Chapter 08

3.2K 72 1
                                    

Ilang araw na ang lumipas simula noong makilala ng kambal ang papa nila. Matapos noong linggong iyon ay naging busy si Xzavier dahil inumpisahan na nila 'yong paggawa ng hotel. Sa pagkaka-alam ko ay sobrang laki raw ng hotel na iyon kaya sigurado akong aabutin ng ilang buwan 'yon bago matapos.


Kahit na sobrang busy niya ay nagagawa pa rin niyang sumama magsimba. Naging hobby na namin iyong apat. At habang tumatagal din ay unti-unti nang nasasanay si Aislinn sa presensya ni Xzavier. Kung dati ay tumitingin pa siya sa akin para sabihan na lapitan niya si Xzav, ngayon naman ay kusa na siyang tumatakbo upang lapitan ang papa niya.


Natutuwa akong makita silang masaya kapag kasama nila ang papa nila.


["Eh kayo ni Xzavier, okay na kayo?"] Tanong ni Lina mula sa kabilang linya.


"Oo naman, okay na kami." Sagot ko.


["So, may chance?"] Kumunot naman ang noo ko.


"Chance?" Takang tanong ko.


She sighed. ["Na maging kayo ulit, duh!"]


"Mukhang malabong mangyari 'yan." Sabi ko.


["Hindi mo sure, gaya nga ng kwento mo sa akin dati sobrang caring niya sa inyo mag-ina, 'di ba? Tapos ikaw rin may sabi na nahuhuli mo siyang nakatitig sa 'yo."]


"Hindi ko naman kasi nilalagyan ng meaning 'yon eh," sabi ko naman.


["Hay nako ka! Iwasan mo ngang maging manhid, Elara."] Kunwaring galit na sabi niya.


"Oo na lang." Natatawang sagot ko bago mag paalam sa kaniya.


Matapos kong ibaba ang tawag ay narinig ko ang tawag sa akin ni Ainsley.


"Sali ka po sa amin, mama." Saad niya.


"Ano namang laro?" Tanong ko rito nang makalapit ako sa puwesto nila.


"Habulan po," si Aislinn sumagot.


"Rock, paper, scissor po tayo para kung sino ang naiiba siya ang taya." Ani Ainsley.


"Rock, paper, scissor... shoot!" Tatlo kaming bato nina Ainsley at gunting naman si Xzavier.


"Taya si papa! Run!" Naunang tumakbo 'yong kambal kaya naman sa akin napunta ang tingin ni Xzavier.


Mabilis akong tumakbo nang sa direksyon ko siya pumunta. Siraulong 'to, hindi mo ako mahahabol.


Huminto ako sandali nang makita kong 'yong kambal naman ang hinahabol niya.


"Ang daya mo, papa," nakangusong reklamo ni Ainsley nang mataya siya ni Xzavier. Natatawa naman akong umiling.


Nakangiti ako habang malaya silang pinapanood na mag habulan. At nawala iyon nang pareho silang napatingin sa gawi ko na parang may balak gawin.


Nagsimula ulit akong tumakbo nang tumakbo muli si Xzavier papunta sa akin. Takbo lang ako nang takbo hanggang sa mataya niya ako.


"Paano ba 'yan?" He teased.


Inirapan ko na lang siya at saka mabilis nang tumakbo para tayain siya.


"Go mama!" Pag-cheer sa akin ni Aislinn.


"Go papa!" Cheer naman ni Ainsley sa papa niya. Tss.


Mas binilisan ko pa ang takbo ko kaya naman sobrang tuwa ko nang mataya ko si Xzavier.


Hiding The Engineer's Twins || HS#1 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon