Ramdam ko ang sinag ng araw na tumatama sa balat ko. Magmumulat na sana ako ng mata ko nang mag salita si Ainsley.
"Papa, can I ask?" Tanong nito.
"What is it?" Dinig kong tanong naman ni Xzavier.
"Do you love mama?" Napantig naman ang tainga ko sa tanong na iyon ni Ainsley.
Gusto kong imulat ang mata ko ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Gusto kong marinig 'yong sasabihin ni Xzavier.
"Yes, I do love her." My lips form into a smile when he said that. "Kahit na matagal kaming nagkalayo ng mama niyo, kailanman ay hindi nagbago itong nararamdaman ko para sa kaniya." He added.
"Then why don't you get back together again?" Tanong din ni Aislinn.
"Gusto kong makipagbalikan sa mama niyo but I don't know if she still love me," malungkot namang sagot niya.
'Yes, I do! I still love you, Xzavier!' Gusto kong sabihin 'yan sa kaniya pero ewan ko ba kung bakit nahihiya ako. Seriously, Elara? Ngayon ka pa mahihiya?
"Let's go outside. Hayaan na muna nating matulog ang mama niyo." Aniya at lumabas na kasama ang kambal.
Nang masiguro kong nakalabas na sila ay saka lang ako nagmulat at bumangon.
Tama ako ng lalaking minahal. Akalain mo 'yon, limang taon kaming hindi nagkita at walang kumonikasyon sa isa't-isa tapos hindi man lang nagbago ang nararamdaman niya para sa akin.
Ibang-iba talaga siya sa Xzavier na nakilala ko noon. 'Yong Xzavier noon sobrang galing mambabae, as in, halos araw-araw iba-ibang babae ang kasa-kasama niya.
Hanggang sa makilala namin ang isa't-isa, hindi ko inaakala na mapapabago ko ang isang katulad niya. 'Yong womanizer noon, isa ng maalaga at butihing ama ngayon.
Nagligpit muna ako ng higaan namin bago ako lumabas ng kuwarto at nagtungo na sa kusina. Tahimik ko lang pinagmamasdan ang mag-aama habang nagluluto ng umagahan namin.
"Mama!" Tumakbo naman palapit sa akin sina Ainsley at Aislinn upang yakapin ako.
"Tinutulungan po naming magluto si papa," natutuwang sabi ni Ainsley.
"Wow naman, very good naman pala ang mga baby ko eh," nakangiting sabi ko at ginulo ang buhok nila.
"Let's eat..." napatingin naman kaming tatlo sa nag salita.
Masaya naming pinagsaluhan ang niluto nila. At nang matapos kaming kumain ay sinamahan akong mag hugas ni Xzavier habang ang kambal naman ay naliligo. Isasama ko ulit sila ngayon sa school.
"Ba-bye po papa," kaway ng kambal kay Xzavier saka hinalikan nila ito sa pisngi.
"Twins, let's go." Pag-aaya ko sa dalawa ngunit pinigilan ako ni Ainsley. "What?" Takang tanong ko.
"Kiss mo rin po si papa, mama," nalaglag naman ang panga ko saka nag-aalangang tumingin kay Xzavier.
"Dali na po, mama, para maka-alis na po si papa." Segunda naman ni Aislinn.
Bumuntong-hininga naman ako at dahan-dahang nilapitan si Xzavier. Tinitigan ko muna siya ng limang segundo bago siya halikan sa pisngi. Matapos 'yon ay tinignan ko naman ang kambal sa gilid ko na parehong malawak ang ngiti. Itong mga batang ito talaga.
"L-Let's go, twins." Utal na sabi ko sa kambal. "Mag-iingat ka." Baling ko naman kay Xzavier.
"I will." Sagot niya saka kinindatan pa muna ako bago tuluyang umalis.
BINABASA MO ANG
Hiding The Engineer's Twins || HS#1
Romance[COMPLETED] Elara Calliope Borja is a working student. And at the age of 22, she got pregnant by her partner. Natatakot siyang ipaalam kay Xzavier dahil baka hindi nito matanggap ang kaniyang pinagbubuntis. Until one day she decided to tell Xzavier...