Maagang nagpaalam sa akin si Xzavier na papasok muna dahil may kailangan daw siyang i-meet na bagong kliyente.
"Ako na ang bahalang magsasabi sa kanila. Ingat ka, I love you." Nakangiting sabi ko.
"I love you, too." Tugon niya saka mabilis akong hinalikan sa labi bago siya sumakay ng sasakyan.
Nang hindi ko na matanaw ang sasakyan niya ay pumasok na ako sa loob para ipaghanda ng pagkain ang kambal. At nang matapos ay tumungo na ako ng kuwarto nila para sila ay gisingin.
"Nasaan po si papa?" Tanong ni Ainsley habang lumilinga sa paligid.
"May importante lang muna siyang pinuntahan, 'nak," sagot ko.
"Kailan po siya uuwi?" Tanong pa niya.
"Mamaya, pero hindi ko alam kung anong oras." Sabi ko. "Kumain na kayo para makapaghugas na ako," saad ko sabay lapag ng gatas nila.
Habang pinagmamasdan ko ang kambal sa pagkain ay may narinig akong nagdo-doorbell sa labas kaya naman nagpaalam muna ako sa kambal upang tignan kung sino 'yon.
"Ah hello po, sino po sila?" Magalang na tanong ko sa babaeng halos kaedad lang ni mama.
"Ako po 'yong palaging nagpupunta rito para maglinis ng bahay, kayo ho ba si Ma'am Elara?" Tumango naman ako.
"Yes po, ako nga po." Sagot ko.
"Mas maganda po pala kayo sa personal," bigla naman akong nahiya.
"A-Ah hindi naman po masyado, pasok na po tayo sa loob." Sabi ko at sinarado na muna ang gate bago sumabay sa kaniyang pumasok.
"Matagal na po ba kayong nagta-trabaho kay Xzavier?" Tanong ko.
"Hindi naman po masyado, mag-iisang taon pa lang po ako rito." Sagot naman niya.
"Huwag ka po munang aalis kapag natapos ka na maglinis ha? Dito ka na po muna kumain ng tanghalian," ani ko.
"Naku ma'am, maraming salamat po pero may naghihintay pa po akong trabaho sa palengke eh," ika niya.
"Ganoon po ba? Sige, ganito na lang, hintayin niyo na lang po munang matapos 'yong lulutuin ko tapos bibigyan ko na lang po kayo ng pananghalian mo."
"Naku, maraming salamat po talaga, ma'am! Sobrang bait niyo po," sabi niya.
"Wala pong anuman," nakangiting sambit ko.
Pinakilala ko muna si Manang Carla sa kambal bago simulang magluto.
"Ma'am, matanong ko lang po, anong grade na po itong kambal mo?" Nilapag ko muna ang hawak ko sandok bago sagutin ang tanong niya.
"Hindi pa po sila nag-aaral," magalang na sagot ko.
"Totoo po? Eh bakit ang galing na nilang magbasa at dire-diretso pa, walang tigil," manghang usal niya.
Mahina naman akong natawa. "Teacher po ako, apat na taong gulang pa lamang sila ay tinuturuan ko na silang magbasa at magsulat." Sagot ko.
"Ang galing naman," ika niya.
"Tapos na po ba kayong maglinis?" Tanong ko, tumango naman siya. "Paki-hintay na lang po itong niluluto ko, 'di bale malapit naman na pong maluto eh," sambit ko.
"Sige lang po, ma'am," sagot naman niya.
---
"Mag-iingat ka po, tsaka kung may free time po kayo punta lang po kayo rito ha?" Tumango naman siya.
BINABASA MO ANG
Hiding The Engineer's Twins || HS#1
Romansa[COMPLETED] Elara Calliope Borja is a working student. And at the age of 22, she got pregnant by her partner. Natatakot siyang ipaalam kay Xzavier dahil baka hindi nito matanggap ang kaniyang pinagbubuntis. Until one day she decided to tell Xzavier...