Chapter 26

12 0 0
                                    


Omel pov

Hindi ako mapakali dahil sa pag-aalala kay queen lalo na at nahospital ito, maya maya ay tumunog ang selpon ko na kaagad kong kinuha at sinagot ang tawag.

"Syn!? May balita na ba?",

"She's missing", napatayo kaagad ako sa kinauupuan

"Missing? Saan naman pupunta yon?",

"I don't know ngayon ko lang din nalaman, tumawag ako sa port pero hindi daw nagawi don si queen", giit niya, napakagat labi ako

"Kailangan ba nila ng tulong? Tatawagan ko sila sunny at solely para tumulong kaming ta-",

"Baka busy kayo", napahilamos ako sa muka at naupo

"Okay. Ipapahanap ko na lang sa mga tauhan ko, tatawag na din ako sa dalawa",pinatay ko ang tawag at agad na dinial ang number ni sunny.

Tinawagan ko ito ngunit gaya ko ay hindi siya pwede lalo pa ay may inaasikaso rin pala siya sa kaso. Bumuntong hininga ako at pinatay ang tawag hindi kami lahat available, kaya agad akong nag utos sa mga tao ko na hanapin si queen.

Kinagabihan ay nakatanggap ako ng tawag mula sa mga tao ko, hindi raw nila mahanap si queen lalo pa at malakas ang ulan alam naman nilang ayaw ni queen na nauulanan kaya agad kong kinuha ang jacket, sumalubong naman si Giovanni sa akin.

"Gabing Gabi na aalis ka?",

"Hindi ako mapakali hindi nila mahanap si queen. Gusto ko sumama?",

"Pano si rey?",

"Maraming bantay dito, saka ibibilin ko siya tara", sumunod ito pagkatapos kumuha ng pang doble sa suot, at sumakay.

Umalis kami at habang patungo sa mansyon ni queen ay nagmamasid masid ako sa mga kalsada at baka sakaling makita ito pero nang makarating kami sa mansyon nito ay ni bakas niya wala, malakas ang ulan kaya medyo malabo ang kalsada, pinapasok kami sa gate at pag parada don ay nakita ang sasakyan ni solely, bumaba kami sa may pinto ng mansyon, at sinalubong naman kami ni solely na ngayon ay nag suggest na tumulong na sa pag hahanap.

Sumunod naman ay ang pagdating ng sasakyan ni sunny at kasama nito si Alexander gaya ni solely ay yun din ang sabi.

Ilang oras ang pinagusapan namin bago sana umalis at maghanap na kaso ay ang pag dating ng isang sasakyan at don ay natanaw si jonathan na basang basa na lumabas habang karga si queen, dali dali kaming sumalubong, agad kong kinuha si queen kay jonathan at ipinasok, basang basa at maputla namumula din ang mga mata.

Tuloy ay mas lumalim ang pag aalala namin dito, iniakyat ko ito kasunod sila at inihiga sa kama, tinulungan ako ni sunny na asikasuhin si queen si kaizer at si erlyn ay nanonood lang at nag-aalala.

Nang matapos ko itong punasan ay si manang na ang nagsabi na siya na ang bahalang magbihis sumang-ayon ako at bumaba iniwan namin don sila napatingin ako kay Giovanni na matipid na ngumiti sa akin at umiwas, nandon silang lahat sa sala.

Kaya naman bumaba kami ni sunny ron at naupo.

"Pwede ba magtanong?",biglang salita ni sunny na nakatingin kay jonathan

"About what?",

"Anong nangyare sa kanya?",

"General is gone",singit ng isang kaibigan ni Jonathan na si shy

"We already know napanood namin pero? Pano?",

"Sabi ng mga nakakita may handang bumangga sa sasakyan nila isang malaking truck ng makausap namin ang driver nawalan daw ng preno kaya hindi agad naihinto, sakto na pagliko ng sasakyan nila general, nahulog ito sa tulay pabagsak sa tubig, ilang sandali narinig nila ang pagsabog",seryosong sagot ni shy, hindi ko gusto ang pananalita nito pakiramdam ko ay may galit itong gustong ipakita
"Nang dumating ako ron, nakita ko si jewer nagiiyak at tulala, bago sya mahirapang huming-",pinutol ko ang sasabihin pa nito

"Wait? Nahirapang mag?", pag tanong ko

"Nahihirapan syang huminga kanina kaya dinala ko sya sa hospital nawalan pa nga ng malay, bago sya tumakas at ngayon lang namin nahanap",

"B-bakit hindi nyo kami tinawagan??",tanong ni sunny

"Sunny",saway ni solely

"Hindi ko sila sinisisi okay!? Pero...may nangyayare na pa lang ganyan sa kanya bakit hindi nyo kami pinasabihan?",

"Hindi naman namin alam number nyo isa pa may ginagawa rin kayo",giit ni Jonathan, napailing naman si sunny

"Pero kay erlyn meron, sana sinab-",

"Sunny! Enough",saway ko, napansin ko ang sugat ni jonathan sa dibdib kaya nagtanong ako dito

Naalala ko tuloy ang mga sinabi ni queen ng dumalaw ako sa kanya dito, may pakiramdam akong may kinalaman siya sa pag sabog at alam kong yon ang sinasabi ni syn na plano ni queen. Pero bakit kasama si general? Kasama ba si general sa plano? O.... Nadamay??

Nag stay pa kami ron ang kaso lang hindi nagigising si queen baka ganon na lang ang pagod niya kaya ang tagal niya magising. Hindi na kami nag atubiling gisingin ito dahil aantayin na lang namin na magising para na din makapag pahinga ito ng maayos.

Nang makauwe ay nagtaka ako dahil sa nakitang reaction ng mga maid.

"Naku! Sir buti umuwi na kayo",

"Bakit may nangyare ba?",nagaalalang tanong ni Giovanni
"Si rey nasaan?",

"Meron pong sasakyan na pabalik balik kanina pa diyan sa labas ng huminto ang ulan, tumatawag po kami sayo sir kaso naiwan niyo ang cellphone niyo sa kwarto",

"Nakilala ba kung sino yon? Baka naman kapitbahay lang?",

"Nag rereview na po ng cctv para malaman, natakot din po si rey ay hinahanap kayo",agad kaming umakyat sa taas papunta sa kwarto ni rey.

Nang makarating ay nag iiyak ito, at agad na yumakap kay Giovanni.

"Mama!! Papa saan ba kayo galing?",nag iiyak na tanong nito

"Sorry anak, may pinuntahan lang kami ni papa",

"Bakit hindi n-niyo ako sinama?",

"Akala kase namin eh, tulog ka dito o kaya naglalaro kaya hindi ka na namin sinama. Pero nandito na kami okay",

"Natakot ako k-kanina papa! Mama! May sasakyan na pabalik balik sa labas ng g-gate tapos yung lalaki papa! Tumingin sa akin nung nasa pinto ako",

"Lalaki?",lumapit ako sa kanya

"Opo, papa! Nakakatakot po ang muka niya",ngiwi nito,

"Tumingin siya kanina sayo?",tumango ito at yumakap sa leeg ko, nagkatitigan kami ni Giovanni paniguradong parehas kami ng iniisip na lalaki

Pinatulog ni Giovanni si rey pagkatapos nitong kumain ng gabihan, ako naman ay kinausap ang tauhan kanina sa labas kung nakita nila yung sasakyan.

"Opo sir, napapansin naming laging dumadaan lalapit nga ho! Sana ako eh, kaso umalis na",

"Mas magbantay kayo, ngayong alam niya na nandito si Giovanni at si rey mas maging aktibo kayo, ayusin din ang mga security sa palibot ng bahay",utos ko

"Sige po",umalis ito

-vienriex ❤️

THDOL. DETECTIVE SERIES #3; Be With You AlwaysWhere stories live. Discover now