Chapter 22

1.8K 36 3
                                    

Nagluto muna ako ng pananghalian at hinayaan munang maglaro ang kambal sa sala. Habang nagluluto ako ay narinig kong may humintong sasakyan sa labas at maya-maya pa ay narinig ko nang sumigaw ng 'papa' si Ainsley.


"Wow! Thank you, papa!" Wika ng kambal.


"Where's your mom?" Dinig kong tanong ni Xzavier sa kambal.


"Nasa kitchen po, nagluluto." Sagot naman nila.


Maya-maya pa ay nakarinig na ako ng yabag palapit sa akin. Hinarap ko na si Xzavier bago pa siya makalapit sa akin.


"Nasaan ang pasalubong ko?" Tanong ko habang nakataas ang isang kilay.


Dahan-dahan siyang lumakad palapit sa akin at bahagya siyang yumuko upang halikan ako.


"That's my pasalubong for you." Mahina ko naman siyang tinulak.


"Huwag mo akong kausapin." Kunwaring galit ako pero ang totoo ay ayaw kong ipakita sa kaniya na nakangiti ako.


"Hey, joke lang naman 'yon eh,"


"Ano ba, Xzavier! Kita mong may ginagawa ako eh, ang gulo mo." Papanindigan ko na itong galit-galitan ko, mamaya ko na siya susuyuin kung magtampo man siya.


Maya-maya pa ay narinig ko na ang yabag niya palayo sa akin. Hinayaan ko muna siya at tinapos na lang ang ginagawa ko.


Matapos akong magluto ay pinatay ko na ang gasul at pumunta na sa sala.


"Nasaan ang papa niyo?" Tanong ko sa kambal nang makitang wala roon si Xzavier.


"Umakyat po siya kanina eh," tumango na lang ako at lumakad na paakyat ng hagdan.


Pagpasok ko ng kuwarto namin at nakita ko siyang nakahiga sa kama habang nagsi-cellphone.


"Woy," tawag ko sa kaniya pero nasa cellphone pa rin ang kaniyang atensyon.


Lumapit na ako sa kaniya at tinabihan siya pero lumayo siya sa akin.


"Xzav naman..." sinubukan ko ulit siyang lapitan ngunit lumayo lang ulit siya.


"Hon..." malambing na tawag ko sa kaniya pero dedma lang sa kaniya.


Bwisit na 'to! Siya na nga sinusuyo eh, pakipot pa. Akala mo naman talaga guwapo eh, pero guwapo naman talaga siya.


"Xzavier Aiden Ventorina! Pansinin mo na nga kasi ako!" Suko na ako. Hindi ko alam kung paano manuyo eh.


Napatingin naman siya saglit sa akin bago ulit ibalik ang atensyon sa kaniyang cellphone.


"Kung ayaw mo akong pansinin, edi huwag! Hindi rin kita papansinin." Akmang aalis na ako nang hawakan niya ang braso ko at malakas na hinila upang mapa-upo ako sa kandungan niya.


"Hindi dapat ganiyan ang manuyo," walang emosyong usal niya. "Alam mo kung paano?" Malamig na tanong niya sa akin.


"P-Paano?" Utal na tanong ko.


"Like this." Impit akong napasigaw nang bahagya niya akong buhatin at ibinagsak sa kama.


Limang segundo muna niya akong tinitigan bago niya sunggaban ng halik ang labi ko. Napapikit na lang ako at tinugunan ang bawat halik niya.


Parehas kaming naghahabol ng hininga nang maghiwalay kaming dalawa sa halik. Bakit parang bitin yata?


"Bati na tayo?" Gusto kong hampasin ang sarili ko dahil sa tanong kong iyon. You're not a kid anymore, Elara!


Hiding The Engineer's Twins || HS#1 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon