Sabado ngayon kaya nandito kami sa karinderya ni mama para tulungan siya. Natutuwa akong makita na aliw na aliw ang mga customer ni mama sa kambal dahil sa pagiging bibo nila.
"Ganiyan na ganiyan ka rin noong kasing edad mo sila." Sambit ni mama sa gilid ko.
"Kanino pa ba sila magmamana, ma?" I chuckled.
"Syempre sa lola," sumimangot naman ako na ikinatawa ni mama.
Saglit pa kaming nagkulitan ni mama bago bumalik sa kaniya-kaniya naming trabaho.
"Ainsley, Aislinn, kain muna kayo." Tawag ko sa kambal.
"Mama, ang dami nating customer!" Natutuwang sambit ni Aislinn.
"Masisipag kasi ang dalawang anghel ko eh." Sabi ko sabay ginulo ang buhok nila.
"Mama, kami ako na po," inagaw sa akin ni Ainsley ang kutsara saka siya na ang sumubo sa sarili, ganoon din si Aislinn.
Ano ba 'yan, naiiyak tuloy ako. Hindi na talaga baby itong mga ito.
Pinanood ko lang silang dalawa habang sarap na sarap sa pagkain. Tumayo ako saglit upang kumuha ng tubig nila at baka sila'y mabulunan.
Halos sabay silang natapos kaya nag paalam na sila sa akin na babalik na sa trabaho kuno nila. Mga batang 'yon talaga.
Maagang nag sarado si mama dahil ang bilis maubos noong benta niya. Paano naman kasi, dinagsa ba naman itong karinderya ni mama at ang dahilan noon ay ang mga munti kong anghel.
"Sa bahay muna kayo, magluluto ako ng turon para meryenda natin. Ipapahatid ko na lang kayo mamaya kay Arnold." Ani mama.
Matapos kaming magligpit ay nag tawag na ako ng tricycle na sasakyan namin. Tatlo kami ng kambal sa loob at sa labas pumwesto si mama.
"Ako na po ang magbabayad, ma." Sabi ko, tumango naman siya at sinimulan nang bitbitin 'yong ilang gamit.
Pagkakuha ko ng sukli ay tinulungan ko nang magpasok si mama no'ng ilang gamit.
"Sarap buhay ng kambal, oh," natatawang sambit ni mama habang nakatingin sa kambal na nanonood ng TV habang kumakain ng piatos na binili ko.
"Hay nako, ma, gan'yan iyang dalawang 'yan tuwing uuwi kami. Pero mauutusan mo naman sila kahit na busy sila sa ginagawa nila." Sabi ko.
"Magluluto muna ako, ha?" Tinanguan ko na lang si mama saka tinabihan ang kambal.
Nanood lang kaming tatlo habang hinihintay na matapos si mama sa niluluto niya.
Sabay kaming pumunta sa kusina nang tawagin kami ni mama.
"Wow, turon!" Sabay na usal ng kambal saka dumampot ng tig-isang turon.
Pareho naman kaming natawa ni mama nang sabay nilang bitawan ang turon.
"Ouch, mainit!" Daing ni Ainsley.
"Nasa ibabaw kasi ang kinuha niyo eh, heto hindi na ito gaanong mainit." Ika ni mama saka kumuha sa bandang ilalim at binigay na sa kambal.
"Anak, dahan-dahan naman at baka mabulunan kayo." Natatawang saway ko sa mga ito.
At nang matapos kaming kumain ay tinawag na ni mama si Arnold para maihatid kami.
"Salamat sa paghatid." Pasasalamat ko rito.
"Walang-anuman, ate," tugon niya at bumaling sa kambal. "Bye, kambal, huwag kayong pasaway sa mama niyo ah." Ani nito bago umalis.
BINABASA MO ANG
Hiding The Engineer's Twins || HS#1
Romance[COMPLETED] Elara Calliope Borja is a working student. And at the age of 22, she got pregnant by her partner. Natatakot siyang ipaalam kay Xzavier dahil baka hindi nito matanggap ang kaniyang pinagbubuntis. Until one day she decided to tell Xzavier...