Omel pov
Pigil na pigil ko ang antok, para mabantayan ang mga taong pwedeng magpahamak sa mag-ina. Napahawak ako sa tiyan ng kumulo yon, hindi pa pala ako nakakakain ng gabihan ng umalis ako kanina. Napapalo ako sa manibela at sinubukang hindi na antukin.Hawak hawak ang sariling kamay at nakasandal sa bintana ng aking sasakyan na nakatanaw sa mga iilang taong naglalabas pasok sa looban.Humikab ako at maya maya ay nakaramdam ng bigat ng talukap ng mata.
*Tok~tok~tok
Naalingpungatan ako ng may kumatok sa aking bintana ng sasakyan, bumungad sa akin ang matandang lalaki na tumatanaw mula sa labas, napatingin ako sa langit at maliwanag na pala. Kaya ibinaba ko ang bintana at kukusot kusot ng mata.
"Is there a problem?",
"Kanina ka pa namin tinitingnan diyan may sadya ka ba rito? O may hinahanap ka?", napansin ko ang suot nitong damit, at mukang opisyal ito ng lugar.
"Pasensya na, dito nakatira ang mag-ina ko",
"Sino bang mag-ina?",
"Ah! Si Giovanni stereoli at reymark josh stereoli", napahinto ito at napangiti
"Si anni ba ang tinutukoy mo?",
"Ahh! Oo siya nga po",
"Hahahahaha kaya naman pala nandito ka natulog sa sasakyan mo marahil ay hindi pa tanggap ang pagbabalik mo",saad niya, ngumiti na lang ako kahit na nagtataka, talaga bang naniniwala silang ako ang tatay ni rey? Bakit? Ang bilis naman nila mauto.
"Gusto mo bang tawagin ko si anni?","Ah! Wag na ho! Baka daragin ako umagang umaga. Hahanap na lang po sana ako ng matutuluyan malapit sana sa bahay nila Giovanni? Kung may alam po kayo?",
"Ah! Yung anak ni mang lucio ang may paupahan sa looban, katunayan ang tinitirhan nila anni ay paupahan din nila mang lucio",
"M-meron po kayang bakante?",
"Itanong na lang natin, halika sumama ka",alok niya kaya bumaba ako ng sasakyan, napahinto ako ng Makarinig ng bulong bulong sa gilid, ng lingunin ko ay may kumpol ng lalaki ron at masasama ang tingin sa akin, mga nakahubad pero wala namang kaakit akit sa katawan puro buto, yung iba malalaki ang tiyan. Nginiwian ko lang ito.
"Naku! Iho! Wag mo ng pansinin yang mga yan baka mapaginitan ka",bulong ng matanda sa akin"Sino ba sila?",
"Ah! Yan ang mga tambay dito sa lugar, kadalasan sa kalsada sila nagkakalat minsan nga parating lasing at nag hahanap ng gulo, kung sino ang mapag-initan paniguradong deretso sa hospital",
"Ganun po pala ang basag ulo dito?",
"Oo hahahaha Hindi ba halata?",biro nito, kaya natawa ako, nang makarating ay tumingin ako sa bahay nila Giovanni at amoy amoy ang gisadong bawang at sibuyas na naggagaling don, biglang kumalam ang sikmura ko
"Mang lucio?", pagtawag sa isang bahay na hindi kalayuan sa bahay nila Giovanni"Oh? Kapitan, kayo pala, may kailangan ba kayo?",
"Ah! Ang batang ito kase naghahanap ng matutuluyan na malapit kala anni baka meron kayong maibigay na bakante",
"Ay! Nako, May nauna na kahapon.Pero may paalis mamayang hapon diyan sila Maroc at pupunta ng probinsya, baka don gusto mo",
"Saan po ba banda yon?",
"Ay! Katabi ng bahay nila anni",ngiti niya
Tiningnan ko ang bahay na katabi nila anni, na walang tindahan at agad na tumango, nakiusap na rin akong wag ng masabi kay Giovanni at baka sila naman ang lumipat mahirap na."Teka? Kaano ano ba siya kapitan ni anni?", biglang tanong ni mang lucio
"HAHAHA ay mag-ina raw niya si anni at si rey",gulat akong tiningnan nito mula ulo hanggang paa
"Ganun ba? Abay mukang mapag-iinitan dito ng tsismis si anni", kumunot ang noo ko sa sinabi nito
"Tsismis?",
"Oo! Iho! Ay kegwapo mong lalaki at hindi makakaakilang mayaman ka",papuri nito kaya natawa ako
"Hindi naman po masyado",
"Hahaha kanya nga yung magarang sasakyan na madalas pag-usapan diyan sa labas",ani ng kapitan daw
"Paniguradong kaiinggitan dito ng lahat ng dalagita si anni. Lalong lalo na ng mga babaeng mahilig tumarget ng mayayaman", natatawang biro ni mang lucio kaya natawa ako
"Ihahanda ko na ang record sa barangay kung sakaling mag reklamo ng paulit-ulit si anni", nang matapos na mag-usap ay nagpaiwan ako sa labas ng bahay nila Giovanni, at saktuhan na palabas na ito, papasok na sa trabaho at si rey ang sumunod na agad na tumakbo sa akin
"Papa!!!!",malakas na sigaw niya tuloy ay napatingin ang mga dumadaan at ang mga nasa bahay. Ganito ba dito? Ganito ba ako kagwapo para pag tinginan? Tsk?
"Good morning!? How's your sleep?",
"Okay lang po, papa!! Papa? Hindi ka ba umuwi?", tanong niya
"Hindi, don lang ako sa sasakyan ko binabantayan kayo ni mama mo, ako na maghahatid kay re-",
"Hindi!",
"Mama! Si papa na lang! Baka po mapagalitan ka nung bakla sa trabaho mo pag nalate ka",mabagal na saad ni rey kay Giovanni
"Hindi! Tar—",sumuksuk si rey sa hita ko kaya natawa akong, tumingin sa kanya at nagkibit balikat
"Siya nagsabi",
"Nakakabwiset ka talaga! Ano ba talagang gusto mo ah?",
"Ang makipag tulungan ka sa aki-",
"Manigas ka! Dahil hinding hindi na ako magtitiwala pa sa mga pulis!",gigil na ani niya, at inaya si rey na aalis pero ayaw na ni rey bumitaw sa akin at nagpakarga pa, kaya kinarga ko.
"Pwede mo akong mapagkatiwalaan",hindi siya umimik at tumalikod, bumuntong hininga ako at pindot ang ilong ni rey,nang makatapat sa sasakyan,binuksan ko ang pinto, at pinasakay si rey. Napailing ako ng makitang sasakay si Giovanni sa sinakyan nila nung nakaraan, kaya pinuntahan ko ito at akmang kukunin ang braso ng biglang.
*Bang *bang *bang *bang *bang
*Ratatatatatatatatattatatattatat*
YOU ARE READING
THDOL. DETECTIVE SERIES #3; Be With You Always
RandomMatagal na panahon na ng mamatay ang kaibigan ni Giovanni na si hasly, dahilan para manatili sa kanya ang kapapanganak na sanggol na anak ng kanyang kaibigan. Hanggang ngayon hindi niya sinasabi kung sino ang pumatay at humahabol sa kanila ng bata...