After kong makapagbihis ay dumiretso na agad ako sa sala kung nasaan ang kambal. Napangiti naman ako nang makitang tahimik pa rin sila habang nanonood.
Lumakad ako palapit sa puwesto nila at umupo sa pagitan nilang dalawa. Phineas and Ferb ang pinapanood nila kaya nakinood na rin ako.
"Mama, bakit po ganiyan ulo Phineas?" Tanong sa akin ni Ainsley habang naka-kunot ang kaniyang noo.
Tanging tawa na lamang ang naisagot ko dahil kahit ako ay hindi alam kung bakit ganiyan ang shape ng ulo niya.
"I-I don't know, anak eh," sagot ko.
Sumimangot na lang ang anak ko at itinuon na lang ulit ang atensyon sa panonood.
Nang magsawa ako sa panonood ay nagpunta na lamang ako sa kusina para tumulong doon.
"Naku ma'am, kami na po ang bahala rito," pigil sa akin ni Ate Flor nang akmang kukuha ako ng kutsilyo upang maghiwa ng mga gulay.
"Okay lang po, tsaka wala naman po akong ginagawa kaya tutulong na lang po ako sa inyo." Sabi ko.
"Pero ma'am—" inunahan ko na siya.
"Okay lang ho.." ani ko kaya wala na siyang nagawa kundi hayaan ako.
"Sige po, paki-bigay na lang po sa akin kapag natapos niyo nang hiwain." Tinanguan ko na lang siya.
Matapos kong hiwain lahat ay binigay ko na kay Ate Flor 'yong mga gulay. Pinanood ko na lang siyang magluto. Ako rin ang nag-aabot ng mga seasonings na ilalagay sa niluluto niya.
"Flor!" Pareho kaming napatingin sa taas nang marinig namin ang boses ng mommy ni Xzavier.
Natataranta niyang inalis ang apron at saka nag-aalangan pa siya kung ipapahawak sa akin 'yong hawak niyang sandok o ano.
"Ako na ho ang bahala sa niluluto niyo." Sabay kuha sa hawak niyang sandok.
"M-Marunong po ba kayo? Tatawagin ko na lamang po si Anna para siya na po ang magtapos nitong niluluto ko." Aniya.
Umiling naman ako. "May karinderya po ang mama ko kaya marunong po akong magluto."
"Flor! Where the hell are you?!" Galit na sigaw ng mommy ni Xzavier.
"Pumunta na po kayo roon at baka kung ano pa ang gawin no'n sa 'yo eh," mabilis niyang nilapag ang apron sa lamesa saka nagmamadali nang tumakbo paakyat.
Matapos kong maluto 'yon ay pinatay ko na ang kalan saka tinanggal ko na ang suot kong apron. At sakto rin namang bumalik na si Ate Flor.
"Ate, tapos na po 'yong niluluto." Sabi ko.
"Maraming salamat po talaga, ma'am,"
I smiled at her. "Walang anuman po,"
---
Mabilis lumipas ang isang linggo at napakaraming nangyari. Isa na roon 'yong isang araw na umalis ako at noong pag-uwi ko ay nakita kong mayroong pasa si Aislinn sa kaliwang braso niya, at ang sabi niya sa akin ay nasagi lamang siya sa pader kaya nagkaroon ng pasa. Pero kilala ko ang anak ko, hindi siya basta basta nagkakaroon ng pasa.
At habang tumatagal ay papangit nang papangit ang ugali ng mommy ni Xzavier. Minsan nahuhuli kong sinisigawan niya ang kambal. Pinagsasabihan niya rin ang mga ito ng mga masasama at masasakit na salita.
"Huwag na kayong lalabas ng kuwartong ito, okay? Dito na lang kayo manood at maglaro." Bilin ko sa kanila.
Simula noong pangyayari na iyon ay pinalipat ko na silang dalawa sa kuwarto namin ni Xzavier dahil mayroon namang TV doon na pwede nilang gamitin.
BINABASA MO ANG
Hiding The Engineer's Twins || HS#1
Romance[COMPLETED] Elara Calliope Borja is a working student. And at the age of 22, she got pregnant by her partner. Natatakot siyang ipaalam kay Xzavier dahil baka hindi nito matanggap ang kaniyang pinagbubuntis. Until one day she decided to tell Xzavier...