Chapter 29

8 0 0
                                    

Giovanni pov

"What is happening here?",biglang tanong sa likod ko, lumingon ako at nakita si javi na nakatingala sa kaibigan na papataas.

"K-kakausapin niya na siguro si erlyn sa taas",

"Ano yung ingay kanina?",

"Ah! Medyo nagkainitan yata sila ni shannel, pero okay na",

"Ganun ba. Let's go",

"Ha? Bakit?",

"Mamaya ko na ipapaliwanag",hinila niya ako

"Teka si rey?",

"Nasa sasakyan na", Nang makarating don ay nandon nga si rey, at inaantay kami, agad kaming sumakay kaya naman nagtaka ako dahil sa seryosong muka ni javi

"Ano bang nangyayare?",

"May nagpadala ng pekeng bomba sa mansyon kanina lang, kasama ang isang sulat",

"H-ha?",gulat kong ani, at tumitig sa kanya

"H-hindi kaya inaabangan nila tayo?",

"Nagpahanda ako ng mga nakaabang na tauhan sa dadaanan natin kanina kung sakali man na inaabangan nila tayo", sagot niya. Kinakabahan akong nanatiling nakaupo habang nagmamasid sa labas ng bintana para makita ang mga nasasalubong naming sasakyan. Nang makauwe ay agad kaming sinalubong ng ilang maid at nag-aalala ang mga muka.

"Naku! Sir buti ligtas kayong nakauwi merong nagpadala netong kahon kanina pagbukas namin eh! Bomba kaya nagkagulo pero sabi ng mga security pekeng bomba yon",kwento agad ng mayordoma hawak ang kahon, kinuha ko yon at tiningnan, muka nga itong bomba kung titingnan dahil nag bibilang din ang oras nito na parang sa totoong bomba.

"Yung s-sulat?",saad ko inabot nila ang papel sa akin. Agad akong napaurong ng makita ang nakasulat don at tumingin kay javi na nag-aantay sa sasabihin ko.
"J-javi",

"Sir... ma'am meron pa pong kasama yan bukod sa sulat",dagdag ng maid
"Eto po sir",abot nito

Napatakip akong bibig at don umiyak ng makita ang pictures ni meiann at ng asawa nito na nakasakay sa isang taxi, at masaya. Napapikit ako dahil may kutob akong balak nilang idamay sila meiann.

"J-javi baka i-idamay nila si meiann",kinuha niya ang sulat at ang litrato nila meiann, bago tumingin kay rey.Gusto nilang ibigay namin si rey kung hindi ay madadamay sila meiann at ang asawa nito, hindi nila pwedeng idamay si meiann lalo pa at nung huling usap namin ay nasabi nito na nagdadalang tao si meiann. Hindi pwede yon, baka madamay ang anak nila.

"Get them", tumingin ako kay javi ng magsalita ito sa lalaki na nasa gilid niya at binigay ang litrato nila meiann

"Teka! Hindi mo pwedeng ipakuha sila!", pigil ko

"Delikado ang buhay nila Giovanni",

"Pero mas magiging delikado kung mas mapapalapit sila sa atin diba??",

"Giovanni, kasama man natin sila o hindi.. madadamay sila dahil kaibigan mo si meiann",umiling ako sa sinabi ni javi
"Si meiann ang tumulong para makilala si joco at malamang isa din siya sa papatayin ni Winston sa oras na hindi natin ibigay si rey sa kanya",dagdag niya

"J-javi...pano kung!?",

"Trust me",hinawakan nito ang pisnge ko at hindi ako umimik at nanatiling yumuko
"Hindi sila mapapahamak, okay? Magpahinga na kayo ni rey",giit nito. Umakyat kami ni rey sa kwarto, at binihisan ko ito at nagpalit rin ako bago ibigay sa maid ang mga damit namin na ginamit sa pagkikipaglibing.

"Mama? Nandiyan na naman po ba yung mga badguy?", tanong ni rey habang nakahiga sa kama, bumuntong hininga ako at inayos ang kumot niya bago tumabi sa kanya.

THDOL. DETECTIVE SERIES #3; Be With You AlwaysWhere stories live. Discover now