Simula noong maka-uwi kami ng bahay ay hindi pa rin maalis sa utak ko 'yong kanina. Bakit siya ganoon? Maayos naman ang pakikitungo niya sa akin kanina ah? Pero bakit noong umalis si Xzavier ay bigla na lang naging iba 'yong trato niya sa akin?
"Hey, are you okay?" Nabalik ako sa huwisyo nang hawakan ni Xzavier ang magkabilang balikat ko.
Peke akong ngumiti at tumango. "Yeah, I'm okay." I answered.
"You sure? Kanina ka pa kasi tahimik eh," ani pa nito.
"Ano ka ba, okay lang ako 'no!" Ani ko at pilit na tumawa.
"Okay, let's sleep na." Saad niya sabay halik sa labi at noo ko.
---
Nagising ako kinaumagahan nang maramdaman kong wala na si Xzavier sa tabi ko. Inayos ko muna ang higaan bago magtungo sa banyo.
Bago ako bumaba ay dumaan muna ako sa kuwarto ng kambal upang i-check sila. Napangiti ako nang makitang himbing na himbing pa rin sila sa pagtulog.
"Good morning, hon," hinalikan ko sa pisngi si Xzavier.
"Good morning too, hon," he greeted back.
"Nga pala, hon, doon muna kayo pansamantala sa bahay ni mommy," maya-mayang sabi niya.
"H-Huh? Bakit?" Tanong ko.
"Sa Thursday pupunta kami ng Italy para sa malaking project namin. Don't worry, one week lang naman kami roon," saad niya. One week? Lang? Ang tagal na noon para sa akin.
"S-So, kailan kami pupunta roon?" Utal na tanong ko.
"Bukas, ihahatid ko kayo roon." Sagot niya. "At sana 'pag balik ko ay close niyo na ang isa't-isa," pilit na lang akong ngumiti. That won't gonna happen, Xzav.
"Gisingin ko muna 'yong kambal," tumayo na ako hindi na hinintay 'yong response niya.
Pagpasok ko sa kuwarto ng kambal ay naupo ako sa kama ni Ainsley. Nakatulala lamang ako sa kawalan nanb maramdaman kong may yumayakap sa akin.
"Good morning, mama! Bakit ka po sad?" Tanong nito.
Ngumiti naman ako. "Good morning, my angel. No, hindi sad ang mama," saad ko.
"Are you sure po?" Tumango naman ako.
"Let's wake up your sister para makapag-almusal na tayo." Dali-dali naman siyang bumaba sa kama niya at lumundag sa kama ni Aislinn.
"Linn, wake up! Breakfast is ready," paggising nito sa kapatid.
"Ley naman eh, I want to sleep pa eh," she said while pouting. Aww, such a cutie!
"Mama's here, wake up na," ani Ainsley.
Dahan-dahan namang bumangon si Aislinn.
"Good morning, mama," nakapikit pang bati niya sabay hikab.
Lumipat ako sa puwesto nila at saka parehas silang niyakap.
"Nasabi sa akin ng papa niyo na pupunta raw tayo bukas sa bahay ng lola niyo," sabi ko sa dalawa.
"Talaga po?" Tila nagningning ang mga mata nila.
"Yes," nakangiting sagot ko.
Siguro isasawalang-bahala ko na lamang 'yong nangyari kahapon, baka pagod lang siya kaya ganoon.
BINABASA MO ANG
Hiding The Engineer's Twins || HS#1
Romance[COMPLETED] Elara Calliope Borja is a working student. And at the age of 22, she got pregnant by her partner. Natatakot siyang ipaalam kay Xzavier dahil baka hindi nito matanggap ang kaniyang pinagbubuntis. Until one day she decided to tell Xzavier...