Humiwalay na siya sa pagkakayakap sa akin at nag paalam nang magluluto na ng kakainin namin. Naghintay na lamang ako sa sala habang hinihintay siyang matapos mag luto.
At matapos ang ilang minuto ay tinawag niya na ako mula sa kusina.
"Let's eat, the food is ready." He said then smiled at me.
Tahimik lang akong kumakain dahil wala naman akong sasabihin. While him, tingin nang tingin sa akin na para bang may kung ano sa mukha ko.
"May sasabihin ka ba?" I asked.
He shook his head. "None, na-aamaze lang ako sa kagandahan mo," nasamid naman ako sa sinabi niya.
Natatawa naman niya akong inabutan ng tubig. Sinamaan ko siya ng tingin kaya naman tumigil siya sa pag tawa.
"May picture ka ba ng kambal?" Tanong nito, tumango naman ako.
"Yeah, sobrang dami," sagot ko. "Ipakita ko sa 'yo mamaya after nating kumain," I added.
"May extra akong toothbrush doon sa banyo, iyon na lang ang gamitin mo," saad niya, tumango na lang ako at saka ngitian muna siya bago tumungo sa banyo.
He said na siya na raw ang bahalang mag huhugas ng pinakainan namin kaya hinayaan ko na lang siya. After kong mag-toothbrush ay tumanaw ako sa bintana ng condo niya at mas lalo yatang lumakas ang ulan.
"Mas lalong lumakas 'yong ulan," napatingin naman ako sa nag salita sa likuran ko. Nakatingin din siya sa labas.
"Wait here, ihahanda ko muna 'yong guest room na pagtutulugan mo." Sabi niya bago ako talikuran.
Naisipan kong manood muna habang hinihintay siyang bumalik.
"Buti naman at naisipan mong manood muna," busy ako sa panonood kaya hindi ko namamalayang nasa tabi ko na pala siya.
Paglingon ko sa kaniya, napalunok ako nang makitang sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Gusto kong ilayo ang mukha ko pero hindi ko naman maigalaw ang ulo ko.
Dumapo ang paningin ko sa mata niya na animoy hinihipnotismo ako. Isa ito sa nagustuhan ko sa kaniya dati. Bukod sa magaganda niyang mata ay makapal din ang kilay niya na sumakto sa kaniyang perpektong mukha.
"Easy ka lang baka matunaw ako," naputol ang pagpapantasya ko sa kaniya nang bigla siya mag salita.
Mabilis naman akong lumayo at umusog nang kaunti.
"A-Ahh... m-matutulog na ako, g-good night!" Utal na saad ko bago nagmamadaling tumakbo papuntang guest room.
Pagkapasok ko ay agad akong sumandal sa pintuan at napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman kong para itong nakikipag-karera sa sobrang bilis ng pagtibok.
Limang taon na ang lumipas pero sa kaniya pa rin talaga tumitibok nang ganito kabilis ang puso ko.
Bago ako makapunta sa kama ay napansin ko ang malalakas na kulog at kidlat sa labas. Napatingin naman ako sa pintuan at saka bumilang ng lima pero hindi pa ako nakakatatlong bilang nang bigla itong bumukas at inuluwa noon si Xzavier.
Pilihim naman akong natawa. Ang tanda niya na pero takot pa rin siya sa kulog.
"A-Anong ginagawa mo rito?" Nagkunwari akong nabigla sa pagpasok niya.
"Can I sleep here?" Tanong niya.
"Why?" Balik na tanong ko.
"Please?" Bumuntong-hininga ako bago tumango.
BINABASA MO ANG
Hiding The Engineer's Twins || HS#1
Romance[COMPLETED] Elara Calliope Borja is a working student. And at the age of 22, she got pregnant by her partner. Natatakot siyang ipaalam kay Xzavier dahil baka hindi nito matanggap ang kaniyang pinagbubuntis. Until one day she decided to tell Xzavier...