Sa pagdaan ng mga araw ay maraming masasayang nangyari sa amin ng kambal. Katatapos lamang ng kanilang graduation noong nakaraang araw at parehas silang nasa top. Sobrang proud ako sa kanila kasi kahit na sa murang edad pa lang sila ay ang dami na nilang nakukuhang achievements.
Next month na rin pala 'yong kasal ni Lina at may nahanap na rin si tita ng katulong niya sa shop. Maayos na rin 'yong flight namin next next week kaya wala na kaming poproblemahin pa.
"I'm so excited na, Linn!" Impit na sigaw ni Ainsley.
"Me too! Super miss ko na sa Philippines eh." Segundo naman ni Aislinn.
Napangiti naman ako sa kanilang dalawa habang gumagawa ako ng sandwich na meryenda nila. I'm sure hindi lang ang Pilipinas ang miss nila.
"Here's your sandwich na." Sabi ko sabay lapag ng pinggan sa harapan nila.
Matamis naman silang ngumiti. "Thank you, mama!" Sabay nilang saad bago lantakan ang sandwich nila.
Iniwan ko muna sila roon sa kusina at pumunta muna sa kuwarto. At saktong pagpasok ko ay nakita kong may tumatawag. Kaya naman dali-dali ko ng kinuha 'yong cellphone ko at agad na itong sinagot.
"Yes, Lina?" Hulaan ko, ipapaalala na naman niya 'yong kasal niya.
["Hindi kayo puwedeng mawala sa kasal ko, okay?"] See? Eh 'di sana lahat ikakasal na.
"Oo na, oo na. Tumawag ka lang ba sa akin para ipaalala 'yan?" Prangkang tanong ko.
["Nah. May kailangan kang malaman but 'wag kang mabibigla,"] usal niya.
"What is it? Tell me right away." Sabi ko.
["Wait lang, putcha! Atat na atat eh."] Natawa naman ako. High blood masyado, eh.
["So 'yon na nga, invited si Xzav sa kasal namin ni Evan,"] nalaglag ang panga ko nang marinig ko iyon.
"P-Parang ayoko nang tumuloy," sabi ko.
["Aba! Subukan mo lang at baka gusto mong sundan kita kung saan ka man naroroon?"]
"Paanong invited?" Naguguluhang tanong ko.
["Isa sa friend ni Evan si Xzavier. Hindi ko pa alam noong una, ha. Nalaman ko lang noong chineck ko 'yong mga invitation letters at nagulat ako nang makita 'yong pangalan doon ni Xzavier."] Mahabang litanya niya.
"Hindi naman siya 'yong groom's men, right?" Paniniguro ko.
["Of course not! Iba 'yong groom's men ni Evan, 'no."] Sagot naman niya.
"Okay, sige." Sagot ko.
["Pumunta kayo ha?"]
"Oo na." I answered.
["You know what, Calli, I think tama na 'yang pagtatagong ginagawa mo kasi hindi lang kayong dalawa ni Xzavier ang nahihirapan eh. Stop being selfish, Elara, mga anak niyo ang naaapektuhan sa ginagawa mo."] Napatahimik naman ako. ["Try to talk to him, makipag-ayos ka alang-alang sa mga anak niyo. And please, stop hurting each other kasi hindi lang kayo ang nasasaktan, pati na rin ang mga anak niyo."] Parang isang malakas na sampal ang salitang binitawan sa akin ni Lina dahilan upang matauhan ako.
Siguro nga ay tama siya. As I said, ayokong nakikitang nasasaktan ang kambal kaya tama na siguro itong ginagawa ko. Tama na itong kaduwagan at pagiging makasarili ko.
BINABASA MO ANG
Hiding The Engineer's Twins || HS#1
Romance[COMPLETED] Elara Calliope Borja is a working student. And at the age of 22, she got pregnant by her partner. Natatakot siyang ipaalam kay Xzavier dahil baka hindi nito matanggap ang kaniyang pinagbubuntis. Until one day she decided to tell Xzavier...