UTY 2

9.1K 266 6
                                    



"Ate!" Kumunot ang noo ko dahil sa sigaw ni Coco. Bakit sila andito? Inaabangan ba nila akong lumabas ng room?

"Oh bakit andito kayo?" Tanong ko nang makalapit sila sa akin.


Kapag uwian na namin ay sa parking lot na kami nagkikita-kita. Nakakapanibago na nandito sila sa labas ng room ko.


"Ayos ka lang ba?" Halata kay Coco ang pag-aalala niya.

"Oo, ayos lang ako." Tumango ako sa kanya at ngumiti.

"Sigurado ka, Ate?" Segunda ni Jeorge.

"Oo nga." Ginulo ko ang buhok ng bunso kong kapatid.

"Nag-alala kami sa'yo." Singit ni Royal.

"Nabalitaan naming nahimatay ka." Ani Blue.

"Okay na ako, huwag kayong mag-alala."

"Sa susunod kasi Ate, tawagan mo kami." Natawa ako kay Cyan.

"Oo, sige."

"Hindi pa ba tayo uuwi?" Inip na tanong ni Zeron sa gilid, binatukan siya ni Ekko.

"Excited ka masyado." Ngumuso si Zeron. S-hit! Ang cute niya.

"Hoy, laban tayo ah!" Aya ni Nile kay Derian.

Umakbay si Derian kay Nile, "Oo ba. Pustahan tayo."

"Tara na," aya sa amin ni Reyie.


Naunang maglakad ang mga pinsan kong lalaki. Nakasunod lang kami sa kanila.


"Ate, alam mo ba may laban na naman ako." Balita sa akin ni Reyie.

"Oh? Kailan daw?" Sa t'wing may laban si Reyie sa school ay nanonood kami.


Palagi kasing busy sina Tito Ryan at Tita Rey kaya kami na lang ang sumusuporta sa kaniya. Kami ang nagchi-cheer sa kanya kapag pinanghihinaan siya ng loob.


"Next month na." Si Royal ang sumagot.

"Oy, walang mawawala ha!" Sigaw ni Coco sa mga pinsan naming lalaki.

"May laban din pala kami sa basketball." Ani Cyan.

"Oo nga pala, kaya pala you're practicing kanina Royal." Singit ni Blue.

"Next month din ang laban ng basketball?" Tanong ni Jeorge.

"Sa pagkaka-alam ko ay oo, kaya puspusan ang practice namin. Baka nga after ng christmas party eh mag-practice pa kami." Umirap si Royal.

"May plano na ba kayo about sa christmas party Ate?" Tanong sa akin ni Reyie.

"Magmi-meeting pa kami bukas, iyan ang pag-uusapan namin. Coco, bawal kang mawala doon." Paalala ko sa kapatid ko, siya ang vice president ng school pero madalas siyang wala sa meeting.

"Okay." Bagot niyang sagot.


Medyo malapit na kami sa gate ng school nang biglang mapatigil sa paglalakad ang kapatid kong si Jeorge. Tiningnan ko ang tinitingnan niya, ang mga basketball player pala ng school namin.


"Tss," anong problema ng kapatid ko?

"Diba 'yon yung nagkakagusto sa'yo Jeorge!" Sigaw ni Blue. Huh? May nagkakagusto sa kapatid ko?

Up To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon