"Good morning, Amee!" Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa bigla.
Hinampas ko siya sa braso kaya napa-aw naman siya, "Nakakagulat ka!"
"Sorry naman, ang cute mo haha!" Ngumuso ako at kinurot naman siya.
"Hindi nakakatuwa ang manggulat ha, huwag mo nang uulitin!" Ngumiti siya sa akin at nag-puppy eyes.
"Sorry na po, prinsesa." Umiling na lang ako kay Garen at sabay kaming naglakad.
Kailangan kong mag-ingat dahil buntis ako, paano na lang kung may manggulat sa akin at madulas ako diba? Kaya inaagapan ko na. Maaga akong pumasok dahil kailangan na naming tapusin ang pagdidisenyo ng ground pati stage. Kakaunti pa lang ang mga estudyante dahil masyado pang maaga.
"Ang aga mo yata?" Tanong ko sa kanya.
"Alam kong maaga kang papasok dahil sa paghahanda kaya maaga din akong pumasok." Paatras siyang naglalakad habang nagsasalita. Ngumiti siya kaya napangiti din ako, lumalabas kasi ang cheekbone niya. Ang cute!
"Tumulong ka hanggang bukas ah?" Wala kasing pasok sa Thursday para daw makapaghanda kami dahil Friday ang Christmas Party.
"Oo naman, para sa'yo." Natawa ako sa kanya dahil sa mga padali niya. Is he hitting on me? "Amee, liligawan kita."
Napatigil ako sa paglalakad at tiningnan siya ng naka-kunot ang noo. A-anong sabi niya? Huminto din siya sa paglalakad at kumamot sa ulo na tila nahihiya dahil sa sinabi niya.
"Hindi ako nag-papaalam, sinasabi ko sa'yo para alam mo lang. Sa ayaw at sa gusto mo, liligawan kita." Kinindatan niya ako at tumakbo papunta sa quadrangle.
Hindi ko inaasahan iyon ah. Iyon ba ang gusto niyang sabihin noon kaya gusto niya akong makausap? Butterflies.. Butterflies on my stomach. Nagpatuloy ako sa paglalakad ng makabawi ako sa pagkabigla.
Naabutan ko siyang nagdidikit ng mga letters sa stage. Nandito na din pala ang ibang section na sinabihan namin. May mga nagkakabit ng mga disenyong akma sa tema at pasko sa bawat gilid ng quadrangle.
Ang mga halaman sa gilid ay kinakabitan din nila ng christmas lights na kulay puti at blue ang mga ilaw. Alam kong magiging maganda ang kinalabasan ng paghihirap naming ito. Inilapag ko ang bag ko sa stage at sinilip ang cellphone ko.
Ang huling text sa akin ni Kieran ay noong nagpa-paalam siya na babalik sa Sweet Seeya, sinabihan ko siya na bumalik doon nang maihatid niya ako sa mansyon pero ayaw niya kalaunan ay nag-text naman. Sinabi kong dapat hindi na siya nag-paalam dahil nililigawan niya palang naman ako at mag-iingat siya.
May parte sa utak ko na nagsasabing huwag siyang payagan dahil nandoon si Via pero nandoon din kasi ang kaibigan niyang si Demon at mga pinsang si Dust at Wind. Nililigawan niya pa lang naman ako, siguro pagbabawalan ko siya kapag kami na?
Naalala ko bigla ang tanong sa akin ni Garen bago ako hilain ni Kieran paalis sa school, kung may balak akong sagutin si Kieran. Inisip ko 'yon kagabi hanggang sa makatulog na lang ako. Ang totoo niyan ay may balak nga ako.. kaso ngayon manliligaw din sa akin si Garen ay hindi ko na alam.
BINABASA MO ANG
Up To You
RomanceHindi naging madali kay Amee na hindi siya tanggap ng Mommy niya, sabihin na nating step mother o Tita. Maging madali din kaya sa pamilya niya na tanggapin ang katotohanang haharap sa kanila? Sa kaniya? Started: May 04, 2015 Ended: April 07, 2016.