UTY 28

4.8K 118 7
                                    



Via.


Ayan ang pangalang pumasok sa utak ko nang makita ang taong nasa harapan ng screen ng phone ko. Siya ang sumagot ng tawag sa phone ni Kieran. Hindi ako makapagsalita. Masyado akong nagulat, hindi ko inaasahan ang ganito. Ngumiti ako ng bahagya.


"S-si Kieran?" Tanong ko. Ngumiti siya sa akin at nag-shh sign.

"Tulog na siya, andito siya sa tabi ko oh." Ginalaw niya ang phone, kita ko si Kieran na nakahiga, tulog na tulog sa tabi niya at wala pa siyang damit pang-itaas. "Bakit ka nga pala napatawag, Amee?" 

Umiling ako, "Wala. Sige, pakisabi na lang tumawag ako sa kanya." 


Agad kong ibinaba ang tawag, napaupo ako dahil sa panghihina. Kasama ni Kieran ang pamilya niya doon sa France ngunit bakit kasama si Via? At.. magkasama pa sila sa kwarto. Magkatabi. Si Via pa nga ang humawak ng phone niya, hindi kaya.. Hindi ayoko isipin. Ayokong isipin na baka..


Baka sila na ulit..


At may ginawa silang hindi dapat.


Umiling ako dahil sa mga iniisip ko. Hindi magagawa sa akin ni Kieran ang bagay na iyon! Sinabi niyang mahal niya ako. Pero paano kung ganun na nga ang nangyari? Paano kung nagkabalikan na sila? Paano kung may nangyaring hindi dapat? Paano ako? Tahimik akong umiyak habang nakatungo. Masyado nang maraming nangyayari ngayong araw, hindi ko na kaya pa. 


Hindi ko alam kung paano ako napunta sa kama dahil pagkagising ko ay nakahiga na ako doon. Wala sina Coco at Reyie. Tumayo ako at nagpunta sa cr, magang-maga ang mga mata ko dahil sa pag-iyak. Nagbabadya na naman ang mga luha ko, hindi ko malilimutan ang nakita ko. Madaming pumapasok  sa isipan ko. 


"Ate Amee?" Kasabay ng pagtawag sa akin ay ang pagkatok sa pinto ng aking kwarto. Agad akong nagpunas ng mukha para labasin kung sino man iyon.

"Reyie," tawag ko nang mabuksan ko ang pinto. 

"May bisita ka, si Garen. Naroon siya sa garden, hinihintay ka." Malamyang sabi ni Reyie, tumango ako sa kanya.

"Sige, bababa na ako." 


Nagbihis muna ako bago lumabas ng kwarto. Halos walang buhay ang mansyon namin dahil sa nangyari, parang may malaking nagbago. Ramdam din nito ang pinagdadaanan ng bawat isa sa amin. Ang tahi-tahimik. Hindi tulad noon na puno ng buhay, puno ng ingay. Dumiretso ako sa labas dahil nandoon ang garden. 

Tanaw ko na ang isang lalaking nakaupo sa swing, nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko kita ang kanyang mukha. Dahan-dahan akong tumabi sa kanya, napatawa ako ng bahagya dahil nagulat siya. Ilang araw ko nang hindi nakikita si Garen, simula nang maging kami ay hindi ko na siya nakausap. Ang huling araw na nakita ko siya ay noong iniligtas niya ako. 


"Amee," tiningnan ko siya. Nakatingin siya sa lupa. Hinihintay ko ang susunod niyang sasabihin. "May aaminin ako sa'yo." 

"Ano iyon?"

"Dati ko pa 'to gustong sabihin pero nawawalan ako ng lakas ng loob sa t'wing kausap kita. Nawawalan din ako ng diskarte dahil minsan ay naabutan tayo ni Kieran at pinapalayo ka niya sa akin." Sa mga salita palang niya ay alam ko na agad ang nais niyang sabihin. 

Up To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon