"Elara, wait..."
Hindi ko alam kung haharap ba ako o ano. Hindi ko rin kayang maigalaw itong mga paa ko. Pakiramdam ko para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil naningas ako sa kinatatayuan ko.
"Mama, tawag ka po no'ng guy." Uga ni Aislinn sa braso ko.
"A-Ah, let's go. B-Baka nagkamali lang siya." Ani ko at nagmamadali nang naglakad.
Gulong-gulo ako kung ano ang dapat kong gawin lalo na't nakita niya na kami. Paano ko maitatago ang kambal mula sa kaniya? Imposibleng hindi niya kami mahanap dahil alam kong marami siyang kilalang pwede niyang mautusan upang hanapin kami.
Pagkarating namin sa bahay ay pinapasok ko na ang kambal sa kuwarto upang sila'y magbihis na. Habang ako naman ay nanginginig ang kamay ko habang dina-dial ang number ni Lina.
"Hello, Lina..." bungad ko nang sagutin niya ang tawag.
["Oh? Bakit parang kinakabahan ka? May nangyari ba?"] Sunod-sunod na tanong nito.
"He saw us, Lina. What should I do?" Mangiyak-ngiyak kong tanong.
["What? How? Tsaka 'di ba ang sabi ko huwag muna kayong gagala?"]
"Nag-aya kasi 'yong kambal na mag-mall. Hindi nga sana ako papayag pero alam mo naman ang ugali noong kambal, 'di ba?" Paliwanag ko. Narinig ko naman siyang bumuntong-hininga
["Mag doble ingat ka na lang ngayon. Basta huwag na ninyong uulitin 'yong kanina, okay?"]
"Oo, sige. Salamat, Lina." Sabi ko at pinatay na ang tawag.
Mariin akong pumikit at kasabay no'n ang malalim na buntong-hininga. Bakit narito na siya agad? I thought next week pa ang start ng project niya dahil iyon ang sinabi niya noon sa interview niya.
"Mama, kilala mo ba 'yong lalaki kanina?" Nahinto ako sa paglagay ng gulay sa refrigerator nang may magsalita sa likuran ko.
"No, anak, I don't know that guy. Baka napagkamalan niya lang ako." I lied.
"But, he knows your name." Bakit ba sobrang talino nitong anak kong 'to?
"Anak, there's so many names like mine." Paliwanag ko rito.
"Mama, nasaan po 'yong chocolate namin?" Tanong ni Ainsley.
Agad naman akong tumayo upang kunin sa isang paper bag 'yong chocolate nila na binili namin.
"Here, uminom kayo ng tubig after niyong maubos 'yan, okay?" Sabay naman silang tumango at tumakbo na papuntang sala.
Alas onse y media nang matapos akong magluto ng tanghalian namin. Pinuntahan ko muna ang kambal sa sala habang naglalaro ng barbie nila.
"Pwede bang sumali si mama?" Tanong ko sa kambal. Nabaling naman sa akin ang atensyon nila.
"Sure po, heto po sa 'yo oh," sagot naman ni Ainsley sabay abot sa akin ng isa pang laruan na barbie nila.
Nakipag-laro muna ako sa kanila bago mag-ayang kumain na.
"Mama, pupunta po ba tayo kay mama-lola mamaya?" Tanong ni Ainsley.
"Hindi muna, 'nak," sagot ko rito.
Matapos kaming kumain ay gaya ng nakagawian nila ay magpapaunahan silang makapunta sa sala at manonood na.
BINABASA MO ANG
Hiding The Engineer's Twins || HS#1
Romance[COMPLETED] Elara Calliope Borja is a working student. And at the age of 22, she got pregnant by her partner. Natatakot siyang ipaalam kay Xzavier dahil baka hindi nito matanggap ang kaniyang pinagbubuntis. Until one day she decided to tell Xzavier...