UTY 1

10.8K 255 8
                                    



"I'm three weeks pregnant."


Halos tunog ng mga sasakyan at ingay ng ibang tao lang ang naririnig ko matapos kong sabihin ang totoo sa mga pinsan ko. Lahat sila ay nakatingin sa akin, wala ni-isa sa kanila ang nagsasalita.


"Ate," tawag sa'kin ni Jeorge. Siya ang bumasag sa katahimikan na nabuo sa aming magpipinsan.

"Nag-jojoke ka ba Ate?" Natatawang sabi ni Cyan pero kita ang alinlangan sa mukha niya.

"Hindi ako joker katulad mo, Cyan." Sagot ko. Maiintindihan ko naman sila kung ang magiging reaksyon nila ay tulad ng kay Daddy o Mommy.

"Y-you're pregnant..?" Hindi siguradong sabi Blue. "Yes." Diretso kong sagot.

"Pero.. paano?" Tanong ni Ekko.

"Malamang, may naka-ano kay Ate! Isip naman!" Sigaw ni Derian sa Kuya niya.

"You mean, you're not virgin anymore?" Binatukan ni Royal ang kambal niyang si Blue.

"May buntis bang virgin pa? Tanga!" Pambabara ni Royal dito.

"Yes, merong buntis na virgin pa." Singit ni Reyie.

"How?" Nile asked.

"Search it Nile." Zeron said.

"Pero balik tayo, hindi nga?" Sabi ni Ekko.

"Yes, I am pregnant." Ulit ko.

"Alam na ba 'to nila Tito at Tita?" Tanong ni Cyan.

"Yes, she told them last night." Jeorge answered.

"Alam niyo na 'to?" Tanong ni Blue sa dalawa kong kapatid.

"Oo, bakit naman hindi? Ate namin siya," sagot ni Coco.


Natahimik kaming lahat, pinapakiramdaman ang bawat isa. Alam kong gulat pa din sila kaya sila ganyan. Pero nawala din ang katahimikang iyon nang magtanong si Zeron.


"Who's the father?" Ilang beses akong napapikit dahil sa tanong niya. Hindi ako makasagot, ayokong sagutin ang tanong niyang iyon.

"Sasabihin sa atin ni Ate kung sino ang ama kapag nanganak na siya. Stop pestering her with your questions. Hindi dapat siya ma-stress." Mabuti na lang at nandito si Coco para ipagtanggol ako.

"Mali-late na tayo, we have to go." Anunsyo ni Royal habang nakatingin sa relo. Pumasok siya sa loob ng van at sumunod na din ang iba ko pang pinsan.

"Thank you," Coco smiled at me. Sabay kaming pumasok sa loob ng van, nang makapasok na kaming lahat ay agad na pinaandar ito ni Cyan.


Pagkapasok sa school ay nagpaalam kami sa bawat isa dahil magkakahiwalay kami ng building at rooms. Nakayuko lang akong naglalakad patungo sa classroom namin.


Alam na nilang lahat na half sister ako ng dalawa kong kapatid, na iba ang nanay ko, noong araw na nagkagulo at na-guidance ang kapatid ko at mga pinsan, noong araw din na nasampal ako at umalis sa schoo, ay ikinalat ni Britany sa lahat.


Ilang linggo ko noong tiniis ang pagbubulungan, pagkwekwentuhan, pagtingin sa akin ng masama ng mga schoolmate ko. Ilang linggo din akong nagkukulong noon sa kwarto dahil gusto kong mapag-isa.

Up To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon