuhuhuhu' i-ibalik niyo n-na po a-ako sa p-papa ko",rinig kong boses kaya bumalik ako at tumungo sa may private seat ng eroplano. Nang makarating ay....

"Wag kang lalapit!",sigaw ni Winston habang nakatutok kay rey ang baril

"P-papa!!!",sigaw ni rey at tatakbo sa akin, ngunit hinigpitan ni Winston ang hawak dito.

"Kapag lumapit ka paniguradong hindi mo na maririnig ang pagtawag sayo ng ganyan ng anak mo, hilary",

"Ibigay mo ang bata sa akin",akmang hahakbang ako ng alisin nito ang jacket ni rey nanlaki ang mata ko ng makitang buong katawan nito ay may nakakabit na bomba.

"Sabay sabay tayong sasabog dito hilary! Hayaan mong makaalis kami sa eroplano na ito at ligtas ang anak mo sa mga bomba na nasa katawan niya",giit ni Winston

"Sige. Alisin mo lang ang bomba sa bata",

"Hahahahahaha urong!!!!",sigaw nito

Dahan dahan akong umurong papalikod hanggang sa makarating kami sa pinto ng eroplano. Nakatutok sa akin ang baril nito habang unti unting lumalapit sa pinto

"Wag kang susunod! Alam ko rin namang mahahanap mo ako eh. Kaya hindi na ako nagtaka at pinag planuhan ko na",ngiti niya ng makalabas

Pinindot nito ang baril.

"Papa!!! Wag po!! Papa!!",sigaw ni rey

Napapikit ako ngunit kumunot ang noo ng walang balang tumama sa katawan ko, nagmulat ako at ngumising tumingin kay Winston. Na inis na itinapon ang baril saka hinugot sa bulsa ang maliit na selpon, tumingin ako sa bomaba na nasa katawan ni rey bago sa kamay ni Winston.

"Maling kilos mo hilary, patay na ang bata", ngisi nito

Naramdaman ko ang pagdaloy ng pawis sa aking pisnge pababa sa akinh dibdib, habang hinihingal na nakatingin kay rey, na ngayon ay umiiyak ng umiiyak.

"Wag kang susunod",banta ni Winston at bumaba. Hindi ako sumunod kagaya ng sinabi nito at ng makarating sa baba ay ngumisi ito.
"Hindi ko akalain na ang isang kagaya mo ay may magiging kahinaan din pala! Hilary!!! HAHAHAHAH",sigaw nito, may lumapit na kotse dito at limang tauhan kinuha nito si rey at sinakay sa sasakyan, at tumawa kasama ni Winston

"Sa tingin mo ba? Makakatakas ka?",

"Hahahahaha hilary! Oo naman, talagang pinag handaan ko ang araw na ito! Sa pag patay mo sa kapatid ko ay sa ginawa mong ito??",turo nito sa muka, sabay alis ng isang nasa kalahati ng muka nito. Gumamit siya ng isang maskara na kagaya ng nasa kalahati ng muka niya para hindi makita ang tunay niyang muka.
"At nasisiguro kong hindi mo na din makikita ang mag ina mo hilary...paalam!",kumaway ito at sumakay sa sasakyan, saka sumilip ron habang paandar kumunot ang noo ko ng pindutin nito ang hawak hawak.

Napatingin ako sa gawi ng may tumunog at don nakita sa ilalim ng upuan ng eroplano ay may mga nakatagong bomba. Nanlaki ang mata ko ng sumabog ang dulo ng eroplano at papalapit sa gawi ko kaya naman agad akong kumilos para umalis. Ramdam ko ang init ng sumabog ang bomba sa may gawi ko.

"Ahhh!",angik ko ng lumapag ako sa semento, nagpagulong gulong ako habang hawak hawak ang  ulo. Masakit ang likod ko at ng tatayo ako ay bumagsak ako dahil sa sakit ng isa kong binti. Pakiramdam ko ay may nabaling buto ron.

Sabog na ang eroplano at tumingin sa sasakyan na papalayo, umiling ako ng manlabo ang paningin ko unti unti ring tumulo ang dugo sa may noo ko, hingal akong nahiga sa semento ngunit napatitig sa mukang sumilip sa uluhan ko.

"Hindi ka pwedeng mamatay ng dahil sa taong yon hilary",ngumiwi ako kay sunny

"What the fuck? Are you doing here?",mura ko dito

"Pumunta ako sa mansyon mo kaso si anni lang naabutan ko, sabi sa akin nandito ka. Ayaw manahimik ni anni at nag-aalala sayo kaya ako na ang nag prisinta na sumunod dito para manahimik ang isang yon. Saktuhan na naabutan ko sila Winston na paalis sakay ng kotse kaya binangga ko yung sasakyan nila",namilog ang mata ko sa sinabi nito

"What!!? Nandon si rey!!",asik ko

"Hindi naman siya nasaktan eh. Nauntog lang kaso walang malay!",

Anak ng.....

-vienriex ❤️

THDOL. DETECTIVE SERIES #3; Be With You AlwaysWhere stories live. Discover now