Two years later
"Mama! Look, I got so many stars!" Tuwang-tuwang pinakita sa akin ni Ainsley ang braso niyang punong-puno ng stars na nakuha niya.
"Wow, good job! How about your sister?" Baling ko naman kay Aislinn na nasa likuran ni Ainsley.
"She got stars too! Linn, show your stars to mama." Utos nito sa kapatid.
Dahan-dahan namang lumapit sa akin si Aislinn at pinakita na rin sa akin ang brasong niyang punong-puno rin ng stars.
"Very good naman ang mga baby ko!" I said sabay pisil ng kanilang pisngi.
"Mama, we're not baby anymore!" Nakakunot ang noo'ng utas ni Ainsley.
"Okay, okay. My angels na lang," ani ko.
"Punta na po kami sa kuwarto namin," ani Ainsley sabay halik sa akin. Ganoon din ang ginawa ni Aislinn.
"Let's go, Linn. Let's do our homework na." Saad nito sa kapatid.
Habang tumatagal ay napapansin kong mas lalong nagiging mahiyain si Aislinn. Simula noong dito na kami sa Australia tumira.
"Elara, are you okay? What's bothering you?" Nahinto ako sa iniisip ko nang magsalita sa likuran ko si Tita Beth.
Ngumiti ako nang pilit saka umiling. "Nothing, Tita."
"What do you like for dinner?" Tanong nito.
"It's up to you po," I answered.
"Okay, ako na ang bahala." Aniya bago ako talikuran at nagtungo na sa kusina.
Naiwan ako mag-isa sa sala kaya I decided na puntahan ang kuwarto ng kambal upang silipin sila.
Malawak ang ngiti ko nang makarating ako sa tapat ng kuwarto nila. Ngunit nang akmang bubuksan ko na ang pinto, napahinto ako nang marinig ko ang kanilang pinag-uusapan.
"I miss papa so much," boses ni Ainsley.
"Me too, how's he na kaya? Is he misses us din kaya?" Parang may kung anong kumurot sa puso ko nang marinig ko iyon.
Sobrang sama ko na bang ina dahil nilayo ko sila sa papa nila? I thought mas makakabuti kung lalayo kami, hindi pala.
"Of course, he misses us!" Ika naman ni Ainsley.
Napatakip ako ng bibig ko at piniling lisanin na lang ang silid nila. Nang makapasok ako sa kuwarto ko ay hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng aking mga luha.
Ma, tama pa ba itong ginagawa ko? Hindi ko kayang makitang ganito ang kambal. Masakit, sobrang sakit para sa akin.
---
Sa mga lumipas na araw ay madalas kong naririnig sa kambal kung gaano na nila ka-miss ang papa nila. Ngunit gustuhin ko mang umuwi kami ng Pilipinas ay hindi naman puwede dahil may pasok pa ang kambal tsaka walang kasamang mag-aasikaso si Tita Beth sa flower shop niya dahil wala pa siyang nahahanap na p'wedeng ipalit sa akin.
["Basta ha? Dapat nandito na kayo bago ang kasal ko."] Ani Lina mula sa kabilang linya.
Isa rin 'to, ang daming nangyari sa buhay niya noong wala ako. I thought sila na talaga ni Arnold pero hindi pala. Totoo pala 'yong sabi-sabi na gaano man katagal ang pagsasama niyo, kung hindi kayo ang nakatadhana para sa isa't-isa ay balewala lang ang lahat ng iyon.
BINABASA MO ANG
Hiding The Engineer's Twins || HS#1
Romance[COMPLETED] Elara Calliope Borja is a working student. And at the age of 22, she got pregnant by her partner. Natatakot siyang ipaalam kay Xzavier dahil baka hindi nito matanggap ang kaniyang pinagbubuntis. Until one day she decided to tell Xzavier...