Agad akong umuwi sa mansyon nang magising ako, hindi ko namalayan ang oras alas singko na. Ganon ba kahaba ang tulog. Pagkapasok na pagkapasok ko sa gate ay sinabihan kaagad ako ng guard na hinahanap ako ni Daddy. May ilang missed calls at texts na galing sa mga kapatid at pinsan ko pati na din kay Daddy.
"Saan ka galing, Amaia?" Nakakrus ang mga braso ni Daddy nang tanungin niya ako.
"Sa simbahan po at kay Mommy Ara." Sagot ko.
"Ganito katagal?" Nahihimigan ko sa boses niya ang galit.
"Opo, sorry nakatulog po ako doon sa sementeryo."
"Nakaatulog ka doon? Paano na lang kung may masamang tao doon at ginawan ka ng masama? Paano kung ginahasa ka?" Nanigas ang katawan ko dahil sa boses ni Daddy.
"I'm sorry po."
"Go to your room." Tumango ako at tinahak ang hagdan, bago pa man ako maka-hakbang ay nagsalita pa si Daddy. "Magbihis ka, aalis tayo."
Hindi na ako nagtanong kung saan kami pupunta, dumiretso na lang ako sa kwarto at naghilamos saka nagbihis. Naghanap ako ng masosoot ko sa cabinet at nang may makita akong magandang dress ay hindi ako nagatubiling sootin iyon.
Binilisan ko ang kilos ko dahil baka naghihintay sa akin si Daddy sa ibaba. Nakakahiya naman. Nang matapos akong mag-ayos ay bumaba kaagad ako. Naabutan kong nag-uusap sina Coco at Jeorge sa sala.
"Oh, Ate andito ka na." Ani Jeorge.
"Kanina ka pa namin hinihintay umuwi," dugtong ni Coco.
"Galing ka kay Tita Ara?" Tumango ako kay Jeorge. "Dapat sinama mo ako." Ngumuso si Jeorge, nagtatampo 'to.
Niyakap ko siya, "Sa susunod na pumunta ako. Isasama kita."
"Talaga?" Ngumiti sa akin si Jeorge. Minsan lang lumabas ang ganyan niyang side kaya nilalambing ko siya at minsan lang siya humiling ng gusto niya.
"Let's go?" Napatingin kami sa nagsalita, si Mommy Jeramy.
Nauna siyang lumabas sa amin sa mansyon. Sumunod naman kami nina Coco at Jeorge.
"Saan tayo pupunta, Daddy?" Tanong ni Jeorge.
"You'll see, hop in." Pinagbuksan kami ni Daddy ng pintuan. Sumakay si Coco kaya sumunod kami ni Jeorge.
Nagkwentuhan lang kaming tatlo habang nasa biyahe, wala kaming ideya kung saan kam pupunta. Hindi na din namin tinanong pa si Daddy tungkol doon. Limang araw na lang at Christmas Party na tapos Christmas vacation na.
"Naaprubahan na ba yung theme natin sa Christmas Party, Ate?" Tanong ni Coco.
"Bukas ko pa malalaman yung desisyon ni Mr. Principal." Sagot ko. Napatingin ako sa labas ng bintana ng huminto ang sasakyan namin.
"We're here," anunsyo ni Daddy.
Isang engrandeng restaurant ang bumungad sa akin ng lumabas ako mula sa sasakyan. Ibinigay ni Daddy ang susi doon sa lalaki at saka pumasok na kami sa loob. Mabuti na lang at nag-dress ako. May mga tao kasi sa loob na ang popormal ng soot.
BINABASA MO ANG
Up To You
RomanceHindi naging madali kay Amee na hindi siya tanggap ng Mommy niya, sabihin na nating step mother o Tita. Maging madali din kaya sa pamilya niya na tanggapin ang katotohanang haharap sa kanila? Sa kaniya? Started: May 04, 2015 Ended: April 07, 2016.
