Chapter 31

2.3K 49 3
                                    

Matapos ang ilang oras na biyahe sa himpapawid ay sa wakas nakarating na rin kami ng Pilipinas. Ginising ko na ang kambal nang makalapag na ang eroplanong sinasakyan namin.


Pagka-baba namin ay tinext ko na si Lina na naka-land na 'yong eroplanong sinakyan namin. Nang mabasa ko 'yong reply niya at lumakad na kami palabas dahil naroon na raw sina Lina at Evan.


"Ninang Lina!" Tumakbo agad sina Ainsley palapit kay Lina nang makita nila ito.


"Hi, hello, mga bebe ko! Na-miss niyo ba ang ninang?" Dinig kong tanong niya sa mga ito.


"Super miss po!" Tugon naman ni Ainsley.


Ginulo na lang niya ang buhok nila bago bumaling sa akin.


"Kumusta naman ang buhay Australia?" Ani nito.


"Ayos lang naman," sagot ko naman.


"May nang-aano ba sa 'yo ro'n?" Bulong niya sa akin.


Nagtaka naman ako. "Anong nang-aano?"


"May Australian bang umaaligid sa 'yo roon?" Bigla na lang ako natawa nang maalala 'yong ginawa ng kambal. "Lah? Anong nangyari sa 'yo?"


Umiling na lang ako saka kinewento 'yong nangyari dati noong minsang may sumubok na lapitan ako.


"Omg?! Totoo?" Tanong niya saka natawa.


"Nagulat na nga lang ako sa ginawa nila eh," sabi ko.


"Grabe kayo kambal ha," aniya sabay pahid sa luha niya. "Tara na," aya nito sa amin kaya sabay na kaming lumakad papunta sa sasakyan nila.


Sa bahay nila muna kami dederetso para makapag-pahinga kahit kaunti.


"Welcome sa aming mansion!" Pabiro ko naman siyang inirapan.


Mansion daw eh mas malaki pa nga 'yong bahay ni Xzavier kaysa sa kanila eh. I mean, malaki rin naman itong bahay nila pero mas malaki nga lang 'yong kay Xzavier.


"Sure kayong hindi na kayo magpapalipas ng gabi rito?" Umiling naman ako.


"Hindi na, tsaka nasabihan ko na rin 'yong may-ari noong apartment natin dati na doon na muna kami pansamantala." Sabi ko.


"Okay. Get some rest na at alam kong kulang ang tulog niyo." Aniya saka iniwan na kami sa kuwartong tutulugan namin.


Lumakad na ako palapit sa kama kung nasaan ang kambal at saka tinabihan na sila. Wala pang ilang segundo ay agad na akong dinalaw ng antok.


Nagising ako nang maramdamang wala na tabi ko ang kambal kaya naman bumangon na ako at inayos muna ang higaan bago lumabas ng kuwarto.


Paglabas ko ay nagulat ako nang sumulpot sa harap ko si Aislinn.

"Oh? Careful... bakit ka ba tumatakbo?" Tanong ko rito.


"May hawak po kasing insect si Ainsley," sumbong nito.


Napabuntong-hininga naman ako saka tinawag si Ainsley. "Ano sasabihin mo?" Napayuko naman siya at nilapitan si Aislinn.


"I'm sorry, Linn. Wala na 'yong, insect tinapon ko na," aniya.


"Don't do it again, ha?" Ani Aislinn. Tumango naman si Ainsley.


"I promise!" Si Ainsley sabay taas ng kanang kamay niya saka sila nagyakapan.


Hiding The Engineer's Twins || HS#1 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon