Since sabado ngayon, narito ulit kami sa karinderya ni mama para tulungan siya. Kasama ko ang kambal sa pagkuha at paghatid ng order ng mga customer.
"Tawagin mo na muna ang kambal at kumain muna kayo." Sabi ni mama kaya naman tinawag ko na muna 'yong kambal.
Wala pa naman masyadong customer dahil alas diyes pa lang. Ganitong oras kami kumakain dahil pagpatak ng alas onse ay sunod-sunod na ang pagdating ng mga customer.
"Mama," pagtawag sa akin ni Aislinn.
"Ano 'yon, anak?" Tanong ko.
Umiling naman siya. "Wala po pala," usal niya bago mag patuloy sa pagkain.
"Tell her na, Aislinn." Wika ni Ainsley sa kapatid.
"Ikaw na kasi mag sabi, nahihiya ako eh," natawa naman ako sa binulong ni Aislinn kay Ainsley.
"Bakit ka naman nahihiya?" Balik namang bulong ni Ainsley.
"Ano ba kasi 'yong sasabihin niyo?" Napunta naman sa akin ang tingin nila.
"Pwede po ba nating isama si papa bukas mag simba?" Sabay na tanong nila.
"Pwede naman but we need to ask him muna kung gusto ba niyang sumama," sagot ko.
"I'm sure papayag 'yon!" Sambit ni Ainsley.
"Teka, try nating tawagan." Sabi ko at mabilis na dinial ang number ni Xzavier.
["Yes?"] Binigay ko sa kambal ang cellphone ko nang masagot na ni Xzavier. Ni-loud speaker ko muna iyon para marinig ko rin kung ano ang isasagot niya.
"Hello po?" Aislinn said in politely.
["Oww hi?"]
Tumingin naman sa akin si Aislinn at parang humihingi ng tulong kung ano ang sasabihin niya.
"Tell him your name." Bulong ko.
"Ako po si Aislinn, uhmm..."
Inagaw naman ni Ainsley ang phone kay Aislinn.
"I'll do it. Hi papa! Gusto mo po bang sumama sa amin bukas sa church?" Napailing na lang ako sa inakto niya.
["Payag ba ang mama niyo?"] Tanong niyo kaya naman nakisali na ako sa usapan nila.
"Do I have a choice? Kanina pa kaya ako kinukulit nitong dalawa na gusto ka na raw nilang makita." Sabi ko.
He chuckled. ["Alright. Sakto wala akong gagawin bukas kaya sasama ako."] Nagdiwang naman ang kambal dahil sa narinig.
Nag paalam muna ako sa kanila na tutulong muna kay mama at saka hinayaan na muna silang makipag-kulitan sa papa nila.
"Ayos na sila ng kambal?" Tanong ni mama.
"Opo, ma, kausap nga nila ngayon eh," sagot ko. "Kumain na po ba kayo?" Pag-iiba ko ng usapan.
"Hindi pa nga eh," sagot niya.
"Kumain na po muna kayo at ako na po muna ang bahala sa mga customers natin." Sabi ko.
"Sigurado ka?" Tumango naman ako. "Oh, sige, bibilisan ko na lang kumain para may kasama ka." Usal niya.
Sa gitna ng pag-aasikaso ko ng mga customer ay nilapitan ako ng kambal at binigay na sa akin ang cellphone ko.
"Kumusta ang pag-uusap niyo?" Tanong ko sa mga ito.
BINABASA MO ANG
Hiding The Engineer's Twins || HS#1
Roman d'amour[COMPLETED] Elara Calliope Borja is a working student. And at the age of 22, she got pregnant by her partner. Natatakot siyang ipaalam kay Xzavier dahil baka hindi nito matanggap ang kaniyang pinagbubuntis. Until one day she decided to tell Xzavier...