Paggising ko ay nakita kong mahimbing pang natutulog ang kambal sa tabi ko. I smiled at saka hinalikan ang noo nila bago lumabas ng kuwarto.
"Good morning!" Natawa ako nang makitang napatalon sa gulat si Xzavier.
Matalim naman na tingin ang iginawad niya sa akin. "Good morning." Matabang sa tugon niya.
"You need help?" Tanong ko, umiling naman siya.
What's wrong with him?
"Woi..." sundot ko sa tagiliran niya.
"Huwag kang magulo, Elara." Maotoridad na sabi niya.
"Ano bang mayroon at umagang-umaga ang sungit sungit mo?" Nakapamewang na tanong ko pero ang loko hindi man lang ako nagawang lingunin.
"Tss." Singhal niya.
"Baliw." Irap ko saka tinalikuran siya.
Bumalik na lang ako sa kuwarto para tabihan ulit ang kambal. Pero noong pagpasok ko sa kuwarto ay nakita ko silang nagliligpit ng higaan.
"Good morning!" Nakangiting bati ko sa dalawa.
"Good morning po!" Balik na bati nila saka nagmamadaling tumakbo palapit sa akin at hinagkan ako sa pisngi.
"Nasaan po si papa?" Tanong ni Ainsley nang makahiwalay sa akin.
"Nasa kusina, nagluluto. Let's go?" Tumango naman sila saka hinila na ako papuntang kusina.
"Good morning, papa!" Bati nila sa ama.
Kita ko kung paano lumiwanag ang mukha niya at saka binuhat ang kambal sabay halik sa mga ito. Napanguso naman ako.
Bwisit siya. Iyong kambal hinalikan niya tapos ako sinungitan niya? What the heck is his problem?
"Let me finish this first and after that p'wede na tayong kumain." Aniya at binaba na ang kambal.
Inirapan ko siya nang tumama ang tingin niya sa akin. Hindi lang ikaw ang marunong mag sungit 'no!
Tahimik lang ako habang kumakain kami samantalang tawa naman nang tawa itong tatlong kasama ko. Edi sila na masaya, tss.
Matapos akong kumain ay dumiretso na akong banyo upang maligo.
"Mama, okay ka lang po ba?" Nagulat ako nang makita si Aislinn sa gilid ng pintuan ng banyo.
"I'm okay, why?" Takang tanong ko.
"Wala naman po, kasi parang hindi po kayo nagpapansinan ni papa eh," aniya.
"Ewan ko ba roon sa papa mo," sabi ko. "Bihis lang muna ako." Tumango naman siya kaya sinarado ko na ang pinto.
Habang nagpapatuyo ako ng buhok ko ay napatingin ako sa pintuan nang bigla itong bumukas. Iniluwa noon si Xzavier. Mabuti na lang at tapos na akong magbihis.
Lumihis ako nang akmang yayakap siya sa akin. Matapos mo akong sungitan kanina, tse!
"Hey," tawag nito pero inirapan ko lang siya. "What's wrong?" Tss. What's wrong mo mukha mo.
Lumakad na lang ako palabas at hindi siya pinansin. Pipihitin ko na sana 'yong doorknob nang maramdaman ko ang braso niyang pumulupot sa baywang ko at hinila palapit sa kaniya.
"Bitawan mo nga ako!" Pagpupumiglas ko.
"I'm sorry..." bulong niya sa tainga ko. "Sobrang na badtrip lang ako kagabi eh," kumunot naman ang noo ko.
BINABASA MO ANG
Hiding The Engineer's Twins || HS#1
Romance[COMPLETED] Elara Calliope Borja is a working student. And at the age of 22, she got pregnant by her partner. Natatakot siyang ipaalam kay Xzavier dahil baka hindi nito matanggap ang kaniyang pinagbubuntis. Until one day she decided to tell Xzavier...