*PAK*
"Why did you do this to me Amaia Psychee?!" Singhal sa akin ni Daddy, napahawak ako sa pisngi kong nadapuan ng palad niya.
Nahirapan ako sa paglunok dahil parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko. Nagsimula na ding magtubig ang mga mata ko.
"Daddy!" Rinig kong sigaw ni Jeorge.
"Stay out of this, Jeorginna!" Banta niya dito. Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagkuyom ng kamao ni Jeorge.
"I thought you were perfect, Amee." Halata sa boses ni Daddy ang disappointment. Sa wakas ay kumawala na ang luha nagpapalabo sa mata ko.
"Sa lahat ng nagawa ko para sa'yo, gaganituhin mo lang ako?" Hindi ako makatingin ng diretso kay Daddy. I know.. and I'm sorry. I'm really really sorry if I disappoint you.
Gusto kong humingi ng sorry kay Daddy, sorry dahil hindi ako naging mabuting anak. Na ito pa ang iginanti ko sa kanya sa lahat ng ginawa niya sa akin. Saka palang ako napahagulgol nang narinig ko na ang yapak ni Daddy, umalis na siya.
Napaupo ako sa sobrang panghihina, nangangatog ang mga binti ko. Iniyak ko ang lahat. Ngayon ay galit na sa akin si Daddy dahil sa isang malaking pagkakamaling nagawa ko sa buong buhay ko.
Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ng dalawa kong kapatid. Mas lalo akong napahagulgol dahil sa yakap nilang dalawa. Eto ang kailangan ko ngayon. Masasandalan.
"Ate, tama na.." Garalgal na ang boses ni Coco. I know she's going to cry. Kahit na matapang siya ay umiiyak pa din siya.
"Everything is going to be fine, we're always here for you." Jeorge said.
Nang mahimasmasan ako ay dinala na nila ako sa kwarto. Doon iniyak kong muli ang lahat, galit sa akin si Daddy at galit din sa akin si Mommy. Pakiramdam ko napaka-walang kwenta kong anak dahil sa nagawa ko.
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako, nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Agad kong tiningnan ang orasan na nasa side table ng kama ko. Eight o' clock na pala.
Tumayo ako para makapaghanda. May pasok pa ako ngayon, next week ay christmas party na at simula na ng christmas vacation namin. Next year ay ga-graduate na ako at magiging college na. Naligo ako at nagbihis ng uniform. Sinusoot ko ang sapatos ko nang bumukas ang pinto ng kwarto ko.
"Good morning," mahinang bati sa akin ni Coco.
"Good morning too.." Balik kong bati. Nakabihis na din siya, lumapit siya at tumabi sa akin.
"Are you okay?" I looked at her, "Okay lang ako, Coco."
Ngumiwi siya, "Namamaga ang mga mata mo." Ngumiti ako sa kanya ng bahagya, namamaga ang mga mata ko. Panigurado kapag nakita ito ng mga pinsan ko ay tatanungin nila ako kung bakit namamaga 'to.
"Paano kapag tinanong ka nila?" Tukoy niya sa mga pinsan ko.
"Sasabihin ko ang totoo." Ngumiti ako sa kanya at tumayo. Kinuha ko ang bag ko at hinila siya papalabas ng kwarto.

BINABASA MO ANG
Up To You
Storie d'amoreHindi naging madali kay Amee na hindi siya tanggap ng Mommy niya, sabihin na nating step mother o Tita. Maging madali din kaya sa pamilya niya na tanggapin ang katotohanang haharap sa kanila? Sa kaniya? Started: May 04, 2015 Ended: April 07, 2016.