Epilogue (Part 2)

2.6K 50 2
                                    

This is the first time na ipapakilala ko si Elara kay mommy kaya kinabahan ako.


"Xzav, I'm nervous.." napatingin ako kay Elara at saka hinawakan ang kamay nito.


"Don't be, I'm with you kaya 'wag kang kabahan." Ngumiti siya pero halata namang pilit iyon.


Lihim na lang akong ngumiti saka inaya na sila sa loob. Nang malaman namin ang kuwarto ni mommy ay agad na namin itong pinuntahan.


'Yong kabang nararamdaman ko kanina ay bigla na lang naglaho nang makitang maayos ang pagsalubong ni mommy kina Elara.


Nang mailabas namin si mommy ay kami na rin ang naghatid sa kaniya sa bahay niya. Habang pinagmamasdan kong nag-iikot-ikot si Elara sa kuwarto ay bigla na lang nag-ring ang telepono ko.


"Yes?" Sagot ko sa tawag.


["Gusto raw po kayong maka-usap ni Engineer Santos tungkol sa susunod niyo project."] Sagot niya.


"Papunta na ako."


Iniwan ko muna sina Elara kasama si Mommy. At nang makarating ako sa site ay agad kong tinungo ang office ni Wiliam.


"Gusto mo raw akong maka-usap?" Tanong ko sa kaniya nang makapasok ako.


"Sa Thursday pupunta tayong Italy para sa new project natin. This is a huge project so I'm expecting you to come." Sabi niya.


"Okay, I will be there." Sabi ko saka pumihit na paalis.


---


Unang araw ko ngayon dito sa Italy at sobrang miss ko na sina Elara. Mamayang 6 PM pa ang meeting kaya naman nagpahinga muna ako para hindi ako antukin mamaya sa meeting.


"Meeting adjourned. Thank you everyone." Nakipagkamay kami isa-isa sa mga Italyanong ka-meeting namin.


At nang matapos ang halos dalawang linggo namin sa Italy ay sa wakas makaka-uwi na rin ako. Malaki ang ngiti ko nang makarating ako sa bahay ni mommy. I did not tell to anyone na ngayon ang uwi dahil I want to surprise them.


Pero imbis na ako ang magsusurprise sa kanila ay ako pa ang nasurprise sa nasaksihan ko. My mom lying on the floor, unconsciously.


"Elara, what did you do?" Naiiyak na tanong ko. Fvck, fvck.


"X-Xzav, h-hindi ko sinasadya..." hindi ko namamalayan na nasa tabi ko na pala siya.  "I-It was an accident, Xzav, please maniwala ka sa akin," hindi ko alam pero parang may sariling pag-iisip ang katawan ko dahil umiwas ito nang akmang hahawakan ako ni Elara.


"Hindi ko alam kung mapapatawad kita kapag may nangyaring masama kay mommy." Binuhat ko na palabas si mommy at saka agad ko na siyang pinasok sa sasakyan ko.


Mabilis ang patakbo ko habang tinatahak ang daan papuntang hospital. At pagkaraan ng ilang minuto ay nakarating na rin kami. Agad na akong humingi ng tulong sa mga nurse.


Pinagbawalan akong sumama sa loob kaya naghintay na lang ako sa labas. Napahilamos na lang ako ng aking mukha. Bakit nangyari ito? Ang ini-expect ko pa naman sana pag-uwi ko ay ka-close na nila ang isa't-isa pero ano ito?


Ilang oras pa akong naghintay sa labas nang lumabas na 'yong doctor at sinabing wala namang nakuhang injury si mommy kaya nakahinga ako nang maluwag.


Nailipat na si mommy ng kuwarto at kasalukuyan na siyang nagpapahinga ngayon. I took this chance para umuwi ng bahay. I need to talk to Elara.


Hiding The Engineer's Twins || HS#1 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon