Chapter 23

1.8K 40 2
                                    

"Xzav, I'm nervous.." ani ko habang nakatingin sa mataas na gusaling nasa harap namin.

Kanina pa kami nakarating pero narito pa rin kami sa loob ng sasakyan. Buong buhay ko, never ko pang na-meet ang mommy ni Xzavier. Ngayon pa lang talaga.

Napatingin naman ako sa kaniya nang hawakan niya ang kamay ko.

"Don't be, I'm with you kaya 'wag kang kabahan." Pangpalubag-loob niya.

Pinilit kong ngumiti para hindi niya mahalata na kinakabahan pa rin ako.

"Let's go?" Huminga muna ako nang malalim bago tumango.

Nakasunod lang ako sa likod ng tatlo habang papunta kami sa lobby nitong hospital.

"Anong room number ni Elena Ventorina?" Rinig ko tanong niya sa nurse.

"Kaano-ano po kayo ng pasyente?" Tanong naman noong nurse.

"She's my mother." Sagot naman ni Xzavier

"Nasa room 307 po siya, third floor po," nag-thank you na lang kami roon sa nurse bago puntahan ang room ng mommy niya.

Sumakay na kami ng elevator para mas mapabilis ang papunta namin sa third floor. Kung ano-ano ang ginagawa ko sa loob ng elevator para lang mabawasan ang kaba na nararamdaman ko.

Napatingin ako sa kamay ko nang maramdaman kong hinawakan iyon ni Xzavier.

"I told you na huwag kang kakabahan hangga't kasama mo ako." Aniya. Eh paano ba? Hindi ko maiwasang kabahan eh.

Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko nang tumunog na ang elevator hudyat na nakarating na kami sa floor na pupuntahan namin.

Dahil hawak ni Xzavier ang kamay ko ay nagpatianod na lamang ako sa kaniya palakad. Hanggang sa makarating na kami sa tapat ng kuwarto ng mommy niya.

Pagpasok namin sa loob ay nakita naming hinahanda na ng mga nurse ang gamit niya habang naka-upo naman siya sa hospital bed.

"Mom, we're here," pang-agaw atensyon ni Xzavier sa mommy niya.

"I'm glad that you're here na," ani nito saka nalipat sa amin ang tingin nito. "Oh, hi..." Baling nito sa amin.

"Hello po!" Bati ng kambal sa kaniya.

"Sila na ba 'yong mga apo ko?" Tanong nito kay Xzavier.

"Yes, mom. This is Ainsley and Aislinn," pakilala nito sa kambal. "Twins, go hug your lola," mabilis naman sumunod ang kambal sa sinabi ni Xzavier.

"Aww, they're so lovely!" Natutuwang sambit ng mommy ni Xzavier.

"Lapitan mo na rin siya," bulong sa akin ni Xzavier.

Dahan-dahan naman akong lumakad palapit sa kanila.

"Mom," pagtawag ulit niya sa ina. "This is Elara, the mother of my twins." Ani Xzav.

"Nice to meet you, Elara." Inabot niya ang kamay ko at hinila upang mayakap ako.

Bigla namang gumaan ang loob ko dahil sa yakap niya. Phew! Akala ko talaga susungitan niya ako.

"Uhmm, o-okay na po ba pakiramdam niyo?" Utal na tanong ko.

"Yes, I'm totally fine!" Aniya.

"M-Mabuti naman po kung ganoon." Mahina naman siya tumawa.

"Why do you stutter?" Tanong nito.

Hiding The Engineer's Twins || HS#1 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon