Nang matauhan ako ay dali-dali akong pumasok sa loob at mabilis na idinial ang number ni Lina.
"Lina, pick up the phone..." bulong ko sa sarili.
["Hello? Napatawag ka?"] Napahinga ako nang maluwag nang sagutin na niya ang tawag.
"Lina, alam na ni Xzavier kung saan kami nakatira ng kambal." Saad ko.
["What? P-Paano? Kasama mo ba ang kambal?"] Sunod-sunod na tanong niya.
"I-I don't know how. Iyong kambal, naroon sila kay mama ngayon." Sagot ko.
["Good to hear that."]
"Kailangan namin ng bahay na malilipatan dahil alam kong babalik at babalik dito si Xzavier." Sabi ko.
["Don't worry, may alam akong bahay na malilipatan niyo. I'll text you the address na lang,"]
"Tska Lina, natatakot ako na baka malaman niya na hindi totoo 'yong sinabi ko sa kaniya." Usal ko.
["Ano bang sinabi mo sa kaniya?"]
"Sinabi ko na hindi sa kaniya 'yong kambal," sagot ko, narinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya.
["What if sabihin mo na sa kaniya 'yong totoo? Pinapahirapan mo lang ang sarili mo eh, tsaka hindi ka ba naaawa sa kambal? Ang tagal na nilang nawalay sa papa nila, baka panahon na para ipakilala mo sila kay Xzavier. Deserve nilang makilala nila ang papa nila at deserve rin ni Xzav na makilala ang mga anak niya."] Mahabang litanya niya. Para naman akong sinampal nang malakas sa sinabi niya.
"Hahanap na lang ako ng magandang tiyempo para sabihin sa kambal, ayokong biglain sila." Sabi ko bago mag paalam sa kaniya.
Napabuntong-hininga naman ako. Ano kaya ang magiging reaksiyon nila kung sakaling sasabihin kong si Xzavier ang tatay nila?
Napatingin naman ako sa cellphone ko nang bigla itong tumunog. Speaking of kambal, tumatawag si mama kaya agad ko na itong sinagot.
["Mama!"] Masayang bungad ng kambal, pilit naman akong napangiti nang marinig ko ang boses nila.
"Mga anghel ko, kumusta kayo riyan?" Tanong ko.
["Okay lang naman po kami, mama, ikaw po ba?"] Balik na tanong ni Ainsley.
"Okay lang din naman ang mama," tugon ko.
["I miss you na po, mama,"] natawa naman ako nang mahimigan ko ang malungkot na boses ni Aislinn.
"I miss you too, mga anak. Bukas na bukas maaga akong dadaan diyan, okay?" Sabi ko.
["Yehey!"] Sabay na usal nila.
Gaya ng lagi nilang ginagawa ay kinewentuhan na naman nila ako kung ano ang ginawa nila buong mag-hapon.
["Mama, alam mo ba ang bait po noong isang customer namin,"] usal ni Ainsley. Habang nagluluto ako ay nakikinig ako sa mga kwento nila. ["Opo, mama,"] segunda ni Aislinn.
"Anong ginawa?" Tanong ko.
["Binigyan po niya kami ng tip kasi masipag at mabait daw po kami,"] natutuwang sagot ni Ainsley.
"Wow, pero next time 'wag niyo nang uulitin 'yon, okay? Huwag kayo basta-basta kukuha ng ibibigay lalo na't hindi niyo sila kilala." Bilin ko sa kanila. Nag 'opo' naman sila bago mag paalam na kakain na.
BINABASA MO ANG
Hiding The Engineer's Twins || HS#1
Romansa[COMPLETED] Elara Calliope Borja is a working student. And at the age of 22, she got pregnant by her partner. Natatakot siyang ipaalam kay Xzavier dahil baka hindi nito matanggap ang kaniyang pinagbubuntis. Until one day she decided to tell Xzavier...