Wakas

9.4K 230 30
                                    



"Congratulations graduates!" Sigaw ng President ng La Trinidad University. Naghiyawan kami at nagpalakpakan. Sa wakas ay graduate na ako!

"Graduate na tayo, Amee!" Inalog-alog ako ni Dionne sa sobra niyang tuwa. Natawa tuloy ako sa kanya.

"Oo nga!" Binati namin ang iba pa naming ka-block. Nagpicture-picture kami dahil isa ito sa mahalagang araw ng buhay namin. 


Nagpaalam ako kay Dionne na pupuntahan muna sina Daddy, madali ko naman silang nahanap sa dami ng mga magulang dito. Kasama ni Daddy si Tita Ash, hinagkan ako ni Daddy nang makalapit ako sa kanya.


"Congrats, anak.." Hinaplos niya ang aking buhok. Sunod naman akong niyakap ni Tita Ash, "Congrats, Amaia. I'm so proud of you." 

"Thank you po, Dad and Tita Ash." Hinawakan ni Tita Ash ang kamay ko at marahan itong pinisil.

"Inimbitahan mo na ba sina Dionne?" Tanong ni Tita Ash, oo nga pala. May handaan sa Hacienda ngayon. "Itetext ko na lang po siya, baka hindi ko na po mahanap iyon dito sa dami ng tao." 

"Magpapicture muna tayo bago umalis," ani Daddy. 


Nagpaalam ako sa mga kaklase kong nakakasalubong ko, si Tita Ash naman ay inimbitahan ang mga ito dahil nga sa may handaan sa Hacienda para sa akin. Malapit na daw ang mga pinsan kong mga Montealvo sa Hacienda kaya nagmamadali din kami.

Matapos naming mag-usap noon ni Kieran ay tumungo agad kami papuntang La Trinidad. Iyon ang desisyon kong nabuo bago pa ako makalabas ng Hospital. Sa La Trinidad ako magtatapos ng pag-aaral, aalis ako ng Manila para makalimot. Noong una ay hindi ako sanay, napaka-payak ng pamumuhay dito kaysa doon sa Manila.

Wala akong kilala dito noon maliban sa mga pinsan ko na mga Montealvo. Mabuti na lang at nakilala ko si Dionne, siya lang ang naging close kong kaibigan. Madami din naman akong nakilala pero hindi ko sila gaanong ramdam. Hindi kasi ako nakikipag-usap noong una pero si Dionne, palagi niya akong kinakausap. 

Nang maka-graduate ako ng High School ay sa La Trinidad University ako pumasok bilang kolehiyo. Related sa business ang kinuha ko dahil gusto kong tulungan si Daddy sa business namin sa Manila. Parehas kami ng kinuhang kurso ni Dionne, kaya mas lalo pa kaming naging close. 

Mahirap mag-move on, pero heto kinaya ko. Natanggap ko na ng buong puso ang nangyari sa akin dati, napatawad ko na si Yael. Nalaman kong hindi mo pala malilimutan ang lahat ng nangyari kahit na magpakalayo-layo ka kasi madadala mo iyon kahit san ka pa magpunta. Ang kailangan mo lang talagang gawin ay tanggapin at magpatawad.

Sa pamamalagi ko dito sa La Trinidad, hindi ako nakaligtas sa mga lalaking gustong manligaw. Una palang ay sinasabihan ko na silang hanggang kaibigan lang talaga dahil wala pa sa isip ko ang pagmamahal.


"Bumaba na tayo, Amaia." Aya sa akin ni Tita Ash, nasa tapat na pala kami ng mansyon. Bumaba kami ni Tita Ash, sa hardin magaganap ang handaan. 

"Congratulations!" Sigaw nilang lahat ng makita ako, niyakap ako ng mga pinsan ko. 

"Grabe Ate, dati high school ka palang tapos ngayon graduate ka na ng college!" Sabi ni Antoine. Anak siya ni Tito Arthur. Sunod naman akong niyakap ni Misty, siya ang pinakabunso sa mga Montealvo.

"Are you going to Manila, Ate?" Malungkot na tanong nito.

"Of course Misty, doon nakatira si Amee eh." Sagot ni Ate Penny. 

Up To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon