UTY 25

4.6K 119 2
                                    



"Who gave you those flowers?" Royal asked when I finished putting those flowers on a vase. I smiled at her.

"Kieran." She mouthed ooh and nodded. "He said his sorry naman at gusto niyang bumawi sa akin." 

"Good! Naku, kung hindi siya nag-sorry at babawi sa'yo magtaka ka na." She stood up. "Pasaan ka?" Tanong ko.

"Maliligo na ako, aalis ako eh." Tumango ako sa kanya, nang makalabas siya ay nagpalit ako ng manipis na malaking t-shirt at cotton short. 


Bumaba kaagad ako matapos kong magpalit ng damit, baka kasi pinagpi-piyestahan na ng mga pinsan ko si Kieran at nakakahiya naman kung magtatagal pa ako. Naabutan ko silang naglalaro ng isang game sa xbox. 


"Ate, nagpustahan sila! Kapag natalo si Kieran ay ililibre niya sila Cyan, Derian, Nile at Ekko! Kapag nanalo naman siya, ililibre pa din niya yung apat!" Sumbong sa akin ni Blue nang makaupo ako. Awtomatikong dumapo ang kamay ko sa ulo ni Cyan. 

"Aray ate!" Inda niya.

"Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo ha?" Tanong ko.

"Si Nile talaga may ideya nito ate! Dinamay niya lang kami," pagtuturo ni Ekko sa katabing si Nile.

Agad naman itong umalma, "Anong ako? Si Derian yun ate." 

"Magtigil nga kayo! Kahit kailan talaga kayo eh." Sabi ko sa kanila habang pinagpapalo sa balikat at braso. 

"Okay lang naman sa akin Amee, wala 'yun." Singit ni Kieran kaya napatigil ako sa pagpalo sa mga pinsan kong makukulit.

"Oh, okay lang naman kay Kieran ate." Ani Derian saka ngumisi. Binatukan siya ni Reyie.

"Ang kapal talaga ng mukha niyong apat. Buti hindi mana sa inyo si Zeron!" Napatingin kaming lahat kay Zeron na tahimik na nagce-cellphone. Tumingin siya sa aming lahat at umirap.


Nagpatuloy sila sa paglalaro, pinanood ko si Kieran habang naglalaro kasama ang mga pinsan ko. Hindi daw siya maka-hindi sa mga ito sa paglalaro dahil mga pinsan ko daw ito at nakakahiya kung tatanggi siya. Sinuportahan ko siya kahit na simpleng laro lang iyon. 

Napuno ng tawanan at sigawan sa loob ng mansyon dahil sa aming lahat. Ayaw magpatalo ng mga pinsan ko pero may kung ano daw kay Kieran na hindi nila malaman kung bakit daw ito laging nananalo. In the end, panalo si Kieran at nagpa-deliver siya ng ilang boxes ng pizza. 


"Salamat sa pa-pizza, tol!" Ani Cyan saka sila nag-fist bump ni Kieran.

"Wala 'yun!" Tumingin sa akin si Kieran at ngumiti, gumanti ako ng ngiti bago kumagat sa slice ng pizza na hawak ko. 


Matapos kaming mag-meryenda ay nag-paalam na siya sa amin na aalis na, may gagawin pa daw kasi siya sa bahay. Hinayaan ako ng mga pinsan kong ihatid si Kieran sa may gate namin. Tahimik lang kaming naglalakad. Masaya ako dahil nakasama ko siya maghapon tulad ng gusto niya. 


"Galit ka pa din ba?" Agad akong napatingin sa kanya at umiling.

"Bakit naman ako magagalit? Wala 'yun Kieran." Ngumiti siya sa akin bago ako hinila para hagkan, hindi agad ako nakagalaw dahil sa ginawa niya. 


Rinig na rinig ko ang tibok ng aking puso, mabilis itong tumitibok dahil sa pagkakayakap ni Kieran sa akin. Kung ano ang nararamdaman ko sa t'wing gagawa siya ng hindi ko inaasahan ay ganun na ganun ang nararamdaman ko. Dahan-dahan kong ipinulupot ang aking mga kamay sa kanyang bewang.

Up To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon