Chapter 18

2K 47 1
                                    

Maaga kaming nakarating ng kambal sa lugar kung saan namin kikitain si Lina.


"Mama, why Ninang Lina took so long?" Tanong sa akin ni Ainsley habang pinaglalaruan ang straw ng milkshake niya.


"Darating na rin 'yon maya-maya, be patient, okay?" Nakanguso naman siyang tumango.

"Calli!" Hingal na hingal si Lina nang makalapit siya sa amin.


"Bakit hingal na hingal ka?" Tanong ko sa kaniya.


"Tumakbo ako kasi nasiraan 'yong taxi na sinasakyan ko." Sagot niya at saka binalingan ang kambal. "Hello, mga bebe! I have something for you!" Aniya at nilabas ang dalawang maliit na box saka binigay na sa kambal.


"Wow, thank you po!" Wika ng kambal at parehong hinalikan sa pisngi si Lina.


"You're always welcome, mga bebe ko." Aniya saka bumaling ulit sa akin. "May gift din ako para sa 'yo pero mamaya ko na ibibigay," saad niya.


Lumipat kami ng lugar at ang pinili niya ay 'yong may palaruan sa loob para raw makapaglaro ang kambal at para maibigay na niya 'yong 'gift' niya kuno sa akin.


"Ano ba kasi 'yong ibibigay mo sa akin at kinailangan pa nating lumipat ng lugar?" Tanong ko.


"'Yan," sabay lapag ng box ng gamot.


"Ano naman ang gagawin ko riyan? Wala naman akong sakit ah," natawa naman siya sa sagot ko.


"Gaga! Hindi gamot 'yan," tumatawa pa ring sagot nita. "Pills 'yan para kapag may ginawa kayo ni Xzavier na alam mo na... hindi ka mabubuntis," paliwanag niya.


Nilagay ko na lang iyon sa loob ng bag ko at hindi na nagsalita.


"May nangyari na ba ulit sa inyo?" Kung may iniinom lang siguro ako ngayon baka naibuga ko na iyon sa kaniya.


"W-Wala pa, tsaka ayaw ko pang masundan ang kambal." Saad ko.


Hindi pa nga kami kasal tapos susundan ulit namin? Saka na lang kapag kinasal na kami.


"Edi sakto palang iyan ang niregalo ko sa 'yo," usal niya.


Nagkwentuhan lang kami nang nagkwentuhan hanggang mapag-usapan namin ang lovelife niya.


"Wala talagang nagtatangkang ligawan ka?" Tanong ko.


"Wala?" Patanong na sagot niya.


"Iyong seryoso kasi, Lina." Ani ko.


"May isang umamin sa akin pero binasted ko kaya 'yon wala nang umulit." Kung malapit lang siya sa akin baka nabatukan ko siya.


"So, paano 'yan? Edi tatanda kang dalaga?"


"Wala namang kaso sa akin 'yon eh, nariyan naman 'yong kambal eh," aniya.


"Pero iba pa rin kapag may sarili kang anak." Sabi ko.


"Ano ka ba? Darating din 'yan tsaka bata pa naman ako eh," saad niya.


---


"Sure kayong hindi na kayo sasabay sa akin?" Tanong ni Lina, umiling naman ako.


"May sundo kami," sagot ko at sakto namang paglingon ko sa likuran niya ay nakita ko ang sasakyan ni Xzavier. "Iyan na pala siya oh," turo ko.


"Ah sige, una na ako sa inyo ha?" Nakipagbeso-beso siya sa akin at saka lumuhod para halikan ang kambal.


"Ingat ka ha?" Kumindat na lang siya sa akin bago pumara ng taxi.


Hiding The Engineer's Twins || HS#1 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon