Giovanni pov
Nakabalot sa plastik ang aking ulo habang dinikitan nila ng tape ang aking buong muka tuloy ay pakiramdam ko ay makakapusan ako ng hininga, ramdam ko rin na hindi ko maigalaw ang katawan dahil sa mga tape na nakabalot sa aking katawan. Umiiyak ako habang ramdam ang pagandar ng sinasakyan ko, ginawan nila ng butas ang mga nakadikit na tape kaya kahit papano ay nakakaaninag ako mula sa labas.
Kapag ibinagsak nila ako sa tubig ay hindi ako makakalangoy papataas, at sisiim sa butas nito ang tubig at don ay malulunod ako, talagang wala akong takas.
"Matagal pa ba tayo?",
"Malapit na, doon natin ihuhulog ng walang makakita",
Napapikit ako sa takot, kumakabog ang kaba sa aking dibdib, inisip ko na lang ang anak ko na ngayon ay sana ay ligtas, at walang masamang nangyare sa kanya. Hasly, wag mong pabayaan ang anak mo. Wag mong hayaan na makuha siya ng ama niya pakiusap. Wala akong takas sa kanila ngayon at hindi ko alam kung nasaan na si rey. O kung ligtas ba siya. Pakiusap hasly gabayan mo si rey. Wag mong hahayaan na mapahamak siya.
Huminto ang sasakyan at maya maya ay nakita ko ang pag bukas ng likod ng van, at don ay kinuha ang paa at uluhan ko, dalawang tao ang may dala sa akin.
At inilapag ako saka iginulong, napapikit ako ng maramdaman na nahulog na ako sa tubig, at ang unti unting pagsiim ng tubig kaya hindi na ako makahinga, at nakakainom na ng maalat na tubig sa aking bibig sa paghahabol ng hining.
Unti unting nanlabo ang aking mga mata at ang pag pasok sa aking isip ng mga ala ala namin ni hasly.
FLASHBACK
"Anni. Sabi ko sayo gumising ka ng maaga anong oras na! Tatanghaliin ka na naman sa trabaho mo",daldal ni hasly, tuloy ay napataklob ako ng kumot sa muka
"Hasly! Anong oras pa lang!",reklamo ko
"Hayy! Nako! Anni! Anong oras na!!!? Aabutin ka ng siyam siyam sa higaan",
"Hasly naman!!",
"Bumangon ka na diyan! O bubuhusan kita ng tubig!", pananakot niya, agad akong tumayo dahil alam kong gagawin talaga niya ang sinabi niya
"Ayun!! Kailangan mo pang takutin bago ka bumangon! Halika na dito kumain ka na", natatawa niyang alok, kaya ako ay nakasimangot sa kanya.END OF FLASHBACK
FLASHBACK
"WAAAHHHHHHHH!!",
"Hasly? Ano yon?", dali dali akong pumunta sa kwarto niya ng sumigaw ito
"Hahahahahahha!! Ehhhhhhh!!!!",talon talon niya sa kama
"Hoy! Ano ba kase yan ah!?",taka kong tanong sa kanya
"Hahahaha anni! Kase itong guy na ito ang pogi!!!", tili niya
"Huh?",
"Kagabi kase habang nasa club kami ng mga katrabaho ko may lumapit na guy sa akin. Look",pinakita niya ito sa akin at napangiwi ako dahil gwapo nga naman.
"Oh? Boyfriend mo na?",
"Oo! Tinanong niya ako kahapon nagulat nga ako kase nalaman niya agad number ko! Eh! Eto katext ko siya ngayon! Bheeee!! Ehhh!! Hahahahk", tili niya, inikutan ko ito ng mata dahil akala ko kung ano na.
"Uy! Hindi ka man lang ba magugulat na may boyfriend na ako?", asik niya, tinaasan ko ito ng kilay"Magugulat pa ba ako? Eh parati ka namang may boyfriend!",natawa ito sa akin
"Ang pogi niya diba? Diba??",
"Oo!",
"So type mo?", nilingon ko siya
"Hindi!",
"Edi, napapangitan ka?",sama niya ng tingin sa akin, napasabunot na lang ako sa kabaliwan niya
"Ewan ko sayo!",
"Hahahahah kidding!! Mwauuuaahh!! Hahahaha ikaw muna mag luto busy ako kausap siya",laylay ang balikat at ako na ang nag luto, napapikit ako ng mata ng malakas siyang tumili na naman. Tuloy ay sinugod kami ng ilang kapitbahay namin na ang ingay raw, ako na lang ang humingi ng sorry, habang siya ay todo ignore basta kinikilig.
END OF FLASHBACK
'dahil sa kaadikan mo sa lalaki, napahamak ka',
Masakit na bulyaw ko sa kanya sa aking isip.
-vienriex ❤️
![](https://img.wattpad.com/cover/316644410-288-k42506.jpg)
YOU ARE READING
THDOL. DETECTIVE SERIES #3; Be With You Always
De TodoMatagal na panahon na ng mamatay ang kaibigan ni Giovanni na si hasly, dahilan para manatili sa kanya ang kapapanganak na sanggol na anak ng kanyang kaibigan. Hanggang ngayon hindi niya sinasabi kung sino ang pumatay at humahabol sa kanila ng bata...