Giovanni povKinabukasan ay bumaba ako at nagtaka ng marinig ang malakas na boses ng maid habang tinatawag si javi.
Pumunta ako sa sala at ang balita ron ay ang nahuling babae na pumatay sa isang batikang actress na si ayesa, natatandaan ko siya maganda at magaling talaga madalas ko siyang pinapanood noong bata pa ako. At kahit patay na ito ay pumalit ang isang anak niya na si daisy pero nagkaroon ito ng issue na hindi raw totoong anak ah! Basta magulo pero? Anong meron sa balita na ito at ganito ang reaction ni javi.
"Ayos ka lang?", tanong ko dito hindi siya sumagot at nanatiling tahimik habang kunot na kunot ang noo
"Si olivia.. siya ang pumatay sa mommy ni queen", napatingin ako kay javi
"Mommy nino?",
"Si queen ang totoong anak ni ayessa hindi si shannel. At... Si olivia ang mommy ni erlyn na ngayon ay malapit sa kanya", giit niya hindi ko maintindihan pero mukang seryoso yung sinasabi niya
"Nag-aalala ako kay queen wala kami sa tabi niya para damayan sa problema niya",dagdag nitoBumuntong hininga ito at naupo sa coach habang nakatingin sa TV tumingin ako kay javi at tinitigan ang magiging reaction niya pero sadyang iisa lang ang nakikita ko ang pag-aalala. May kung anong selos akong naramdaman, nag-aalala rin kaya siya nung napapahamak ako? Hayyyy! Ano bang tanong yan Giovanni? Tumigil ka nga!
"Bakit hindi mo siya puntahan?",saad ko tumingin siya sa akin
"Hindi ko kayong dapat iwan dito",
"Pero kailangan ka niya hindi ba? Ikaw nagsabi non",
"Oo, pero kailangan mo rin ako. Saka nandon naman si Jonathan baka alalayan din niya si queen ron....sana",
"Sila sunny ba hindi makakapunta ron?",
"Hindi ko alam, pero pare parehas kaming may ginagawa baka hindi din siya makapunta kay queen lalo pa at malayo siya dito",kinuha niya ang selpon at nagtype don at saka nilagay sa tenga niya
Tumayo ito papalayo at mukang may tinawagan pero hindi ko kilala hindi ko marinig ang sinasabi niya at malayo, pero ang muka niya ay kagaya kanina baka isa sa mga kaibigan niya ang kausap niya, pumunta ako sa kusina at narinig ang pinagkwekwentuhan ng mga maid.
"Oo nga noh? Nakakaawa naman kahit madalang yon dito si queen naiisip ko pa lang ang reaction niya sa balita",
"Sa tagal ng panahon ng patay ang mommy ni queen hamakin mong mabibigyan pa pala ng hustisya at asawa pa pala ng daddy niya... Tsk tsk pagmamahal nga naman",
"Manahimik kayo baka marinig tayo ni sir",
"Hayyy nako! Dapat diyan eh! Ikulong noh?",
"Ayyy ano pa bang ginagawa sa mga ganyang tao? Hindi bat sa kulungan ang deretso",
"Tama!",
Nilingon ko si javi na ngayon ay nakasandal sa pinto at nakatanaw sa labas. Malalim ang iniisip nito kaya nag timpla na lang ako ng kape at inabot sa kanya.
"Okay lang naman kung maiwan muna kami dito saka sabi mo safe kami dito diba?",
"Kahit na, pinatay ko si Isaiah",
"Isaiah?",takang tanong ko
"Hmmm. Si joco ay si Isaiah ang dati sa nakaalitan ng grupo namin. Pinutulan ko Siya ng braso non kaya naman pala iwas na iwas sila sa akin at nag tyempo na hindi niyo ako kasama para magtagumpay sila sa pagkuha kay rey",
"P-pinutulan m-mo ng braso?",
"Hmmm. Hindi ko naman sinasadya yon eh, kusang gumalaw ang kamay ko na gawin yon nainis ako sa muka niya",
YOU ARE READING
THDOL. DETECTIVE SERIES #3; Be With You Always
RandomMatagal na panahon na ng mamatay ang kaibigan ni Giovanni na si hasly, dahilan para manatili sa kanya ang kapapanganak na sanggol na anak ng kanyang kaibigan. Hanggang ngayon hindi niya sinasabi kung sino ang pumatay at humahabol sa kanila ng bata...