Chapter 28

1.9K 45 0
                                    

Isang araw na ang lumipas simula noong maka-uwi kami. At sa loob ng isang araw na iyon ay wala man lang akong natanggap na text or tawag galing kay Xzavier. Pero hindi ko na inintindi 'yon.


Marami na kaming ginagawa ngayon dahil last night na ni mama bukas. Ngayon na rin ang uwi noong panganay nilang kapatid na galing pang ibang bansa.


"Elara, ako na muna ang magbabantay sa mama mo, kumain ka na roon." Nilingon ko si tita.


"Iyong kambal po? Kumain na po ba sila?" Tanong ko, tumango naman siya.


"Kasabay nilang kumain sina Arnold at Lina kanina," sagot niya.


Tipid naman akong napangiti.


"Sige po, kayo na po muna ang bahala rito." Tumayo na ako at tumungo na sa kusina para kumain.


Kaunti lang ang kinain ko dahil hindi naman ako gaanong gutom.


"Mama!" Hingal na hingal na lumapit sa akin si Ainsley.


Lumuhod ako upang magpantay kami at pinunasan ang pawis sa noo niya.


"Ano ba'ng ginawa mo at pawis na pawis ka?" Tanong ko rito.


"P'wede po kami sumama kay Tito Arnold?" Paalam niya at hindi na sinagot ang tanong ko.


"Saan siya pupunta?" Tanong ko naman.


"Hindi ko po alam eh," sagot naman niya.


"Okay, sige. Sumama na kayo ng kapatid mo." Niyakap naman niya ako.


"Thank you, mama!" Humiwalay na siya sa akin at tumakbo na palabas ng kusina.


Umiling na lang ako at tinuloy na lang ang paghuhugas ko.


"Calli, mag-usap nga tayo." Ani Lina nang makapasok sa kusina.


Tinapos ko muna ang pagpupunas sa plato at pagkatapos ay umupo ako sa katapat niyang upuan.


"Ano pag-uusapan?" I asked.


"Bakit hindi ka nagsasabi sa akin na iba ang trato sa inyo noong nanay ni Xzavier?" Seryosong tanong niya. Umiwas naman ako ng tingin.


"Nasabi rin sa akin ng kambal na minsan na silang napagbuhatan ng kamay no'n." Mabilis ko naman siyang tinignan.


Sinasabi ko na nga ba at sa kaniya galing 'yong mga pasa ng kambal eh.


"Bakit mo hinahayaang gawin sa inyo 'yon?" Tanong pa niya.


"You mean, dapat gawin ko rin sa kaniya 'yong ginagawa niya sa amin?"


"Err... p-parang ganoon na nga?" Hindi siguradong sagot niya.


"Alam mo, minsan nang pumasok sa isip ko 'yan pero sa tuwing naiisip kong bawian siya, naalala ko 'yong sinabi sa akin ni mama na kahit na gaano pa kasama sa 'yo ang isang tao, piliin mo pa ring maging mabait sa kaniya." Natahimik naman siya sa sinabi ko.


"G-Ganoon?" Mahina akong natawa.


"Tara sa labas," anyaya ko.


Paglabas namin ay hindi pa ganoon karami 'yong tao.


"Sali tayong bingo!" Sabay hila sa akin palapit doon sa naglalaro ng bingo.


"Marunong ka bang maglaro?" Tanong ko sa kaniya.


Hiding The Engineer's Twins || HS#1 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon