Pumasok muli kinabukasan sa trabaho si Xzavier. At gaya nga ng sabi niya ay araw-araw na pumupunta si Manang Carla rito sa bahay para maglinis.
Hindi raw siya pupunta ng puwesto nila ngayon kaya naman dumito muna siya para may kasama at kakwentuhan ako.
"Kaedad mo lang po 'yong isang anak ko at mayroon na rin siya tatlong anak." Pagkwento niya.
Nandito kami ngayon sa likod-bahay dahil naliligo na naman sa swimming pool ang kambal.
"Ilan po ang anak niyo?" Tanong ko.
"Dalawa po, 'yong panganay ko ay nasa ibang bansa kasama ang asawa niya." Sagot niya.
"Ah, so 'yong isang anak niyo lang po ang kasama niyo sa buhay?" Tanong ko pa.
"Opo. Eh ikaw po ba, may kapatid ka rin po ba?" Tumango naman ako.
"Actually, twin sister po pero wala na po siya ngayon eh. Baby pa lang kaming dalawa ay namatay na siya dahil nagkaroon na kumplikasyon sa puso niya." Sagot ko.
"Ay hala, pasensiya na po kayo at naitanong ko pa," paumanhin niya.
"It's okay po, matagal naman na po 'yon eh," ani ko.
Magsasalita sana ako nang lumapit sa akin si Ainsley.
"Mama, nagugutom po ako," sabi niya habang hinihimas ang kaniyang tiyan.
"Ma'am, ako na ho ang gagawa ng pagkain," mabilis ko namang hinawakan ang braso niya.
"Naku, ako na po ang bahala, maupo na lang po muna kayo riyan," ani ko.
"Pero ma'am—" I cut her.
"I insist po, bantayan niyo na lamang po ang kambal at ako na ang bahalang gagawa." Nakangiting sabi ko at iniwan na muna sila roon.
Matapos akong gumawa ng sandwich ay nagtimpla naman ako ng juice para may panulak kami.
Nagmamadali namang umahon ang kambal nang makita nila akong palabas ng kusina.
"Saka kayo bumalik sa pool kapag naubos niyo na 'yang kinakain niyo ha?" Bilin ko.
"Yes po, mama." Sabay na sagot nila.
"Ligo ka rin po, mama," aya sa akin ni Aislinn. Umiling naman ako.
"Kayo na lang muna," sagot ko.
"Sige na po, ma'am, samahan niyo na po silang maligo roon." Napatingin naman ako kay Manang Carla.
"Ayos lang po," ani ko. "Hindi naman po p'wedeng habang nagkakasiyahan kaming tatlo roon ay nandito ka lang habang pinapanood kami." Dagdag ko pa.
Hindi na lang siya sumagot.
At nang mag alas tres ng hapon ay nag paalam na si Manang Carla na aalis na.
"Ingat po kayo," kaway ko. "Tsaka thank you po sa oras." Ani ko.
Isinarado ko na ang gate nang maka-alis na ang tricycle pinagsakyan ni Manang Carla.
"Twins, umahon na kayo kanina pa kayong 12," sabi ko.
Hindi naman na sila umangal kaya naman tinuwalyahan ko na muna sila bago pinapunta sa banyo para makapagbanlaw sila.
Habang nagbabanlaw sila ay tumungo na rin ako sa kuwarto para maligo na rin. At nang matapos akong maligo ay nagulat ako nang makitang nasa loob ng kuwarto ang kambal.
BINABASA MO ANG
Hiding The Engineer's Twins || HS#1
Romance[COMPLETED] Elara Calliope Borja is a working student. And at the age of 22, she got pregnant by her partner. Natatakot siyang ipaalam kay Xzavier dahil baka hindi nito matanggap ang kaniyang pinagbubuntis. Until one day she decided to tell Xzavier...