"I miss you too.." hinarap ko siya at niyakap ng mahigpit.
"Hindi halata na na-miss mo nga ako ah? Higpit ng yakap eh," natatawa niyang sabi. Magkahawak kamay kaming pumunta sa section kung saan naroon ang iba't-ibang junk foods. "Mamimiss kita ng sobra, hindi tayo magkikita ngayong bakasyon."
Lumungkot ako sa sinabi niya, "Siguro sa pagbalik na lang ng klase tayo magkikita."
"Ang tagal pa nun, skype tayo." Nagkatinginan kaming dalawa at sabay na ngumiti. "Anong gusto mo sa mga 'to?" Tukoy ni Kieran sa mga junk foods na nakahilera sa gilid namin.
"Kahit ano," sagot ko. Kinuha niya sa akin ang basket na hawak ko at siya ang pumili ng mga bibilhin namin. Napanganga ako dahil sa dami ng kanyang kinuha. "Ang dami na niyan Kieran!"
"Hindi naman ikaw ang kakain nito, para 'to sa mga pinsan mo." Ginulo-gulo niya ang buhok ko at nagpunta sa kabilang side ng store, sumunod ako sa kanya at pinanood ang bawat galaw na ginagawa niya.
"I want you to come with us, babe." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, nakatuon ang atensyon niya sa mga nakahilerang pagkain. "Ha?"
"Gusto kitang isama sa amin, sa France. My vacation would be more happier if you're there." He looked at me, and smile.
"I want to go with you.. but—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang hapitin niya ako papalapit sa kanyang katawan. Sa gulat ko ay napatingin na lang ako sa kanya, mata sa mata. "I know.. pero sisiguraduhin kong sa susunod makakasama na kita." He gave me a quick peck on my lips bago humagikgik at hinila ako sa beverage section.
Gusto ko ang sinabi niyang iyon, umaasa ako na sa susunod na bakasyon ay kasama na ako sa kanya. Yung tipong papayagan na ako nina Daddy at Mommy Jeramy na sumama sa kanya. Bumitaw ako sa pagkakahawak niya sa akin dahil may gusto akong kunin sa loob ng refrigerator. Iyong gatas na kukunin ko sa na kanina. Napahinto ako dahil sa pagkirot ng puson ko.
Halos mamilipit ako sa sakit, unti-unti akong napaupo. Tiningnan ko si Kieran na busy sa paghahanap ng pwedeng bilhin na inumin. Medyo malayo na siya sa akin kaya hindi niya ako napansin. Dapat talaga ay hindi niya ako mapansin, hindi niya alam ang kalagayan ko. Napapikit ako ng mariin ng bigla muling kumirot ang puson ko.
Pinagpapawisan ako ng malamig dahil sa nararamdaman ko. Mabilis ang aking paghinga at ang tibok ng aking puso. Kinakabahan din ako na baka makita niya ako sa kalagayan kong 'to. Hindi ko pa pwedeng masabi kay Kieran ang sitwasyon ko. 'Wag muna ngayon, hindi pa ito ang tamang panahon. Guminhawa ang pakiramdam ko ng unti-unting nawala ang sakit nito, hinawakan ko ang puson ko.
"Baby.. okay ka lang ba? Okay ka lang diba? Walang mangyayaring masama sa'yo diba?" Pagkausap ko sa baby ko. Tumayo ako at nag-ayos ng sarili. Lumapit ako kay Kieran na parang walang nangyari.
"Anong gusto mo dito babae?" Tanong niya sa akin habang seryosong nakatingin sa dalawang inumin na hawak niya.
"Hindi ako makapili," sagot ko.
"Andito lang pala kayong dalawa! Tara na Ate, aalis na tayo. Nag-text na si Reyie." Pagsingit ni Royal, nagkatinginan kaming dalawa ni Kieran.
Mabilis niya akong niyakap ng mahigpit. Tila ayaw niya akong pakawalan. Niyakap ko din siya tulad ng ginawa niya sa akin. I'll miss him. So much. He cupped my face and kissed my forehead, eyes, nose and lips.
"Ehem.." Napatingin kami ni Kieran kay Royal na impit ang pagkakakilig.
"Skype later, okay?" I nodded. "Okay. I'll miss you."
BINABASA MO ANG
Up To You
RomanceHindi naging madali kay Amee na hindi siya tanggap ng Mommy niya, sabihin na nating step mother o Tita. Maging madali din kaya sa pamilya niya na tanggapin ang katotohanang haharap sa kanila? Sa kaniya? Started: May 04, 2015 Ended: April 07, 2016.
