UTY 7

6.1K 166 2
                                        



Nagising ako ng may araw na, diretso pala ang tulog ko simula kahapon. Ganito ba talaga kapag buntis? Antukin at tila laging pagod. Tumayo na ako at naghilamos. Napatigil ako sa pagtu-toothbrush nang maalala ang text sa akin ni Kieran.


May date kami ngayon at susunduin niya ako dito sa bahay before lunch. Napatingin ako sa wrist watch ko. It's seven thirty in the morning. Masyado pang maaga pero kinakabahan na ako. 


Isinara ko ng maayos ang pinto ng kwarto ko at bumaba na. Gusto ko sanang magluto ng pancake na may honey syrup. Nagke-crave talaga ako sa pancake.


Napahinto ako sa paglakad nang makita ko si Daddy na nakaupo doon sa dining room. Nagbabasa siya ng dyaryo at mukhang kakagising niya lang din dahil nakapantulog pa siya. Iyon yung regalo ko sa kanya na pantulog noong nakaraang pasko. 


"Good morning, Daddy." Bati ko sa kanya. Tumingin siya sa akin saglit saka tumingin muli sa dyaryong hawak niya. 


Alam kong galit pa siya sa akin dahil sa kapabayaan ko, dahil sa nangyari sakin na 'to. Tinungo ko ang kusina para magluto. Hinanda ko ang mga kailangan para sa paghahanda ng pancake. Hindi kasi ako gumagamit ng instant, gusto ko ay gawa ko talaga. Mabuti na lang at mayron kaming mga ingredients na kailangan.


Nabasa ko lang sa isang blog ang paggawa sa pancake, kinabisa ko iyon para pag nagluto ako hindi ko na kailangan tingnan pa sa ipad. Naghanda din ako ng kape para kay Daddy. He likes strong black coffee. Kadalasan ako ang nagtitimpla sa kanya pero hindi ko na iyon nagawa simula nang malaman niyang buntis ako.


Nang matapos ako sa pagluluto ay inilagay ko na iyon sa plato at nilagyan ng honey syrup. Para akong nanalo sa lotto dahil naluto ko ito at maayos ang kinalabasan. 


"Daddy, coffee mo po." Inilagay ko sa gilid niya ang kapeng itinimpla ko. 

"Thank you." Pasalamat niya sa akin, ngumiti ako ng bahagya at naupo sa di kalayuan sa kanya. 

"You made pancakes, Amee?" Napatingin ako kay Tita Alex. I smiled at her.

"Opo," naupo siya sa tapat ko.

"Pahingi ako." Natawa ako kay Tita, "Sige lang po Tita. Niluto ko po iyan para sa ating lahat." 

"Ya, plate and fork nga." Utos niya sa yaya na dumaan. Agad naman itong sinunod. "Oh my God, Amee you're so sweet." 


Kumuha si Tita Alex ng pancake na gawa ko at kinain niya ito. Kinakabahan ako sa magiging komento ni Tita dahil pastry chef siya.


"Uhm, tastes good." Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ni Tita Alex. "You should take culinary arts kapag college ka na." Suhestiyon ni Tita.

"Iyon nga din po ang pinag-iisipan ko." 


Noong unang beses ko kasing nag-try mag-bake ng cake ay ang mga pinsan ko ang tumikim, masarap daw kaya naman nag-suggest sila na mag-pastry chef ako tulad ni Tita Alex. Iyon din ang naisipan kong maging course kapag nasa kolehiyo ako.


"Oh my! Pancake!" Napatingin kami kay Blue na nasa bukana ng dining room. She's wearing short shorts and spaghetti strap sando.

Up To YouMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon