Kinaumagahan, nauna akong nagising kaya naman malaya kong pinagmasdan ang maamong mukha ni Xzavier. Ang amo 'pag tulog pero halimaw 'pag gising lalo na kapag alam mo na. Napa-ayos naman ako ng higa nang maramdaman kong gumalaw siya.
"Good morning." Nakangiting bati ko sa kaniya.
Mahina akong natawa nang makita nagulat siya noong makita ako.
"E-Elara? Y-You're here? For real?" Sunod-sunod na tanong niya.
"Oo nga," natatawang sagot ko.
Napabalikwas naman siya at mabilis na yumakap sa baywang ko.
"I thought... I thought it was a dream," sabi niya.
Nataranta naman ako nang marinig kong sumisinghot siya. Wait, umiiyak siya?
"Woy, bakit ka umiiyak? Ayaw mo ba na nandito ako?" Parang bata naman siyang umiling. "Then, why are you crying?" Tanong ko.
Humiwalay siya sa akin at saka mabilis niyang tinakpan ang kaniyang mukha gamit ang kamay niya.
"Hindi lang ako makapaniwala na bumalik ka, na nandito ka na." Sagot niya. "Hindi mo alam kung gaano ako nagsisi noong malaman ko ang totoo, Elara. Lalo na noong nalaman kong namatay ang mama mo at noong umalis kayo ng Pilipinas." Umiiyak pa ring sabi niya. Tikom lang ang bibig ko habang nagsasalita siya.
"Gustong-gusto ko kayong sundan at hanapin pero hindi ko alam kung saan kayo pupuntahan. Muntik na akong sumuko noon, Elara, not until nalaman kong ikaw ang magiging bride's maid ng kaibigan mo." Umusog naman ako upang yakapin siya.
"I'm sorry, Xzav... sorry kung naging duwag ako, sorry kung pinili kong lumayo kaysa ayusin iyong problema natin." Sabi ko.
"Ako dapat ang humingi ng tawad sa 'yo dahil mas pinaniwalaan ko si mommy kaysa sa 'yo." Usal niya.
"Hindi naman kita masisisi eh, nanay mo 'yon kaya—" pinutol niya ang sasabihin ko.
"Pero niloko niya ako, Elara. Sinabi sa akin lahat-lahat ng katulong ang totoo. Pati 'yong pananakit niya sa kambal?" Aniya. "Noong malaman ko ang lahat ng 'yon, gustong-gusto kong magalit sa kaniya at sa sarili ko. Kasi ang tanga ko eh, ang tanga tanga." Mabilis kong hinuli ang kamay niyang paulit-ulit hinahampas ang ulo niya.
"Xzav, tama na... narito tayo para ayusin itong problema natin hindi para magsisihan, okay?" Pagpapakalma ko sa kaniya.
"I love you, Elara. Huwag niyo na akong iiwan ulit," tumango naman ako at saka niyakap siya.
"Pangako, hinding-hindi ka na namin iiwan." Sabi ko bago humiwalay sa yakap. "Tara na at baka hinahanap na tayo sa labas." Nauna na akong bumaba ng kama at isa-isang pinupulot ang mga damit naming nakakalat.
Pumasok na ako sa banyo para mag-shower at pagkatapos ay lumabas na rin ako at sinabihan na si Xzavier na siya na ang susunod na mag-shower.
"Nasaan ang kambal ngayon?" Tanong niya sa akin bago siya pumasok sa loob ng CR.
"Nasa bahay nina Lina." Sagot ko. "Mag-shower ka na roon at baka hinihintay na tayo nila Lina sa baba." Sabi ko.
Pagpasok niya ay napatingin naman ako sa pinto nang may marinig akong kumatok.
"How's your night with him?" Tanong niya saka ngumiti nang nakakaloko.
"Nakapag-usap na kami," sagot ko.
"Usap lang? Wala na kayong ibang ginawa na iba?" Binatukan ko naman siya. "Kailangan manakit?" Aniya saka umirap.
![](https://img.wattpad.com/cover/286278217-288-k21211.jpg)
BINABASA MO ANG
Hiding The Engineer's Twins || HS#1
Romance[COMPLETED] Elara Calliope Borja is a working student. And at the age of 22, she got pregnant by her partner. Natatakot siyang ipaalam kay Xzavier dahil baka hindi nito matanggap ang kaniyang pinagbubuntis. Until one day she decided to tell Xzavier...