"Xzav!" Itinigil ko muna ang ginagawa ko nang marinig ko ang tawag sa akin ni Elara.
"Yes, hon? Do you need something?" Tanong ko rito nang nakangiti.
"I want avocado.." she said while pouting. Fvck, she's so freaking cute!
"Wala na tayong avocado eh," sabi ko.
"Bili ka," parang batang tugon niya.
"Okay, you want to come?" I asked.
"Ayaw." Iling niya. "Isama mo na lang 'yong kambal kung gusto nila." She added.
Tumango ako at hinalikan muna ang kaniyang noo bago magpaalam na magbibihis muna. She's six months pregnant at tatlong na buwan na lang ay ka-buwanan niya na.
"Twins, sama kayo?" Tanong ko sa dalawa kaya naman nahinto sila sa paglalaro sa IPad nila.
"Where po?" Ainsley asked.
"Mall." Mabilis naman silang bumaba ng kama.
"Yes po, sama kami!" Sabay na sabi nila.
"Let's go." Hindi ko na sila pinagbihis dahil mabilis lang naman kami.
"Hindi po sasama sa atin si mama?" Tanong ni Aislinn nang makasakay kami sa sasakyan.
"Nah. Ayaw niyang sumama eh." I answered.
Nang makarating kami sa mall ay nagpark na agad ako saka pumasok na sa loob at dumiretso na sa fruit section. Binili ko lahat ng klase ng prutas baka kasi maghanap ulit si Elara.
"Papa, can we buy chocolates?" Magkasalop ang kamay ni Ainsley na tanong sa akin.
"Okay, pero kaunti lang ha?" Ako na naman ang lagot sa mama niyo.
"Yes po, papa." Nauna na silang pumunta sa sweet section upang kumuha ng tig-dalawa nilang chocolate.
At nang makabayad kami ay agad na kaming umuwi dahil baka mabagot na si Elara kahihintay sa amin.
"Lola!" Pagkapasok ng kambal ay agad silang tumakbo palapit kay mommy upang yakapin ito.
Lumapit na rin ako kay mommy upang halikan siya sa pisngi. At pagkatapos no'n ay lumapit na ako kay Elara.
"Kaya ba ayaw mong sumama kasi may bisita ka?" Ngising tanong ko.
"Mhmm-hmm..." tugon niya.
Mahina na lang ako natawa saka humalik sa noo niya.
"Here's your avocado."
"Yey! Thanks, Hon!" Sabi niya sabay halik sa pisngi ko at saka nagmamadali na siyang pumunta sa kusina.
"She's so different from the other pregnant." Napatingin naman ako kay mommy nang magsalita siya.
"What do you mean, mom?" Tanong ko.
"Hindi siya 'yong bigla-bigla na lang magagalit kapag hindi agad nabigay 'yong gusto niya." Tugon niya.
Well, that's exactly what I noticed at first. Hindi siya moody but she's acting like a child kapag hindi nasusunod ang gusto niya.
Nagpaalam muna ako kay mommy na susundan muna si Elara sa kitchen dahil kanina pa siya ro'n.
"Ano 'yang kinakain mo?" Tanong ko habang nakaturo sa kinakain niya.
BINABASA MO ANG
Hiding The Engineer's Twins || HS#1
Romance[COMPLETED] Elara Calliope Borja is a working student. And at the age of 22, she got pregnant by her partner. Natatakot siyang ipaalam kay Xzavier dahil baka hindi nito matanggap ang kaniyang pinagbubuntis. Until one day she decided to tell Xzavier...